XIII.

24 2 0
                                    

PASTRY CHEF

Clarisse POV:

Nasa loob ako ng kwarto ko ngayon at abala sa pamimili ng masusuot para sa galaan namin ni Kael. Wala akong mapiling maayos at komportable dahil puro malalaki at mahahabang dress ang nasa wardrobe ko. Simula ng napadpad ako dito, hindi na naexpose yung legs ko.. syempre, puro mahahaba at abot talampakan yung mga dress na meron sila dito. Wala man lang shorts and jeans na nag eexists. 

But it makes me wonder why they have so many dresses and accessories na pang babae? Like, nandito na talaga sila simula pa ng pagkamulat ko rito. Puro sila lalaki, right? May mga babae, apparently yes.. pero yung mga babae na nasa loob ng kastilyo it's either fairies or maids. Imposible namang kay Kylie mga yun, no. Edi tumagos at mahuhulog lang sakanya yun. Masyadong mabibigat para sakanya yung mga yun dahil parang usok na hinugis katawan lang talaga si Kylie.. isa pa, yung damit niya ay iisa lang.


Hindi sa nang aano ako ha? Baka i bash niyo ako, e.


Ang ibig kong sabihin, iisang style lang ang damit ni Kylie. Pero minsan naiiba naman ang kulay at para talagang ginawa ang damit niya na para sakanya lang. Galing, nu?

Napa upo ako sa sahig ng nakatitig sa wardrobe. Alam niyo, minsan talaga iniisip ko kung naliligo ba si Kylie hehe. Kasi, meron namang paliguan dito, uso naman sa kanila yon. Pero walang shampoo, conditioner, sabon or kahit anong gamit na pampabango sa katawan natin. Pero one thing na napansin ko about that, is the water. Yung tubig nila dito ay solid sa linis. Titignan mo pa lang, halatadong malinis at mukhang pwede pa inumin. Sa mundo ko nga, minsan kalawang pa lumalabas sa gripo, amp.

Bumwelo ako para tumayo, at saktong pag tayo ko, may kumatok sa pintuan.

"Lady Clarisse? lord Kael ordered me to give you these clothes. May I have a second, miss?"  sabi ng boses na nanggagaling sa labas. Si Rupert yon. 

"Ay, wait lang po."  sabi ko at dali daling pumuta sa pintuan para pag buksan siya. Pag pihit ko ng pinto, tumambad sakin si Rupert na may dala dalang damit. 

"Galing kay Kael?"   tanong ko. Tumango naman siya.

"Yes, lady Clarisse. Heto daw po ang suotin niyo ng maging komportable kayo sa paglalakbay.."  sabi niya at inabot sakin ang damit. Napangiti ako.

"Salamat kamo kay Kael. Eto talaga problema ko, e."  

Tumango siya at ngumiti.   "lord Kael is waiting for you outside, lady Clarisse. I should get going so you can dress up."  sabi niya.  "Any other orders, lady Clarisse?"   dugtong niya. 

Umiling ako at ngumiti.  "Wala na. Sige, salamat ha?"  

Yumuko sakin si Rupert at ngumiti muna bago umalis. Nang tumalikod siya, hindi ako umalis sa pwesto ko. Pinagmasdan ko siya mula sa likod niya, mula ulo hanggang paa. Iba rin kasi dating nitong Rupert na'to, e. May maibubuga rin kahit gurang na XD

Nung bago bago pa ako dito, sinabi nya sakin na buong puso niyang pinag lilingkuran sila Eros at mga kapatid niya. Ewan ko kung bakit, siguro dahil sa malaki ang utang na loob ni Rupert sa parents nila noon?

I wonder what the parents looks like.. siguro yung isa sa kanila, it could be their mom or dad, ay isang anghel, at yung isa ay demon. Silang mag kakapatid maliban kay Eros, half demons lang sila. Si Eros ang may malakas na dugo ng isang demon, siya ang pinaka pure. 

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto ko habang bitbit yung damit na binigay ni Rupert sakin kanina. Umupo ako sa kama at iniladlad yung damit, tumambad sakin ang isang plain hunter suit. May kapatong itong hoodie na pula at abot hanggang tuhod ang haba. Magmumukha akong si Little Red Riding Hood. 

FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon