Affair 2

41.4K 493 95
                                    

Claire:

Agad nagtilian ang malalandi kong kaklase at ultimo mga lalaki ay natameme sa kagwapuhan nang teacher namin. Hindi ko sila masisisi, tunay naman kasi iyon. Halos hubaran na nang mga frog kong kaklase si sir, titig palang nila mga mukhang rapist na. May rapist ba na babae, anyway dahil sa tilian ay nagulat nang bahagya ang teacher namin. Napakamot ito sa batok nito at nahihihang dumiretso sa lamesa nya.

Ako naman ay nag pipigil, chill lang panty 'wag kang papatak. Naisip ko at naglakad nalang sa upuan ko. Malapit ang upuan ko sa table ni sir kaya malaya ko itong mare-rape sa utak ko, este malaya ko itong makikita nang walang kutong lupa na humaharang.

"Hi sir~"

Malanding sabi nang bakla kong kaklase, napairap ako sa kanya. Landi landi wala namang kepyas. Umismir ito saakin nang mahuli nya akong inirapan sya.

"Hello" Sabi ni sir kaya kinilig ang itlog nang bakla. Gaga, akala naman nya papatulan sya ni sir. Pano nalang masasarapan si sir kung sa kanya lang din bagsak neto. Ano 'yon espadahan sila, ganern?

"Ahm, sir may girlfriend na po ba kayo?" Pakunwaring mahinhin na sabi ni pinipig, yung nakausap ko kanina.

Kung sya lang din ang magiging karibal ko kay sir ay mapapanatag ang loob kong hindi makardam nang katiting na selos. Napatingin ako kay sir at inaantay ko ang sagot nya. Hindi lang pala ako ang nag aantay sa sagot nya, halos lahat pala kami.

"Oo" Maikli at nakangiti nyang sabi sabay tingin saakin. Bakit naman kaya sya tumingin. Tsk. Napabusangot ang mukha ko sa   narinig ko. Asang asa akong single sya!

Teka! Eh ano ngayon kung may girlfriend sya? Asawa nga naaagaw, sila pa kayang mag jowa lang? Napatingin ako kay sir, nakatingin din pala ito saakin. Hindi ko alam kung namalikmata ako o ano pero nakita ko syang ngumisi.

"Wait, magpapakilala muna ako." Sabi nya sabay tayo at punta sa bandang unahan ko.

May katangkaran si sir kaya naman kitang kita ko ang ubod nang tambok nitong ibon. Ewan ko ba kung sinasadya nya talaga iyon  na ipakita saakin.

H'wag mo akong subukan sir, baka makain ko nang wala sa oras yang ibon mo! Rawrrrr

Napabungisngis ako sa naisip ko kaya naman siniko ako ni Maria. "Ano na naman yang naiisip mo?" Sabi nga, she know me too well. Inirapan ko lang sya at hindi sinagot.

"Ako nga pala si Mr. Gavin Alfonso, you can call me Sir Vin if you want to. 23 years old, sana maging maayos ang samahan natin dito. So yan kilala nyo na ako, kapag may gusto kayong itaong ay h'wag kayong mahiyang lumapit saakin. Kayo naman ang mag pakilala" Sabi nya at bumalik sa table nya.

Yun na 'yon? Anyway, nagsimula nang tumayo ang mga kaklase ko para magpakilala andami dami nilang sinabi na kaek-ekan e halata namang hindi interisado sa kanila si sir.

Paano ba naman halos ipakilala na ang buong angkan, pati aso pinakilala e mas mukha pa silang aso. Napairap ako dahil ang tagal nilang magpakilala. After 10 minutes ay ako na ang magpapakilala. Tumayo ako, bigla naman syang tumunghay.

Kikiligin na ba ako? Halos sakin lang sya tumingin at parang inaantay akong magsalita. "Claire Devon, 19." Maikli kong sabi, kung gaano kahaba ang sinabi nang mga kaklase ko ay ganon kaikli ang saakin.

"Single?" Tanong ni sir. Nagulat ako dahil hind ko inaasahan na itanong nya yon pati narin mga kaklase ko ay nagulat.

Wag kang ganyan sir, baka agawin kita nang tuluyan sa gf mo.

Ngumiti ako. "Yes sir, pero malay nyo soon mag karoon na ako nang boyfriend" Nang aakit kong sabi, lumawak ang ngiti nya.

Umupo na ako at nagpatuloy sa pagpapakilala ang mga kaklase ko. Hanggang sa inabutan kami nang break time. Kaya agad din syang nag paalam na mauuna na dahil may biglaang meeting daw.

"Hoy frenny, ano naman yung kanina ha aber?" Sabi ni maria na nakapamewang pa.

Hindi bagay ang maria sa pangalan nya dapat lola basyang dahil mukhang stress na ito sa buhay. "Wala naman"

"Ikaw ha, nalandi kana naman" Sabi nya.

"Ano naman, wala naman akong boyfriend." Sabi ko.

"E yung nilalandi mo meron!"

"Chill, gigil na gigil ikaw ba gf nya? Wala pa nga akong ginagawa gigil kana pano pa kaya pag meron na edi nahimatay kana dyan"

Napailing nalang sya at lumabas na kami sa room. Alam naman nang lahat na ganito sadya ako, ewan ko lang kung bat may nagugulat pa. Tsk.

--

Kimlyshane22

Affair 1: My Hot Teacher [SPG]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon