Chapter 17

1.7K 36 6
                                    

“Hindi mo kayang patunayan?” sabi nito sa kanya na inilapit pa ang mukha sa kanya. Alam niyang sa mga mata nito ay pinaglalaruan lang siya kaya naman hindi siya makakapayag na pagtawanan lang siya nito at isipin na may pagmamahal pa siya para sa lalaking ito.

Kaya’t nang ilayo ni Jayden ang mukha ay kaagad naman niyang hinatak ang batok nito at inilapit ang mukha sa kanya.

Then she kissed him like what he asked.

Ibinuhos ni Clarie ang lahat ng emosyon niya dito – poot at galit. Ngunit kasabay din noon ay ang pagbabalik ng mga masasayang alaala na kasama niya si Jayden.

Mula noong una siyang nahalikan nito sa sanktuwaryo hanggang sa kung paano siya nito pangalagaan dati.

Ang kaninang mapusok na paggalaw niya ay unti-unti nang bumagal dala na rin sa hindi niya maintindihang emosyon.

Hindi niya maintindihan ang sarili dahil alam niyang galit siya dito ngunit parang ito pa rin ang hinahanap-hanap niya. At ang hahanap-hanapin pa niya...

Hindi na lang niya namalayang tinutugunan na rin pala iyon ni Jayden.

Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas.
Ngunit nang mapakapit siya sa hawak niyang keychain na gitara mula sa isa pa niyang kamay, bumalik ang katinuan sa isip niya kaya’t lumayo siya ng bahagya.

Mula pa noong dumating sa park ay hawak na niya ang keychain na iyon. Iniabot niya kay Jayden ngunit tinitigan lang nito ang hawak niya. Kaya naman nang mapansin ni Clarie na hindi iyon kinukuha nito ay siya na mismo ang kumuha sa palad ni Jayden at nilahad doon ang keychain. Iyon ang pinaka-unang bagay na binigay sa kanya nito. Iyon ang mas naging malapit sa kanya sa lahat ng natanggap niya mula rito dahil kahit na hindi iyon totoong gitara, parang replika na iyon ng pagkatao ni Jayden.

Umalis na siya na hindi na tiningnan pa ang mukha nito. Dahil batid ni Clarie na malaki ang tawa nito sa kanya lalo’t pakiramdam niya’y napatunayan niyang mahal niya pa rin pala ito.

Ang luhang kanina niya pa pinigilan ay unti-unti na ngang nagbagsakan nang makauwi siya. Tanging ang kuwarto niya lamang at ang lahat ng mga gamit roon ang may saksi ng nangyayari sa kanya.

Damang-dama niya ang inis, sakit, at lungkot hindi lang dahil sa nangyari, kundi dahil rin sa kantang pinakikinggan niya ng mga sandaling iyon. Ai Mei, Taiwanese song na hindi naman niya naiintindihan ang lyrics, pero ang melody nito ang lalong nagpapaangat ng emosyon niya. Iyon ang gusto niyang gawin – ang umiyak ng umiyak hanggang sa maubos ang lahat ng luha niya.

Sa pag-alala sa nangyaring truce na sinabi ni Jayden ay pinamukha lang niya  na may nararamdaman pa nga siya para dito. Kaya ito siya, patuloy na nasasaktan. Mali siya sa pag-aakalang magiging maayos pa ang lahat. Sa loob-loob niya’y wasak na wasak iyon.

Kinuha niya ang cell phone na nasa mesa. Pinatigil ang kanta at in-open ang audio diary files na naka-save roon. Nais niyang mag-record ulit at samantalahin ang tindi ng emosyon ngunit naagaw ang atensyon niya ng makita ang isang folder na naroon..

For you ang pangalan nito. May dalawang recordings ang laman noon.

Bumungad ang sarili niyang boses sa unang record. Isa sa mga hindi niya malilimutang pangyayaring kasama si Jayden noong nagbalik ito sa Manalansan at dito na namalagi. Hindi niya akalaing naka-record pala ang pagkanta niyang iyon ng There You’ll Be na kasabay ring tinugtugan siya noon ni Jayden. Sinamahan niya ito sa paglilibang kaya’t sinabayan niya ang tinutugtog nito pero alam niyang nilait rin naman nito ang boses niya matapos. At nakasiguro nga siya dahil nakasama pa sa record ang parteng sinabihan siyang sintunado nito.

Hindi niya alam kung paanong napunta ang record na iyon sa cell phone niya.
Hindi kaya... Alam na niya?

Hindi na niya pinatagal kaya’t kaagad na din niyang pinakinggan ang huling recording.

Na-surprise ka ba?”

Bumalik ang kirot nang marinig niya kung sino ang nagsalita.

Well... that recorded voice of yours is simply my hidden admiration on you, Clarie. Totoo. I admire you and I loved you. At kahit na hindi mo muna inalam ang lahat ng narinig mo, pinlano mo pang saktan ako, still... walang nagbago sa nararamdaman ko para sa’yo. Tama naman lahat ng narinig mo sa mga pinag-usapan namin. Totoong ikaw ang binalak kong paghigantihan. Iparamdam sa’yo kung gaano kasakit ang iwanan. Pero, binalak ko lang ‘yun. Bigla rin akong natauhan na hindi tamang gawin ko ‘yun sayo. Kaya hindi ko na tinuloy pa. Hindi ko kayang saktan ka.

Sana gising ka ngayon, pero knock-out ka talaga sa mga ininom mo. Kung may malay ka man ngayon, hindi ako sigurado kung gusto mo rin akong pakinggan. Dahil kung gusto mo, sana noon pa kinompronta mo na ako. Pero nilihim mo lang...

"Hindi kita niloko. Walang pagpapanggap na nangyari. Lahat ng ginawa ko at pinaramdam ko totoo... Totoong totoo, Clarie. I’m sorry kung hindi ko sinabi ang dati kong plano. Please, be okay. Forget that stupid plan, girlfriend.”

Nasapo na lang niya ang sariling cell phone sa kanyang dibdib kasabay ang mga luhang muli na namang nagbagsakan.

Ang hikbi niya ramdam niyang lumalakas bawat segundong lumilipas. Wala na siyang pakialam kung bigla na lang siyang bulagain ng Tita Melly niya o kahit pa ang kuya  Caloy niya. Deep inside, gusto niyang maniwala.
Gustong-gusto niyang magtiwala sa mga sinabi nito sa kanya. Pero ganoon nga lang ba kadali na paniwalaan si Jayden?

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon