TRAPPEDClarisse POV:
Palinga nga parin ako sa pag lalakad dahil masyado akong nabibilib sa mga nakikita ko na kung ano anong mga abubot dito mansion-- este, castle pala. Hmp.
Sa haba ng nilalakad namin, napag alaman ko ring Rupert pala ang pangalan ng tagapagsilbi na 'to. Matagal na daw siyang naninilbihan dito.. kaya naman, alam na niya panigurado yung ikot ng utak o kaya naman yung galaw ng sikmura ng mga amo niya.
"I respect my lords more than I respect myself, my lady.." sabi pa nito. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Bakit ganun na lang ang pag respeto siya sa mga iyon? Di hamak naman na mas matanda siya. Base sa itsura, mukhang mga binata lang naman ang mga iyon, e.
"Bakit?" di ko napigilang magtanong.
Tumingin lang ito sakin at muling ngumiti. Hays, wag ganyan.. mamalisya akong tao ha, nako.
"We're here.. my lords are waiting for you inside.." huling sabi niya. Tumango ako sakanya at siya naman, yinuko ang ulo at nag paalam na.
Huminga ang malalim. Okay.. first time kong mag dinner na napapalibutan ng mga gwapong lalaki huhu. Dapat, kain na pang mayaman self, ha? Wag dugyot.
Matapos akong mag stretching ng mga 5 minutes, nag decide na ako mag lakad papasok. Saktong pag pasok ko pa lang, tumambad na sa akin ang mahabang hapagkainan. Lahat na sila nandoon, at mukhang nawawalan na sila ng pasensya kakahintay. Hehe sori na :'(
Pero iyung lalaking nakatabi ko kanina sa kama, masaya niya akong sinalubong.
"Come! Please, sit beside me." sabi niya sakin, siya pa mismo nag hila ng upuan katabi niya. What I really first noticed about him, was his voice. Ang lalim ng boses niya.. hindi masyadong maskuladong pakinggan, kundi masarap sa pandinig. Nababagay pa sa itsura niya.
Compliment lang yon, ha.
Babe, kung nasan ka man.. ingat ka :'( huhu.
Umupo ako sa tabi niya. By the way, naka upo siya sa pinaka dulo at center ng hapagkainan.. sa bandang left niya ako pinaupo. Sa tapat ko, yung medyo kinulang sa height na lalaki.. gwapo, pero malaro ang itsura.
"Before we eat.. Is it okay for you to introduce ourselves first?" tanong ng lalaking laging namamansin sakin. The one has a deep voice.
Tatango na sana ako ng biglang may nagsalita.
"Tss. Do we still have to do that?" umay na umaay na sabi ng maputi. Yung reklamador!
Hindi siya pinansin ni Deep voice at tumayo na lang siya. "Please allow us to introduce ourselves." paninimula niya. Inayos na niya pa muna ang suot niyang plain white button down long sleeve tska niya inilahad ang kamay niya sakin. Wala sa sariling tinanggap ko iyon.
"My lovely princess.. I'm Prince Eros. I'm the ruler of the throne.. The lord of the lords." makahulugang ngiti niya tska niya hinalikan kamay ko!
T-teka.. ano daw?
"Ano kamo u-ulit? Hehe" nahihiya kong tanong. Makapag tutuli nga mamaya.
"My name is Eros, darling.. I rule this kingdom.. Lord of the lords." pag uulit niya.
Siya si Eros..
He rule this kingdom..
And..
He's the lord of the lords?!
BINABASA MO ANG
Fantasia
Fantasy𝑨 𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒖𝒏𝒆𝒙𝒑𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝒎𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒍𝒆𝒏𝒅𝒔 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒐 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚 𝒚𝒐𝒖'𝒗𝒆 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒊𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒆𝒅... 𝑰𝒔 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒂𝒄𝒕𝒖𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒂𝒏 𝒂𝒄𝒄𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕? 𝑶𝒓.. 𝒊𝒔 𝒊𝒕 𝒂𝒄𝒕𝒖𝒂𝒍𝒍�...