PARTY
Clarisse POV
Stress na stress at badtrip na badtrip talaga ako pag gising pa lang. Ang agang kashungahan lang kasi, akala ko pa naman na charge ko yung cellphone ko nung natulog ako, para sana pag gising ko e, full charge. Pero na wow mali lang pala ako! Grabe, lakas maka sira ng araw.
"Uy pst! Clarisse!"
Napahinto ako at lumingon sa likod ng may tumawag sakin.. si Ariane, kaibigan ko.
Tumatakbo siya papunta sakin.. di ko tuloy maiwasang tignan siya sa malayo.. Morena si Ariane, medyo chubby at may maipagmamalaki. Sa aming tatlo, siya ang pinaka malaking maipagmamalaki, sumunod ako.. tas yung isa, syempre 'lam na.
"Bilis mo, ilang minuto na lang o?" sagot ko ng palapit na siya.
"Haha eto na nga o!" sabi niya. At nang makalapit na ng tuluyan sakin, kumapit siya bigla sa braso ko. Hobby niya yon, gigil to the max siya kapag nahahawakan niya braso ko.
" MGA PRENNDDSSS! " isang pamilyar na sigaw ang narinig namin mula sa likod. Inilingon ko ng konti ang ulo ko para kumpirmahin kung siya ba talaga yon.. at yun nga, siya nga.
"Bilisan mo mag lakad" sabi ko kay Ariane at hinawakan ko yung wrist niya.
"HOY! WET LANG!" sigaw ni Angeline ulit.
"BILISAN MO MAGLAKAD! MA AABUTAN NIYA TAYO!" gigil na sabi ko kay Ariane, tumawa siya at sinunod yung sinabi ko. Pero huli na rin ang lahat, naabutan niya kami at agad kumapit sa kabilang braso ko.
"Hihihi 'kala niyo ha. Mabilis kaya ako, runner ako noong elementary." sabi niya. Senior High na kami, Grade 11.. ang school na pinapasukan namin ay pang Senior High at College lamang. In short, private school.
"Kakadating mo lang? Grabe ha, umagang umaga pero itsurang uwian kana agad." sabi ko kay Angeline.
" Hindi ah! kanina pa kami pumasok ni macmac. " sagot niya
"E, san ka galing?" tanong ni Ariane. Nanlaki bigla yung mata ni Angeline sa tanong na iyon at napa iwas ng tingin.
"Hoy, san ka galing?" tanong ko naman at siniko siya.
"Ah! Hehe wala.. nag tingin tingin lang sa paligid.." sabi niya at luminga linga pa. Napakunot ako ng noo dahil parang ayaw ko maniwala. May iba e.
"Ikaw ha, baka mamaya---" naputol ang sinasabi ni Ariane ng biglang may sumigaw.
"WHERE THE HELL IS MY DRAWING?!"
Napatingala kami sabay sabay sa first year college building kasi doon nanggaling ang sigaw, at doon.. nakita namin ni Christian, architecture ang course niya at long time crush ni Angeline, maharot to e.
Napatingin kami ng sabay ni Ariane kay Angeline at pinag liitan siya ng mata. "B-bakit? Hehehe I didn't do anything." anya ni Angeline. Umikot si Ariane papunta sa likuran at may hinablot.
"AHA! Tignan mo! Sabi na e, ikaw ang salarin!" sabi niya at dinikit dikit sa mukha ni Angeline yung ninakaw niyang drawing.
"Ehehehe bat ba kasi, ang ganda ganda e! Syempre dapat, supportive girlfriend ako diba? Kahit di niya alam na girlfriend niya ako, kasi baka 'pag nalaman niya.. magbreak kami hehe" la gago ba to
Tignan ko yung drawing sa kamay ni Ariane tska ako napatango tango.. maganda nga, isang portrait na castle.
"Lahat naman ng gawa niya maganda para sayo e! Pang ilang nakaw mo na ba ito? Naka gawa kana siguro ng Museum sa bahay niyo ano?" ratrat ni Ariane kay Angeline.
"Oo na! Oo na! Ibaba mo nga 'yan! Baka makita niya pang nasa atin yan e." sambit niya tska niya inagaw ulit kay Ariane yung portrait.
"Tara na! Hayaan mo na muna yung kaharutan niya, late na tayo oh!" anyaya ko tska na ako naglakad. Bahala sila jan mag patayan sila, ayos lang sakin.
Kaibigan ko si Christian, ako mismo ang nagpakilala kay Angeline. Pati si James na nanliligaw kay Ariane, si Markquishawn na boldstar ng campus at, si Justin na ubod ng suplado.. pero errr--boyfriend ko siya. Hehehe, siya ang dahilan kung bakit close ko ang tatlo. Banda sila rito sa amin, sila ang number 1 performer kapag may event sa school.
"Aayyy! Oo nga pala! Balita ko may Masquerade Party tayo next week! AAHHHH! Excited na akooo!" nagtatalon na sabi ni Angeline.
"Hala oo nga! Haha ano Clarisse? Arat?" ngiting aso ni Ariane sakin, sinimangutan ko nga.
"Hindi. Ayoko, hindi naman nakakadagdag ng grades." masimpleng sabi ko, sabay bumagsak balikat nila.
"Iiihhh kapag hindi ka sumama, 'di ako papayagan ni mama ko huhu" anya ni Angeline.
"Syempre kapag hindi ka pinayagan ni mama mo, edi mag isa na lang ako? Hindi na ako tutuloy." sambit naman nung isa. Iniipit ako ng mga to ha, konsensya ko pa. Hmp
" 11 - LOVE!! " Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita sa harap.. si Mary, presidente namin.
"Reminder lang, yung Masquerade Party next week is may contribution. Here's the rule, attend man o hindi.. You gotta contribute!" sabi niya at bumalik sa upuan niya. May mga naghiyawan, mayroon din nag si sabi ng ano ba yan.
Ano nga naman kasi yun, edi parang wala kang choice kundi sumali talaga diba? Grabeng school to, lakas.
Tumingin ako sa mga katabi ko at ayon, iba na ang ngiti sakin.. tinataas taas pa ang kilay. "Oo na! Jusko! Sasama na ako!" badtrip kong sabi, kaines ha.
"YEHEY! HOOO! HOOO!" sigaw nilang dalawa tsaka nila tinaas taas kamay nila. Hala kayo jan, 'di ko kayo kilala.
Third Person's POV:
"Time flies really fast, does it not, my lord?" ika ng isang tagapagsilbi sa kanyang amo.
"Yes, I can feel its presence.." he replied back as he takes a sip of his tea.
"I highly suggest, you should prepare.. my lord. Hindi po natin alam kung kailan siya darating.." said the servant. Tumango ang kanyang amo at ngumiti.
"Thanks for the concern.. Makaka alis kana." sabi ng kanyang amo ng hindi natatanggal ang ngiti. The servant bowed onto him and when he's about to take his leave, the master spoke.
"Please, warn my brothers too.."
"Yes, my lord.. anything else?".
The master shakes his head. "Wala na.. proceed."
Nang tuluyan ng lumabas ang tagapagsilbi, the young lord walk through his window and suddenly smiled of his thought.
"Darating na.. konting tiis pa.." he said to himself and closes his eyes.. as he enjoy the silence wrapping around his room.
----------------------------------------------------------
CHAPTER 1 ENDED! WOOT WOOT! WAIT FOR THE NEXT CHAPTER, STAY TUNED! <3
BINABASA MO ANG
Fantasia
Fantasy𝑨 𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒖𝒏𝒆𝒙𝒑𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝒎𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒍𝒆𝒏𝒅𝒔 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒐 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚 𝒚𝒐𝒖'𝒗𝒆 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒊𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒆𝒅... 𝑰𝒔 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒂𝒄𝒕𝒖𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒂𝒏 𝒂𝒄𝒄𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕? 𝑶𝒓.. 𝒊𝒔 𝒊𝒕 𝒂𝒄𝒕𝒖𝒂𝒍𝒍�...