Chapter 15

1.7K 44 6
                                    

Mula sa Colser kaagad  pinaharurot ni Jayden ang sasakyan papunta sa bar na sinabi ni Bench. Hindi pa niya natatapos ubusin ang pangalawang bote niya ng alak nang tumawag si Clarie, na si Bench naman pala iyon. Nagmamadali na siya.

Noong nasa Colser, naiinis siya sa kasintahan dahil hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Napag-usapan na nila ang tungkol kay Karla ngunit inuungkat na naman iyon ni Clarie. Hindi na niya maintindihan ito. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil sa tingin niya napakalaki ng problema nito dahil sumadya pa itong maglasing.

Ito na ang pangalawang beses na naglasing si Clarie sa isang bar na hindi siya ang kasama. Naalala ni Jayden noong una niyang nalamang naglasing ito sa Colser. Tama lang ang pagdating niya noon dahil pinagsasamantalahan na si Clarie noon ni Raymond nang maabutan niya ito. Si Raymond ang dati nitong nagugustuhan na hindi naglaon ay nagkagusto din dito. Pero nang makilala ni Clarie ang ugali nito’y kaagad din itong umiwas kay Raymond.

Hindi alam ni Jayden kung paanong nagkita ang dalawa sa Colser noon, pero wala siyang ibang ginawa kundi ang iligtas si Clarie. Sa pagkakataong ito, ganoon pa rin ang gagawin niya.

Nang mahanap na niya ang bar, kaagad siyang pumasok. Nakita niya doon si Bench na tumayo at kumaway sa kanya. Maraming tao ng oras na iyon. Nang makalapit siya, nakita na lang niyang nakayuko na si Clarie sa mesa at halos limang walang laman na bote ng alak ang naroon.

“Siya lahat ang umubos nito?” tanong niya kaagad kay Bench. Tumango ito. Inalalayan niya si Clarie na nakatulog na sa mesang iyon. Dinala sa kotse.

“Jayden, 35589,” tawag sa kanya ni Bench sabay abot ng cell phone ni Clarie. Nakuha naman kaagad ni Jayden iyon maging ang numbers na sinabi nito. Ipinagtaka niya lang kung bakit sinabi pa nito sa kanya. Siya ang boyfriend kaya dapat alam din niya iyon, pero ganoon pa man hindi niya rin talaga alam. Ito pala ang sinabi ni Clarie for security, nalaman naman ni Bench ang password. Sumagi tuloy sa isip ni Jayden na may itinatago talaga ito sa kanya.

“Clarie deserves to be happy,” patuloy ni Bench na kausap sa kanya. “Alam ko, mahal ka pa rin niya. Kung naabutan mo lang siya kanina, pinagmumura ka na din niya. She truly loves you even you used her for your selfish revenge.”

“Teka, revenge?” tanong naman niya kaagad.

“Iyon ang nalaman niya. Kung totoo nga ‘yun, please lang itigil mo na. May ibang taong handang tapatan ang pagmamahal niya.”

“Ano bang sinasabi mo?!” tumaas na ang boses ni Jayden dahil hindi niya gusto ang mga sinasabi ni Bench. “Ikaw ba ‘yung ibang tao na tatapat sa pagmamahal niya? Sorry man, but I’m still here. I used her? Hindi ‘yan totoo!”

“Then prove it! Prove to her. Kung ayaw mong mawala siya sa’yo,” tumaas rin ang boses ni Bench. Nagkatinginan sila. May kutob si Jayden na nalaman na nga siguro ni Clarie ang tungkol sa dati niyang plano.  “I’ll go. Take care of her.”

Pinaandar na ni Jayden ang kotse sakay ang natutulog pa ring si Clarie. Gusto niyang gisingin ito at sermonan kung bakit ito naglasing nang hindi siya ang kasama at ibang tao pa ang hinayaan nitong makasama. Gusto niyang itanong kung anong problema nito, kung bakit hindi nito sinabi sa kanya o kung nalaman na ba nito ang planong iniiwas niyang malaman ni Clarie?

Hininto niya ang kotse at kinuha ang cell phone ni Clarie na naitago niya sa bulsa ng pants. Kung may itinatago nga si Clarie sa kanya gusto niyang alamin iyon. Inuna niyang buksan ang mga messages – inbox, sent messages, outbox. Ang memo notes, pictures, videos natapos na niyang i-browse lahat pero wala namang dapat na ilihim sa kanya. Binuksan niya ang iba pang folders ng memory card nito. Hanggang sa napatigil siya sa folder na may file name na Audio Diary. Kaagad niyang in-open iyon, pinakinggan ang unang record.

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon