Chapter 20

2.4K 37 4
                                    

"O, edi tama nga?" pagkumpirmi ni Aji kay Jayden sa pinag-uusapan pa rin nila na nanatili pa ring nakaupo sa bench.

"Ang kulit niyo!" iritang sabi ni Jayden at tumayo na at hinarap ang tatlo. "Yun nga 'yung plano... dati! Hindi ko na nga tinuloy! Bakit ba inuungkat niyo na naman? Sinabi ko na sa inyo na tinigil ko na 'yung planong 'yun nung tumawag kayo 'nung isang araw pati nung mga nakaraang buwan. Bakit ba ayaw niyong maniwala?"

"Kasi naman, concern lang kami kay Clarie!" sagot ni Biboy.
"Sa maikling panahon na nakasama namin siya at nakilala, hindi niya deserve na lokohin mo lang at gantihan," dagdag din ni Aji.

"Ikaw na nagsabi niyan Aji!" sabi ni Jayden sabay turi dito. "Hindi niya talaga deserve 'yun, kaya lahat ng feelings ko sa kanya walang bahid ng panloloko, lahat totoo!"

"Talagang-talaga?" paninigurado ni Aji.

"Oo nga! Hindi ko magagawang lokohin siya kahit na nung una medyo niloko ko talaga siya. Pero wala pa naman siyang gusto sa'kin 'nun, ibang lalaki pa ang kinalolokohan niya," paliwanang ni Jayden.

"At ngayon?"

"Love lahat walang hatred o revenge. Teka nga? Type mo ba si Clarie ha, Aji?"

"Naman Jayden? Pati ako pagseselosan mo?" sabay tawa ni Aji. "Pero, honestly... medyo sexy kasi siya kaya-"

"Tama na nga yan!" singit ni Lance sabay takip sa bunganga ni Aji. "Walang sulutan, Aji. At ikaw naman Jayden, sa wakas bumalik na ka na talaga sa dati, bro!"

"Kinukulit ka lang talaga namin at pinapaalala ang mga naging plano na 'yun kasi gusto lang naming siguraduhin na wala na dapat ang paghihiganting 'yun. Biro lang naman namin talaga 'yun, pero di namin inakalang gagawin mo pala talaga!" paliwanang ni Biboy sabay tayo na rin at inakbayan si Jayden.

"Masaya na si Karla, kaya dapat maging masaya ka na rin," habilin naman ni Aji.

"Oo naman. Masaya na ako kay Clarie. Masayang-masaya," nakangiti niyang sabi sa mga kaibigan. At tinapik-tapik naman si Jayden ng mga ito gawa ng sinabi niya.


Sa loob-loob ni Clarie, kung narinig niya siguro lahat ng iyon hindi na siguro siya nasaktan. Gusto niyang sabihin kay Lance na sana dati pa nito sinabi sa kanya o kaya'y sanay'y dati pa siya nito kinamusta. Gusto niyang batukan ang sarili sa mga nangyari. Hindi naman din niya masisi si Jayden dahil sinabi naman na nito sa iniwang recording na hindi na nga niya itinuloy ang plano. Siya lang talaga itong hindi naniniwala dahil natabunan ng emosyon ang pagtitiwala niya. Nakayuko na lang siyang inaalala ang mga ginawa niya sa sarili, kay Jayden at maging kay Bench na kinuntsaba niya pa para lang masaktan ang boyfriend niya.

"Sa tingin ko magkakabalikan na ulit kayo," ngiting sabi sa kanya ni Lance habang hinawakan ang mga balikat niya. "Just trust him. And... give him his second chance."

"Nakakainis kayo!" natawa niyang sabi na agad pinunasan ang tumulo niyang luha. "Bakit ganun, pakiramdam ko para niyo pa rin akong niloko? Dahil lang sa hindi ko napakinggan lahat ng pinag-tsismisan niyo, nagdusa pa ako."

Tinawanan lang siya ni Lance. Hindi siya makapaniwala na nagpadala talaga siya ng labis sa emosyon niya. And frankly, inamin niyang naging OA din siya.




Hanggang makauwi parang lutang pa rin siya sa mga pinag-usapan nila ni Lance. Natutukso siyang tawagan si Jayden ngunit pinipigilan siya ng sarili na gawin ito dahil sa kahihiyan na mga ginawa niya.

Paano nga ba siya makakasiguro na totoo ang mga sinabi sa kanya ni Lance? Bigla siyang nakaramdam ng duda.

Paano kung parte lang ulit iyon ng plano ni Jayden? Naguguluhan na si Clarie. Pakiramdam niya sinusubok ang pagtitiwala niya.

Hanggang saan at kailan ba siya dapat maniwala? Anong basehan niya para magtiwala ulit?

"Clareng! Clareng!" sunod-sunod na tawag ng Tita Melly niya mula sa ibaba. Kaya agad naman siyang nagmadali pababa.

"Clareng..."

Kaagad siyang yumakap sa lalaking nakita niya sa pintuan. Hindi siya makapaniwalang dumating na ang tatay Mateo niya.

"Tatay! Bakit ngayon ka lang?" naiiyak-iyak niya pang sambit sa ama. "Na-miss kita talaga!"

"Na-miss din kita anak. Sobra..."
Maging ang tatay Mateo niya hindi na rin napigilan ang pagluha ng mata dahil sa kasiyahan at pangungulila sa bunsong anak nito. Samantalang si Clarie tuwang-tuwa sa pagdating ng ama. Pakiramdam niya'y nawala lahat ng kirot sa kalooban niya. Dahil alam niyang narito ang lalaking kahit kailan ay hindi siya lolokohin bagkus ito ang poprotekta sa kanya. Maging si Tita Melly ay masaya rin sa nakikitang mini reunion ng kapatid nito at pamangkin.

"Kadarating mo lang ba Tay? Parang kaunti lang ang gamit mo? Puro pasalubong lang din 'yun ah," tanong niya sa ama nang matapos na silang magkamustahan at magkwentuhan tungkol sa mga pinagdaanan ng ama sa ibang bansa at mga pinagdaanan din ni Clarie sa pag-aaral.

"Ang totoo niyan Clareng, noong nakaraang linggo pa ako nakarating."

"Ha?!"

"Oo. Dumiretso muna kasi ako sa kuya Caloy mo. Hindi rin niya alam na darating ako nun. Sinabi ko sa kanya na 'wag nang ipaalam sa'yo kasi gusto kitang i-surprise. Na-surprise ka ba?"

"Oo naman 'tay! 'Yung maleta mo din eh, full of surprises at pasalubong!" tawa niyang sabi sa ama. "Mukhang marami kang baong surprise 'tay. Meron pa ba?"

"Oo, anak. Sana magustuhan mo ang huli kong surpresa. Halika. Ipapakita ko sa'yo."

Inaya siya ng kanyang ama papunta sa sanktuwaryo. Hindi niya tuloy maintindihan kung paanong nalaman kaagad ito ng ama niya. Madilim doon at nakakatakot ang mga puno. Ayaw niya talagang pumupunta dito kapag sumasapit na ang gabi.

"Teka 'tay, bakit dito tayo pupunta? Paano mo nalaman 'to?" tanong kaagad niya na humawak na sa braso ng ama.

"Basta anak. Actually, sorpresa ito ng isa pang lalaki sa buhay mo."

Magtatanong pa sana si Clarie ngunit hindi na niya naituloy pa dahil biglang may suminding mga ilaw na nagkikislapan sa paligid niya.

Pati ang bench na naroon ay nagkaroon din ng maliliit na ilaw. Ngunit hindi lang doon natuon ang atensyon dahil naagaw din iyon ng salitang nasa gawing bubong ng sanktuwaryo. Nangniningning na SORRY ang nababasa niya roon na nasa arko.

Binitawan na siya ng ama at inutusang lumapit sa  arkong iyon. Hindi naman na siya pumalag kaya't sinunod niya ito.

May kutob na siya kung sino ang lalaking sinasabi ng ama. Hindi na nakakatakot ang sanktuwaryo sa gabing iyon para kay Clarie. Isa iyong napakaganda at napaka-romantic. Ang gaganda ng mga ilaw na halos sakupin na ang mga puno at halamang naroon.

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon