Epilogue

3.3K 87 24
                                    

Four years later...

"Kailangan ba talaga sa photo shoot 'to Clover?" tanong ni Clarie sa pinsan habang tinutulungan siya sa pagsusuot ng isang wedding dress.

"Oo, 'di ba Jessie?" sagot naman ni Clover sabay kalabit niya kay Jessie na inaayos din ang make-up ni Clarie.

"Right! Wedding kasi ang theme sa shoot. Syempre kailangan talaga! 'Wag ka na masyadong mareklamo, buti nga ikaw ang nai-recommend namin doon sa photographer!" paliwanang naman ni Jessie.

"Sino ba nagsabi sa inyong ako ang i-recommend niyo? Kayo talaga..."

Hindi talaga maintindihan ni Clarie kung bakit biglaan itong photo shoot na ito. Hindi niya naman gusto talagang tanggapin ang offer ng mga kaibigan pero dahil sa may kalakihan ang cash ay pumayag na rin siya. At wala na rin siyang nagawa nang hindi na rin lumubay pa ang dalawa sa pagpupumilit. Kaya't heto siya panandilaang modelo bilang isang bride. And she didn't escape her thought of when would she also be preparing this as a real bride together with her real and loved groom. Pero alam niya sa sarili, si Jayden lang ang nais niyang makapareha at maging asawa. Hindi niya napigilang mapangiti sa pangangarap na iyon. Bigla namang tumunog ang cell phone niya, text message galing kay Jayden.

Sing with me later, ha?

"Ano namang trip nito?" nasabi niya bigla.

"Sino ba 'yan?" usisa naman ni Clover.

"Si Jayden, nag-aaya 'atang mag-videoke!" sagot naman niya. Iyong pagkanta nila sa mga videoke ang naging isa din sa mga bonding nila. At kung dati'y lait ang naririnig niya mula kay Jayden tungkol sa boses niya, napalitan na iyon ng mga papuri sa hindi niya mapaniwalaang trip ng boyfriend. Kaya naman lumalaki na rin ang ngiti niya dahil iyon naman ang gusto niya, ang maging proud si Jayden para sa kanya. Kahit na sinabi nitong hindi lang ang boses niya ang pinagmamalaki nito, kundi ang lahat-lahat pa ng katangiang mayroon siya.

Matapos ang halos ilang oras ng pag-aayos at pagbibiyahe ay nakarating na sila sa venue ng shoot. Bumungad sa kanya kaagad nang makababa sa service nilang sasakyan ang isang restaurant na may pangalang Jad-Carlian Restaurant.

Mula sa labas kita na niya ang disenyo. Kung anong ikinaganda sa labas dahil sa mga magagandang halamang dekorasyon na naroon ay tiyak niyang mas maganda pa ang disenyo sa loob nito. Ang mga upuang natatanaw niya ay gawa sa disenyong korte at itsurang dahon ang mga sandalan. Ang bahagyang parte ng kitchen na nasisilip niya, ay puno rin ng mga maaaliwalas at mabulaklak na mga disenyo. Sa wari ni Clarie, para talaga siyang nasa isang hardin habang pinagmamasdan ang restaurant na iyon. Dama niya ang aliwalas at kapayapaan. Para siyang nasa sanktuwaryo niya sa Manalansan dahil may mga artificial trees din na naroon.

Inaya na siya ng dalawang kasama sa isang gate malapit lang din sa restaurant na iyon. Pagkapasok, nakita na niya ang isang banner ng Congratulations Happy Couples doon sa isang simple pero ibang klaseng astig na bahay. Black and white ang kombinasyon ng kulay. Pero ang lalong nakaagaw ng atensyon ni Clarie ay ang mga disenyong mga nota ng musika na sa tingin niya'y inspirasyon ng may-ari sa paggawa ng bahay na iyon.

Magmula sa pintuan hanggang sa mga bintana ay waring kumakanta rin. Naisip ni Clarie na hindi lang isang wedding theme ang shoot nila kundi mayroon din itong touch of music. Pero nang mapadako ang tuon niya sa gawing pintuan ng bahay na iyon, ikinagulat niya nang may mabasa siyang, Eguia-Robles Residence.

"Bakit may ganoon 'dun?" turo niya kaagad sa nakita. Pero hindi siya pinansin ni Clover at Jessie. Sa halip ay inakay na siya palapit sa isang malapit lang din na nakasaradong chapel roon. Pero sa tingin ni Clarie ay hindi naman talaga iyon chapel, inayusan lang ang harapan ng closed medium building na iyon para magmukha lang na chapel.

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon