THE PRINCESS OF THE ROSSIAN KINGDOM
Clarisse POV:
Nakasimangot akong sumunod kay Rupert papuntang dining hall. Kainis kasi itong si tanda, ang bad timing niya kanina. Hindi naman sa napaka importante ng sinisilip ko doon, no. Sobrang na curious lang ako kung anong mayroon at naisipan kong sumilip. But, nevermind.
Nang makarating na kami, tama nga siya. Nandun na silang lahat. At katulad lang din nung nakaraan, si Eros lang din ang tanging ngiting ngiti na sumalubong sa akin.
"Sweetheart! Where have you been? You're not in your room." paunang tanong sakin ni Eros na may bahid na pag aalala sa mga mata niya.
Ngumiti ako. "Dito lang naman.. ano, nag lilibot libot hehe. Na bored ako sa kwarto, e." sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango na lang.
Nag patuloy ako sa pag lalakad ng inalalayan niya ako sa bewang. Napanguso ako ng palihim.
Hindi talaga ako nagiging komportable sa ginagawa ni Eros huhu :<
Feeling close. Di naman kami pwends.
Juk hehe. Si Eros nga lang ang bukod tanging nag welcome sakin dito simula ng magising ako.
Naka lapit na ako sa lamesa at napatingin ako kay Nathan, ngiting ngiti siya sakin kaya hindi ko napigilang mahawa. Napangiti ako sakanya pabalik.
"You look really stunning when you smile, Clarisse!" puri sakin ni Nathan ng hindi natatanggal ang ngiti. Natawa ako ng bahagya.
"Ikaw yun! Ang ganda ng ngiti mo, e. Sobrang liwanag, nakakasilaw." pabiro kong sabi, kahit totoo naman talaga.
Jokes are half meant ;)
Naupo na ako sa upuan ng napansin kong nagbago bigla ang timpla ng itsura ni Nathan. Nawala ang ngiti niya at napalitan din ng inis ang mga mata niya. Kinabahan ako bigla ng mga sandaling iyon.
Shit! Mukhang mali ang nasabi ko, demonyo nga pala to! Huhu! And demons hates light!
Nathan iz 3ggerd.
"What's wrong, brother?" tanong ni Eros kay Nathan. Napansin niya rin panigurado ang pag iiba niya ng mood.
Napailing si Nathan. "Nothing.. I just sensed something threatening." sabi niya at muling ibinalik ang magandang ngiti niya sa labi.
Nakahinga ako ng maluwag pero kinakabahan parin ako. Ayokong mag bago ang tingin niya sa akin at hindi na ako pansinin. Lalo na't natakot talaga ako sa itsura niya kanina, it's like.. he's thinking about something that he didn't like.
Mamaya siguro mag sosorry ako.
"Alright, then. Let's eat!" nakangiting anyaya ni Eros sa lahat.
Nagsimula na kaming kumain. At habang ngumunguya, hindi ko maiwasang pag masdan sila isa isa. Papalit palit ang tingin ko sakanila. Pati sa suot nila ngayon, hindi ko maiwasang husgahan. Dinner na nga lang at matutulog na, ang popormal pa.
Napatingin ako kay Cody na kasalukuyang sinusuri ang pagkain na naka tuhog sa tinidor niya. Not gonna lie, ang gwapo ni Cody, maputi. Kaso ang problema nga lang talaga sakanya, ang sungit sungit niya!
Hmp.
Muli akong tumingin kay Cody at nagulat ako ng bahagya ng naka tingin na din siya sa akin. Bored na bored siyang nakatingin habang hawak hawak ang tinidor sa left hand niya.
BINABASA MO ANG
Fantasia
Fantasy𝑨 𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒖𝒏𝒆𝒙𝒑𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝒎𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒍𝒆𝒏𝒅𝒔 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒐 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚 𝒚𝒐𝒖'𝒗𝒆 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒊𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒆𝒅... 𝑰𝒔 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒂𝒄𝒕𝒖𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒂𝒏 𝒂𝒄𝒄𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕? 𝑶𝒓.. 𝒊𝒔 𝒊𝒕 𝒂𝒄𝒕𝒖𝒂𝒍𝒍�...