Chapter 9

1.5K 41 2
                                    

Hindi inalis ni Clarie ang mga mata niya sa mga mata ni Jayden. Nais niyang makasiguro na totoo ang mga sasabihin nito sa kanya. Hindi siya mapalagay.

Kung siya ang minamahal ni Jayden ngayon, bakit nasasaktan pa rin iyon sa sakit ng kahapon? Posible nga ba ang ganitong sitwasyon?

“Si girlfriend nakikipag-true-love-conversation na naman sa past,” sabay hawak ni Jayden sa magkabilang pisngi ni Clarie. “Huwag kang mag-alala, mas type ko pa rin iyong palayok kaysa sa porselanang mangkok!”

“Aba... Sinong palayok?! Ako? Makalait ka ng kutis dyan,” paghampas naman ni Clarie sa kasintahan. Tumatawa namang sinasangga iyon ni Jayden.

“May nararamdaman ako,” nasabi bigla ni Jayden na nagpatigil kay Clarie.

“Anong sinabi mo?”

“Sabi ko, may nararamdaman ako... para sa’yo. Nag-uumapaw na nga itong feelings ko sa’yo. Pero, ‘yung para sa kanya, kay Karla? Nawala na. Inagaw mo na din kasi eh.”

Nangiti naman si Clarie. Kahit halatang tunog korny, iyon lang yata ang pinakagusto niyang narinig na ginawang pang-aagaw niya. Hindi bagay, tao, o atensyon. Mismong feelings talaga nito ang goal talaga niyang maibaling sa kanya ni Jayden.

“Dala lang nang hindi mo pagsasabi nung tungkol sa inyo ni Bench ang nakapagpa-bad trip sa’kin. ‘Yung kanta naman, ikinagulat ko talaga. As expected, may memories na kasama na hindi ko na dapat pang iugnay sa’yo. Pero kahit na naramdaman ko ‘yun kanina...” hinto nito sa pagsasalita at nakatuon na lang na tinititigan ang mga mata ni Clarie.

“Bakit?”

“Hindi ko na ma-itangging minanipula na ako masyado nito,” sabay turo ni Jayden sa sariling dibdib. “Mas naramdaman ko pa yatang lalong lumakas ang tama ko sa’yo dahil sa nangyaring ‘to.”

“Hm... O sige na. May tama ka na, baka lalong maging korny pa,” pigil ni Clarie kaagad gamit ang hintuturo at idinikit niya iyon sa labi ni Jayden. “Naniniwala na ako, boyfriend.”

“Oy, hindi ko sinabi lahat ng ‘yun para kumbinsihin kang maniwala sa’kin. Sinabi ko talaga ‘yun, dahil ‘yun ang totoo! Walang halong duda. Magkaiba ‘yun, girlfriend!”

“Oo na. Oo na nga,” natatawa niyang sabi. “Ang dami mong alam, di ka mag-Japan!”

“Pauso? Saan mo naman napulot ‘yan?”

“Sa office,” sabay tawa niya. At umuwi na nga silang maayos na ang mga issue sa isa’t-isa.

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ni Clarie. Kahit na naging abala siya ng kaunti sa trabaho ay nalilibang naman siya dito. Mas lalong gumaan ang pakiramdam niya bukod sa wala na siyang inililihim kay Jayden ay panatag siyang magtutuloy-tuloy lang ang maayos na takbo ng kanilang relasyon.

Dahil day off ni Clarie at alam niyang rest day din ni Jayden, gusto niyang ayain itong lumabas at siya ang manlilibre dito. Pero sinabi ni Tita Ester na nasa sanktuwaryo daw si Jayden kasama ang mga kaibigan nitong sina Biboy, Aji, at Lance. Naging maluwag na ang mga oras ng tatlong iyon kaya’t nakakadalaw sila paminsan-minsan kay Jayden.

At iyong paminsan-minsan na iyon hindi talaga inaasahan kaya’t laging ikinagugulat at ikinaiirita naman ni Jayden.

“Pero aminin mo Jayden maganda talaga ‘yung naisip namin na ‘yun!” sabi ni Aji na may kasama pang tapik sa balikat ng katabing si Jayden.

Mula sa isang malaking punong pumapagitan kay Clarie at sa apat na lalaking nakaupo sa bench ay rinig niya ang pinag-uusapan nito. Minabuti niyang pakinggan lang ang mga iyon at tsaka na lamang niya gugulatin ang mga ito.

Nakatalikod ang apat sa kanya – si Biboy ang nasa kaliwang dulo, katabi si Lance, kasunod si Jayden na katabi naman sa kanang dulo si Aji.

“Oo naman!” baling ni Biboy sa mga kasama. Kaagad namang itinago ni Clarie ang sarili nang kaunti sa likod ng puno.

“Kaya nga siya pumunta dito para makahanap ng gagantihan niya diba?”

“At jackpot nga!” sabay isang bagsak na palakpak ni Aji. “Si Clarie ang nakita niya! Siya nga ba? O may nauna na sa kanya? Nabulilyaso ka sa mga naunang babae? Nabuking? Kaya si Clarie ang naabutan namin ngayon?”

“Dami mong tanong!” singit ni Biboy. “Ano nga ulit ‘yung pinlano natin? Papaibigin dapat ‘yung babae as in ‘yung magiging patay na patay kay Jayden tapos sasaktan niya sa huli at iiwanan! Kumbaga, pinaglaruan niya lang. Kagaya nung ginawa ni Karla. Masakit talaga ‘yun.”

Malinaw ang mga sinabing iyon ni Aji nang makaabot sa mga tainga ni Clarie. Rinig na rinig niya iyon, na maging ang puso niya awtomatikong naapektuhan din nang bigla iyong nag-panic.

“Tama, ‘yun nga ang plano,” sang-ayon ni Lance. “At nagtagumpay tayo. Hindi na nga kayo mapag-hiwalay Jayden. So, aminin mo na. Iyon naman talaga ang plano natin di’ba? Hanggang ngayon ba, iyon pa rin ba?”

Sa mga naririnig ni Clarie mukhang ayaw na niyang bulagain pa ang mga ito.

Hindi na niya kayang gawin iyon.

Tanging ang sasabihin na lang ni Jayden ang hininhintay niya.

At marinig mula sa boyfriend  na hindi iyon totoo, na hindi siya nito niloloko, at hindi siya nag-plano ng ganoon gaya ng mga narinig niya sa mga kaibigan nito.

“Oo... Oo na! Sinunod ko kayo,” narinig niyang sagot ni Jayden na diretso lang ang tingin kumpara sa tatlo na nakatuon naman sa kaibigan nila. “Yun talaga ang plano ko kung bakit ako pumunta dito sa Manalansan. Tama... Si Clarie ang naging prospect ko. Siya ang gusto kong paibigin at sa huli ay saktan.”

Parang isang kidlat iyon na direktang tumama sa dibdib ni Clarie.

Paulit-ulit rin na umi-echo ang mga huling sinabi ni Jayden sa isipan niya. At sa sandaling iyon hindi lang isang kidlat ang dumudurog, pakiramdam niya’y libo iyong sumusugod sa kanya.

Siya ang gusto kong paibigin at sa huli ay saktan. Paibigin... Sa huli ay saktan!

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon