VI.

33 5 10
                                    


CONFUSED

ARIANE POV:

"Hala Arianneeee! Anong gagawin natin?! Punta ba akong baba? Tawag akong tulong? O tumawag na tayo ng ambulansya? Anong gagawin naten?! Anoooo~!"  natataranta at sunod sunod na tanong ni Angeline sakin.

"Pumirme ka nga muna! Nag iisip ako ng gagawin!"  naiinis na sabi ko sakanya. Napahilamos ako ng mukha at tinignan si Clarisse na walang malay sa sahig.


Bakit ba kasi?

"Anong pumirmi?! Nag iisip ka ba? Pinag katiwalaan tayo ni tita para bantayan si Clarisse! Tapos ngayon tignan mo yung nangyari?!  Huhu kasalanan ko to, e! Dapat hindi na ako nag cr! Nakakainis!"  papadyak padyak na maktol niya pa.

Huminga ako ng malalim para kumalma.  "Pumunta ka sa baba. Mag tawag ka ng tulong! Tatawag din ako ng tulong kay James."  sabi ko sakanya. Tumango siya ng dalawang beses at tumakbo na agad paalis dito ng mabilis.

Kinuha ko ang phone ko sa purse ko at dinial ang number ni James.



*RING RING... RING RIN---"




Bilis. Sinagot agad.



"Ariane my lovvvesss! Sabi ko na nga ba, e. Sasagutin mo na ako no? Yes na ba?"  nakakawalang pasensya na bungad niya sakin. Napaikot na lang ako ng mata.

"Ulol! Tulungan niyo kami! Si C-Clasrisse! Nawalan ng malay bigla!"  natataranta ko na ring sabi at napatingin kay Clarisse. Biglang nanlaki ang mata ko ng unti unting nawawalan siya ng kulay!

"ANO KAMO?! SANDALI! HINTAYIN NIYO KAMI!"  biglang pag papalit ng boses ni James sa kabilang linya. Taranta na rin siya agad.

Pinatay ko na yung tawag matapos ang huli niyang sinabi. Naglakad ako palapit kay Clarisse at umupo sa tabi niya para titigan ang mukha niya..




Ang putla na niya.





Clarisse, bakit kasi---




"Ariane! Tumawag na ako ng tulong, papunta na sila dito!"  natataranta parin niyang bungad sakin nung dumating siya. Hingal na hingal siya habang bitbit bitbit ang stilettos niya. 

"Tumawag na rin akong tulong kina James. Papunta na rin sila dito.."  sabi ko. Nagbago ang ekspresyon ni Angeline, tila ba nakarinig ng 'di kapani kapaniwala. 

"Kasama si Christian?"  tanong niya. Sabi na, e. 

"Siguro. Hindi ako sigurado. Si James lang naman kasi tinawagan ko dahil siya lang pwede kong ma contact. "  paliwanag ko. Babalingan ko na sana ng tingin ulit si Clarisse ng napatalon ako sa gulat ng sumigaw siya. 


"SHOOCCKSS! Ang haggard ko, e!"  

"Hinaan mo nga yang boses mo! May problema tayo dito, pero mas pinoproblema mo pa 'yan."  sermon ko. Pero hindi niya ako pinakinggan.. kundi, dali dali niyang kinalkal ang purse niya para sa salamin. 



Nakakawala ng pasensya. 



Mga iilang minuto pa lang ang lumipas, nakakarinig na ako ng mga yapak ng paa papunta dito. Pagtingin namin, sila yung mga taong hiningan namin ng tulong. Nangunguna sa kanila, ang boyfriend ni Clarisse na may bahid na matinding pag aalala sa mukha.  Lahat naman sila, mas matindi nga lang ang sakanya. 

"Anong nangyari?!"  tanong niya at dali dali niyang inalalayan si Clarisse na ubod na ng putla. Napalunok ako. Kitang kita sa mukha niya ang pinaghalong galit at pag aalala nang hinawakan niya si Clarisse. 

FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon