II.

54 7 8
                                    

DRESS

Clarisse POV:

"Okay lang talaga, babe?"  tanong ko kay Justin. Sabi senyo boyfriend ko to e, hehe.

"Hm, oo naman.. bakit hindi?  Experience mo na rin, tska sayang contribution mo e."  sagot niya at hinawi ang buhok ko. Iiihhhhh anuba--

"Sure ka ha? Baka ma miss mo'ko hehe"  sambit ko tska ako ngumuso. Try ko lang, malay natin pigilan niya ako hihi.

"Haha ayos nga lang.. isang gabi lang naman yun e, mag iingat kana lang dun ha?"  haeop di niya ako pinigilan huhu. Nakasimangot tuloy ako.

Narinig ko siyang tumawa at naglakad pa siya palapit sakin.   "Ihahatid kita papunta doon.. tapos, text mo'ko kapag uuwi kana ha? Susunduin kita."  bilin niya.

"Hays, oo naaaa~"  sabi ko ng naka simangot parin. Hmp.

"Wag kang sad jan, oras na ng klase mo oh?"  anya tska niya pinakita sakin ang oras. Napabuntong hininga ako. 

"Sige.. Ingat ka ha! Wag kang mambababae, sige ka.. mamamakla ako."  sabi ko at dinuro duro siya. Tinawanan niya na lang ulit ako tska siya kumaway. Tinanguan ko siya at kumaway na rin, matapos nun.. nag ibang direksiyon na kami. 

Hays, bukas ng gabi na yung Masquerade.. pero eto ako, hanggang ngayon wala pa akong damit. Hindi ko rin alam kung sino ang nag aayos sa akin. Kasi naman, hindi ko naman kasi talaga gustong sumama, pinilit lang ako, ano. Mas gusto ko pang humilata sa kama buong gabi tapos matulog ng mahimbing.. o kaya naman manuod ng ano--



"HOY!"  


"Ay pokpok! Anuba?!"  inis na sabi ko sa dalawa kong kaibigan. Bigla bigla susulpot e.

"San ka punta?"  Tanong ni Ariane.


Bobo ba to...


"Sa canteen, pero dito ako dederetso sa classroom natin.. tingin mo?"  tanong ko pabalik. Sumimangot si Ariane.

"Ha? Bakit jan ka dederetso? Diba doon yung canteen natin?"  naguguluhang tanong ni Angeline tska niya tinuro yung direksiyon papunta sa canteen. Napatingin ako sakanya ng nawawalan ng pasensya, si Ariane naman napasapo ng noo. 

"Kahit kailan.. Jelai, bongga ka.."  mahinhin pero may halong gigil na sabi ni Ariane. Si Angeline naman, napakunot ng noo.. halatang naguguluhan parin. Hays naman.

"Pasok na tayo."  anyaya ko. Maglalakad na sana ako pero naramdaman kong hindi sila sumusunod kaya napahinto ako ulit.

"Hindi kayo susunod?"  tanong ko. Nagtinginan silang dalawa, at sabay na umikot ang mata. Taray ng mga walanghiya. 

"Hala ka,  di ka informed? Wala tayong pasok ngayong hapon! May emergency meeting daw yung mga teachers natin ngayon."  paliwanag ni Jelai. Napatango naman si Ariane na para bang sinasang ayunan siya. Luminga ako.. kaya pala ang konti ng tao, bakit hindi ko napansin iyon? 

"Paano.. masyado kang busy sa sweet moments niyo ng boyfriend mo."  sambit bigla ni Ariane at humalukipkip. Nabasa niya iniisip ko mga fren. 

"Hays.. sana all."  singit ni Angeline.

Ako naman ang umikot ang mata tska sinimulang maglakad. Uuwi na ako, balakayojan. 

"Hoy! Saan ka pupunta?!"  sigaw nila pareho ng nakakalayo na ako ng konti. 

"Bahay. Walang pasok kamo diba? Wala naman na akong gagawin, e."  sabi ko. 

FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon