Chapter 7

1.7K 34 0
                                    

Mabait, masipag, at may sense of humor si Bench ayon sa unti-unti niyang pagkilala dito. Approachable din ito sa tuwing may mga itatanong siya at ipapatulong dito tungkol sa trabaho. May iba rin naman siyang babaeng nakapalagayan ng loob ngunit si Bench talaga ang madalas niyang nakakausap at nakakasama dahil magkatapat lang sila halos ng table nito. May kalayuan rin ang pwesto ng ilan kaya silang dalawa lang talaga ang magkasama na parang sinadyang ihiwalay ang working area nila.

Minsan na rin siyang na-libre nito ng meryenda pati na rin ng lunch. Batid niyang alam naman siguro nito na may boyfriend na siya at si Jayden iyon. Kung tama ang nasa isip ni Clarie na may balak itong ligawan siya ay magsisimula muna itong magtanong kay Paul, sa kaibigan nito. Magsasabi naman ng totoo si Paul dahil wala naman siguro itong balak na ilakad ang kaibigan nito sa kanya. Dahil kung nagsinungaling man si Paul, kasiraan na iyon ng Colser Sirens kung kakalabanin nito si Jayden.

“Kamusta naman pala kayo ng boyfriend mo?” tanong ni Bench sa kanya na kaagad namang nagpatigil sa ginagawa niyang pagse-search ng mga bagong market na pwede nilang pag-bentahan ng mga produkto nila.

“Si Jayden?”

“Oo? May iba ka pa bang boyfriend bukod sa kanya?” natatawa namang tanong ulit ni Bench.

Natawa rin naman si Clarie. Oo nga naman, may iba pa ba?

Pwera na lang kung may iba na siyang gustong maging boyfriend.

“Okay na okay naman kami,” sagot niya na nakangiti. “Kahit na may pagkaseloso talaga ‘yun eh love ko pa rin ‘yun!”

“That’s good. Kayo rin kasing mga babae, huwag nyo din kasi kami bibigyan ng dahilan para magselos kami di’ba?” pangaral pa ni Bench na nangingiti rin sa mismong sinasabi.

“Uy, may isa pa palang seloso dito?” tawa niya. “Wala naman talagang dahilan. Ganoon lang talaga iyon minsan, kaya ka niya napagselosan.”

“Napagselosan niya ako?”

Kaagad namang bumaling siya sa kausap na nauna nang nakatingin sa kanya. Kung hindi ba naman padalos-dalos at kung nagawa niyang i-preno ang dila hindi siya mabablanko sa isasagot dito.

“Ah... Kasi... Oo, medyo. Pero konti lang naman. Parang selos-langgam lang,” kaunting palusot niya sabay nangiti at ibinaling na kaagad ang tuon sa monitor niya. Tawa lang din naman ang naging tugon ni Bench sa kanya. Mabuti na lamang at hindi na nito inungkat pa ang topic nilang iyon dahil hindi na niya talaga alam kung ano pa ang sasabihin. Ayaw niyang magkaroon ng tensyon sa pagitan ni Jayden at Bench kahit na alam niya sa sarili na pumapantay talaga ito sa boyfriend niya kung pagbabasehan ang looks at talent.

Bukod kasi sa guwapo ito at may katangkaran gaya ni Jayden, magaling din itong tumugtog ng drums gaya ni Mak. Ngunit hindi lang pati drums, pati gitara kaya niya at maging keyboard din. Marunong din itong kumanta. Kaya naman alam na niya na noong araw na nagselos si Jayden sa lalaking ito ay talagang may dahilan itong magselos.

Hindi lang sa siya ang dahilan nito kundi dahil maaaring mahigitan nito si Jayden sa larangan ng musika.

Isa pa sa dinadala ni Clarie ng mga sandaling iyon ang hindi niya pa rin nasasabi kay Jayden na magkasama sila ni Bench sa trabaho kahit na nabanggit na niyang nagsimula na siyang pumasok sa kompanyang iyon.

Hindi siya makahanap ng magandang tyempo. Lalo na’t parehas na silang abala sa kani-kanilang trabaho.


“Clarie, pumili ka pa ng kakantahin mo,” sabi ni Biboy kay Clarie. Linggo iyon at nasa isang videoke bar sila. Nag-yaya  kasi ang mga kaibigan ni Jayden sa lugar na iyon dahil na-miss daw nila ang gawaing ito na kasama si Jayden. Kasama rin si Clover, pinsan at kaibigan ni Clarie na anak ng Tita Melly niya, na nagpupumilit ding sumali sa mga iyon.

“Ako na naman? Itong pinsan ko naman kaya. Clover ikaw naman huwag ka naman puro kaen lang dyan!” sita niya sa pinsan.

At kinuha na nga ni Clover ang songbook at naghanap ng kakantahin. Binaling naman ni Clarie ang atensyon sa katabing si Jayden na kumakain ng fries. Alam niya maayos naman sila ng kasintahan pero bakit parang hindi niya ito maramdaman noong mga nagdaang araw at magpahanggang ngayon? Hindi niya alam kung bakit ganoon ang mga mata nito na dati’y hindi naman ganoon.

Sa tuwing tinatanong niya ito kung mayroon bang problema, sinasagot lang siya palagi na pagod ito at sana’y maintindihan daw niya. Minsan din nitong nasabi sa kanya kung may gusto ba siyang sabihin. Sinasagot naman niya ito na huwag ito laging magpapabaya sa kalusugan, palaging mag-iingat sa lahat ng oras lalo na sa kusina, at sinasabi niya sa huli na mahal na mhal niya ito. Pero pakiramdam ni Clarie kahit na nasabi na niya ang mga iyon, parang may hinihintay pa itong sasabihin niya.

Sumasagi talaga sa isip niya ang tungkol kay Bench dahil kutob niyang alam na ni Jayden iyon. Minsan na niyang tinangkang sabihin iyon noong may pagkakataon, pero bigla na siyang tinawag ni Tita Melly niya kaya hindi na niya naituloy pa ang sasabihin. Hanggang sa nawalan na talaga siya ng timing. Naisip na niyang i-text na lang si Jayden tungkol doon ngunit mas minabuti niyang personal na sabihin iyon at maiayos niya kaagad kung sakaling may feelings na hindi naman dapat maramdaman ni Jayden kapag nalaman nito ang pagkakasama nila ni Bench sa trabaho.

“Clarie, di’ba favorite mo ‘yung Forevermore ng Side A? Bilis parinig naman ulit ng version mo nito,” baling ni Clover sa kanya na hindi pa rin nakakapili ng kakantahin.

“Ayoko ng kumanta eh,” tanggi kaagad niya. Wala na rin kasi talaga siya sa mood. Pero may naisip siya. “Jayden, pwede mo bang kantahin ‘yung Forevermore para sa’kin?”

Hindi siya tiningnan ni Jayden. Bigla ring tumahimik ang ingay ng tatlong naghaharutan nang sabihin niya iyon. Wala naman din kasing nakasalang na kanta ng mga oras na iyon kaya’t alam ni Clarie na narinig din ng tatlong lalaki ang request niya.

“Pumili ka na lang ng ibang kanta. ‘Wag lang ‘yan,” sagot naman ni Jayden na nakatuon pa rin sa kinakain nitong fries.

“Ha? Ito ang gusto ko eh.”

Pero hindi na sumagot pa si Jayden.

“Iba na lang Clarie,” singit ni Aji na nakatitig sa kanya. “Allergic ‘yan sa kantang ‘yun.”

Kumunot naman ang noo niya. Sinenyasan siya ni Aji na lumapit sa kinatatayuan nito. Nang tumayo siya para lumapit kay Aji, kaagad rin tumayo si Jayden. Akala niya nga’y pipigilan siya nito pero dumiretso iyon sa pintuan at lumabas na.

“Anong nangyari ‘dun?” nguso niya sa umalis na si Jayden.

“Favorite din kasi ni Karla ‘yung gusto mong ipakanta sa kanya,” bulong ni Aji sa kanya nang nakalapit na siya.

Kaya pala? Si Karla na naman.

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon