Chapter 5

2K 40 6
                                    

"One upon a time I believe it was a Tuesday
When I caught your eye we count on to something
I hold on to the night you look me in the eye
And told me, you loved me..."

Hindi malaman ni Jayden kung si Clarie ba talaga ang nakikita niyang kumakanta sa stage ng studio. Noon niya lang napanood ng ganoon ito. Sa unang verse ng kinakanta, kalma lang naman ang girlfriend niya. Pero nang tumindi at bumilis ng kaunti ang melody, unti-unti na ring nagkikilos iyon. Hindi lang si Jayden ang nakaramdam ng galing ng boses ni Clarie, maging ang mga manunugtog niya'y napapatingin din dito. Kaya't nahuli na ni Jayden ang mga pinahihiwatig ng mga iyon sa kanya - na komedyante lang siyang boyfriend at may hidden talent ang kanyang girlfriend. Nagbibiro lang naman talaga siya sa tuwing pinapamukha niyang sintunado ito. Ngunit ang totoo'y may kakaibang timbre ang boses nito.


"And I stare at the phone you still hasn't called
And then you feel so low you can't feel nothing at all
And you flash back to when he said forever and always
Oooh.."

Hindi lang si Jayden at Clarie ang natutuwa sa eksenang iyon, maging sina Gail, Paul at Mak ay bigay na bigay rin sa tinutugtog nila. Napahanga na lang si Jayden sa girlfriend. Hindi lang dahil sa ginagawa nito ngayong pagpapa-impress sa kanya na alam niyang iyon talaga ang ginagawa ni Clarie, ngunit sa kabuuang anyo nito ngayon na kinatutukso niyang hatakin ito sa stage at solohin muna mag-isa. Sa paningin niya'y lalong umaliwalas ang mukha nito na lalong nagpaganda dito, ang humaba nitong buhok na maganda ang bagsak, ang tamang timpla ng kulay ng balat na nag-paangat din dito, at ang pagkakaroon ng kaunting laman ng katawan nito. Masasabi niyang naging sexy na nga ito na dati'y talagang may kapayatan ang katawan. Sabay talaga na nagbago ang mga katawan nila. Hindi pinabayaan  ni Jayden ang katawan sa pagme-maintain nito. At si Clarie nama'y nakita naman ang resulta sa mga panunuyo ni Jayden sa kanya, in a way na hindi lang ang puso niya ang binusog but literally pati ang tiyan busog na busog rin sa mga recipe nito.


Nang matapos na ang pagkanta ni Clarie at ang pagtugtog ng mga kasama niya, wala namang ibang ginawa si Jayden kundi ang pumalakpak ng sunod-sunod. Alam niyang siya lang ang gumagawa noon pero rinig niyang may ibang mga kamay na sumasabay din. Kaya't napasunod siya sa mga kasama nang matuon ang direksyon ng mga iyon sa likuran niya.


"Bench!" biglang sigaw ni Paul at napatayo nang matitigan ang lalaking nakatayo sa likuran malapit sa pintuan ng studio. Tinaas naman ng lalaki ang kanang kamay at nginitian ang tumawag sa kanya. "Naligaw ka yata dito?"


"Medyo. Ang sabi kasi ng guard sa Colser nandito daw 'yung nagtatago kong kaibigan," nakangiti pa rin nitong sabi nang makalapit sa stage at hinarap ang tumatawang si Paul. Samantalang ang iba nama'y nakatitig lang sa bagong lalaking dumating. Napansin naman ni Jayden na nakatitig lang din si Clarie sa lalaking iyon. Kaya naman umubo siya kunwari kahit wala naman talaga siyang ubo, maagaw niya lang ang eksena. Napatingin naman ang lahat sa kanya.


"Ah, Jayden, Clarie, Gail, Mak – si Bench, kaibigan ko. Ang guwapo at talented kong kababata," may papuring pagpapakilala ni Paul. "Bench, mga co-Colser Sirens. Pwera kay Clarie, 'yung kumanta. Hahaha..."


"Talaga?" nakangiting tugon naman ni Bench na binaling kay Clarie ang tingin. Nakangiti din ito sa kanya. "Sa tingin ko dapat isama nyo na siya sa banda. May boses siya."


"O? Pa'no ba yan guys? Galing na sa kanya na maganda daw ang boses ko," pagmamalaki kaagad ni Clarie sa lahat at tinitigan si Jayden. "At, hindi talaga ako sin-tu-na-do!"


Hagalpakan naman sa tawa ang lahat maliban kay Jayden. Hindi nito alam kung dapat ba siyang mainis sa girlfriend. Sumang-ayon din sina Gail, Paul at Mak sa komento ni Bench na lalong nagpangiti kay Clarie. Tanggap naman ni Jayden na nabuking na siya sa pagsisinungaling at puro panloloko lamang niya ang tungkol sa boses ni Clarie. Ngunit ang puno't dulo talaga na nagpa-iba ng mood niya ay ang pagsulpot ni Bench sa studio. Pakiramdam niya'y hindi maganda ang idudulot ng lalaking iyon sa lugar nila. Lalo na sa Clarie niya.


Madilim na rin nang lumabas sila ng studio kaya't nagyaya na si Clarie umuwi. Wala namang tugtog ang Colser Sirens noon kaya sumabay na si Jayden sa pag-uwi, pero tahimik lang ito na naging dahilan naman para mapansin ni Clarie.


"Anong nangyari sa'yo?" kausap ni Clarie habang naglalakad sila.


"Wala," diretso lang ang tingin ni Jayden sa kalsada.


"Hm... Hulaan ko, si Bench 'yan no?"


"Hindi no!" mabilis kaagad na sagot ni Jayden at napatingin kay Clarie. Patuloy pa rin sila sa paglalakad na may kaunting distansya sa isa't-isa.


"Naku, Jayden! Kilala na kita. Ganyan din 'yung itsura mo nung nakita mo akong kasa-kasama ko 'yung kaklase kong lalaki na ka-team ko sa thesis. Tapos, nung may lalaking lumapit sa'kin at hiningi ang cell number ko noong minsang lumabas tayo, ganyan na ganyan din ang mukha mo!" pagpapaalala ni Clarie. "Eh, bakit naman 'yung kaibigan ni Paul? Wala naman siyang ginawa ah."


"Wala nga. Ikaw kasi 'yung natulala sa kanya! Pangiti-ngiti ka pa," busangot ni Jayden na ikinangiti naman ni Clarie. Kaya naman sinundot-sundot niya ng hintuturo ang tagiliran ni Jayden. 


"Asus... Si boyfriend talaga."


Inaalis naman ni Jayden ang pagsundot-sundot ni Clarie sa kanya. Hindi kasi talaga siya natutuwa. Hindi siya natutuwa sa Bench na iyon. Nang tumigil na si Clarie sa pang-aasar sa kanya, dumiretso na ulit sila ng lakad. Naramdaman na lang ni Jayden na hindi na nag-iisa ang kanang kamay niyang malaya lang na nasa gilid niya. Sinamahan na iyon ng kamay ni Clarie. Sa bawat pagitan ng daliri niya'y naroon rin ang daliri ni Clarie. Holding him really closed.


"Huwag ka ng gumanyan, please?" sambit ni Clarie na nakatingala kay Jayden habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. "Natuwa lang naman ako sa kanya kasi pinuri niya ko di'ba? Buti pa siya! Pero, yun lang yun. Ikaw pa din ang labidabs ko at hindi magbabago yun."


"Dapat lang, Clareng!" baling niya at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay nito. "Alam mo 'yung pakiramdam na parang gusto kong manapak kapag may ibang nagpapangiti sa'yo."


Kaagad namang piningot ni Clarie ang tainga ng kasama. Hindi niya kasi gusto ang mga ganoong salita ni Jayden. Pakiramdam niya baka maging possessive masyado ang boyfriend niya. Ayaw lang niyang magkatotoo pa ang babala ng kuya Caloy niya. Wala namang dapat ika-selos si Jayden dahil hindi naman talaga nakuha ni Bench ang atensyon ni Clarie. Natitigan niya lang iyon dahil parang pamilyar ang lalaking iyon sa kanya hindi niya lang matandaan kung saan at kailan niya ito nakita. Si Jayden lang ang gusto niya at minamahal niya ngayon. At aminado siyang mahihirapan siyang baguhin ang nararamdamang iyon. Walang perpektong boyfriend pero ang salitang kuntento, iyon ang mas akmang matatawag niya sa pinakagusto niyang lalaki ngayon.

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon