XIII.

3 1 0
                                    


THE LAZY DEMON

Angeline POV:  

...

.....

.........


You and I, loved each other multiple times on Earth..

I want to see you again.. touch you.. whispers to you.. and love you even more..

.. It's a promise, right?

Let's meet again..

...

........



"BBLAARGGH!! Huh?.."    

Napalinga linga ako sa paligid ko at na realize kong nasa ospital pala ako. Nasa kwarto ako ni Clarisse para bantayan siya. Hindi ko namalayan na nakatulog ako kakatitig sakanya at nakuha ko pang managinip. Wait...

"Huh? Ano kasing napaginipan ko? Hmmm..."   umayos ako ng upo sa tabi ng higaan ni Clarisse at tumulala sa kisame, inaalala yung panaginip na nangyari. 

Pero nakukunot na yung noo ko, hindi ko parin maalala!

"NA NAMAN?!"   bulyaw ko sa sarili ko habang sinampal sampal ang noo ko. Oo, madalas talaga ako nananaginip.. at sa oras na magising ako, wala na akong maalala ni isang scene na nangyari. 

Siguro talaga oras na para ihinto ko mag basa ng kung anu anong romance movie at novels. Dahil bukod sa malayong mangyari sakin ang magkaroon ng prince charming, kung anu ano na rin pumapasok sa isip ko at nananaginip ng hindi ko naman na alala kinabukasan.



"Pero ikaw? Clarisse, anong balak mo ha? Kailan ka gigising at babangon dyan sa higaan mo? Malapit na rin mag isang buwan nung nangyari ang aksidenteng yun. Kasalanan ko to talaga e, dapat talaga hindi na ako kumain ng marami at nag cr. Tignan mo tuloy ang nangyari, napabayaan ka namin mag isa.."   sabi ko, kahit alam kong hindi naman niya ako naririnig. 

Pero kung iisipin mo, ano kayang tunay na nangyari noong gabing yon? Bigla na lang namin nadatnan si Clarisse na nakahiga sa sahig at walang malay. Basag rin ang isang lumang salamin sa mini museum na iyon. Hindi naman baliw si Clarisse para maisipan niyang iuntog ang ulo niya sa salamin na yun, no. At isa pa, walang bakas na dugo at ni isang galos sa katawan sa Clarisse.. kaya imposibleng ginawa niya yun sa sarili niya. 

Baka naman may pumasok sa mini museum na yun na may galit kay Clarisse at ginawan siya ng masama. Yun lang ang isang posibleng dahilan, kahit papaano. 

Pero noong hiningi namin ang CCTV footage sa bandang papasok sa mini museum, wala naman kaming nakitang kakaibang mga pangyayari. Mga kahina hinalang tao, wala rin. 

Kaya napaka komplikado..

"ARRGHHH! Clarisse! Gising na, hoy! Alam mo bang bumabagsak na ako sa English kasi wala na akong makopyaan? I need you na huhu."   



Hays.. malaman ko lang kung sino ang gumawa sayo nito, Clarisse.. hindi ko sila mapapatawad in my whole boring entire life!!!





Clarisse POV:

Maaga akong nagising ngayon and I really felt so good~ Like, mapapa zumba ka sa sobrang ganda ng gising mo. Nakakahinga na rin ako ng maluwag hindi katulad kagabi, bumalik na rin ang normal body temperature ko.. that's why I'm talking to the girl in the mirror oh, oh~

FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon