III.

42 7 6
                                    

Museum

Clarisse POV

Eto na. Eto na yung gabing pinakahihintay ng lahat. Gabing masyadong pinaghandaan at pinaglaanan ng oras. Syempre ano pa ba?  Masquerade Party namin mga pwends. 

"Ingat ka ha? Wag mo'ko kalimutang i-text."  huling habilin ni Justin sakin ng makababa ako ng kotse niya. 

Tumango ako.  "Oo na po.. Sigurado ka talagang pinapayagan mo'ko? Di pa ako nakakapasok.. pwede pa tayo umuwi. Hehe." 

"Nandito kana, ituloy mo na't pumasok na.. Basta ha?"  sabi niya. Iiiihh naman ih.

"Uu~! Sige na.. Ingat ka mag drive.. Okay na ako dito.. malamang nandoon na sa loob mga kasama ko."   pamamaalam ko sakanya tska siya tumango at pinaharurot na yung kotse niya paalis. 

Bago ako nag simulang maglakad, sinuot ko na ang maskara ko.  Kaya pala mahal ang contribution, plaza ang pinili nilang venue for our party. Not bad naman. 

Palapit na ako sa entrance ng plaza habang hawak hawak ang invitation.. kapag wala ka nito kasi, malamang hindi ka papapasukin. Nang tuluyan na ako makapasok sa loob, napangiti ako ng kaonti kasi di ko maiwasang mamangha. Napaka laki ng plaza na 'to.. simple lang ang mga ginawang dekorasyon na mas lalo pang bumagay sa plaza. 

"CLARISSE~! DUMATING KAAAA~"  

Napalingon ako sa kanan kung saan nagmula ang matinis na boses ni Angeline. At ayon silang dalawa.. Si Ariane na sinesenyasan akong lumapit sakanila, at si Angeline na todo kaway sakin. More kaway more fun ang ginawa niya. 

"Hinaan mo boses mo.. mas malakas ka pa sa speaker."  bungad ko ng makalapit na ako sa kanila. 

"Iiiihhhh~! I'm so hyped right now bebe! Andaming gwapo oh!"  medyo maharot na sabi ni Angeline. Medyo lang, kasi may mas ihaharot pa siya.. dumadating sa  punto na nagnanakaw din siya ng brief. 

Binatukan siya ni Ariane.  "Gaga! Pano mo alam? Naka maskara tayong lahat oh!"  sabi niya. Napatawa ako. 

"May night vision si Jelai hahaha."  tawang sabi ko. 

"Ay, aso lang, ganern?"  sabi ni Angeline at bigla bilang ngumuso.

"Oh! Nguso mo, nguso mo!"  pang aasar ko tska umaktong sinasapo yung nguso niya, incase na mahulog. Hehehez

"Hahaha. Hali'na nga kayo! Hanap tayo table, puro kayo kalokohan."  sabi ni Ariane tska niya kami hinila. 

Sa bawat taong nadadaanan namin, napapalingon ako.. di ko maiwasang isipin, nag effort kaya sila mag make up? Kasi diba.. Masquerade party to, naka suot ng maskara. Amp.

"Self service ba 'to?"   tanong ko sa kanilang dalawa, pero si Ariane lang sumagot. 

"Yap. Bat mo natanong?"  tanong niya sakin pabalik. 

"Gutom na ako e."  reklamo ko. 

 "Uy ako rin! Di man ako kumain bago ako pumunta dito."  singit ni Jelai. 

"Di namin tinanong!" anya ni Ariane.  

"Mamatay na nag tanong."  dugtong ko. Napasimangot si Angeline, hahaha.

"Puta naman e!"  inis na sabi niya. 

"Joke lang! Tara! Kuha tayo pagkain."  anyaya ulit ni Ariane matapos namin ilagay gamit namin sa table. 

Nang makapunta na kami sa table na puno ng pagkain, natakam ako agad. Grabe ang sasarap ng pagkain huhu, wala yata akong pag sisisihan na um-attend ako dito hihi. 

FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon