XI.

43 4 6
                                    

Princess Roselle


Clarisse POV:

Naiwan na akong mag isa kwarto ko ngayon habang iniisip kung anong gagawin ko sa buhay ko. Napag alaman kong wala silang ni isang technology dito, cellphones or television, anything na ginagamitan ng kuryente, hindi nag eexists. 

Napa simangot tuloy ako ng naka ramdam ako ng pag kamiss sa mundo ko. Ilang araw na akong nandito? Tatlo? or 1 week?  Hindi ko na matandaan. Masyadong preoccupied isip ko sa lahat ng nangyayari. 

Napapikit ako at dumapa sa kama, binaon ko rin ang mukha ko sa unan. Kanina pa ako gising simula ng insidenteng nangyari kanina. Seryosong nakatabi ko si Kael sa kama? Dito siya natulog? Hindi ko naramdaman, at hindi niya dapat ginawa yun! 





HINDI MAN LANG NAG PAALAM!







PAPAYAG NAMAN AKO, E. EHEHEHE







Chos!



Pero seryoso, sa kanilang mag kakapatid si Kael ang pinaka madikit, pinaka maharot. Pati maid sa kastilyong ito hindi niya pinalalampas. Pati pala dito, akalain mo yun? May mahaharot din. 

Pero maiba tayo, hindi ko alam mararamdaman ko sa reaksyon ni Eros kanina nung nakita niya kami ni Kael. Aaminin kong natakot ako sa naging aura niya, ang dilim.. talagang aakyatin ka ng takot makita mo pa lang itsura niya. 

Muli akong bumaligtad sa kama at humarap sa mataas na kisame. How I wonder what Eros' power looks like? Siya ang lord of the lords diba? So, there's no doubt if he's the most powerful creature here in Fantasia. After all, siya ang humahawak sa mundong ito. Every inch of this whole world of Fantasia, is belongs to his. 

Pero bakit ganun na lang siya makitungo sakin? To think na isa lang akong hamak na trespasser dito? And I'm a human! Hindi ba dapat, magiging cautious ka? Kaya minsan, I can't blame Cody for being cold towards me. Siguro nag iingat lang din siya. 

Napabuntong hininga na lang ako sa mga pinag iisip ko at nag decide ng tumayo. Hindi pa ako nag aalmusal, hindi parin naman ako nagugutom. Nahihiya akong harapin si Eros..  si Kael kasi!  :<

Makalipas ang ilang minuto kong pag aayos, nag lakad na ako papuntang pintuan. Hindi ako lalabas para kumain, lalabas ako para mag libot! Hmp!

Pagka bukas na pagka bukas ko ng pintuan, tumambad sakin agad si Timothy!  Gulat na gulat ang ekspresyon niya habang naka taas ang nakayukom niyang kamay, naka akmang kakatok. Mabilis niya iyon binaba at naglabas ng nahihiyang ngiti. 

"U-uh.. I w-was about to knock.. and.. "   nahihiya at putol putol niyang paliwanag habang nakatungo. Ngumiti ako sakanya. 

"Ayos lang! Ehehe, palabas na rin naman ako, e."   sabi ko. Tumingala siya at tinignan ako. 

"Aren't you going to join us?"   tanong niya at tinagilid ang ulo niya. 

"Ha? Join saan?"   di ko alam na recruiter pala si Timothy.

Tumawa siyang bahagya.   "Breakfast."   sagot niya. 



Ahh. Akala ko recruiter siya. 



"Ay hehe. Hindi sana, kasi hindi naman ako nagugutom, e. "   sabi ko. 

"Why? Breakfast is the most important meal of the day. You should eat before you take a walk."   anya. 



Teka, teka



"Paano mo nalamang maglilibot ako dito? Hehe wala naman akong nabanggit sayo, kung di ako nag kakamali?"   naiilang kong tanong. Nanlaki mata niya. 

FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon