Claire :"Nabasa mo na ba yung article na bagong labas sa page ng school?"
Habang naglalakad rinig na rinig ko ang mga pag uusap ng mga estudyante sa corridor. Habang isa isa ko silang nilalagpasan ay parang kinakain ako ng lupa sa sobrang kahihiyan.
"Tungkol san ba iyan?"
Hindi ko alam kung papaano ko sila haharapin kung kayat nakatungo akong naglalakad sa gitna ng pasilyo.
"Hay nako! Yang si claire devon daw may affair na teacher"
Wala akong magawa, wala akong makuhang rason para maiwasan ang mga mapanghusga nilang mga mata at mapanggutya nilang mga salita.
"Talaga!? Grabe akala ko pa naman isa siya sa mga queens dito sa school. Pokpok naman pala"
Nagpanting ang tenga ko. Tumigil ako at hinarap ang nagsabi noon. Nagulat siya dahil sa paglapit ko.
"Kapal ng mukha mo, kasing kapal ng libag mo sa katawan mo. Pokpok ako? Eh ano ka pa? Eh diba ikaw yung gabi gabing na raket diyan sa may bar diyan." sabi ko na ikinagulat niya.
"Hoy! Kapal mo, anong gusto mong itawag sayo slut para sosyal?" Sabi naman ng kasama niya. I think kaibigan niya. "Huwag mo ngang sabihin na nagtatrabaho siya sa bar dahil mayaman siya. Hindi siya magtatrabaho don no , diba!?" Sabi niya pa sabay tingin don sa kaibigan niya na parang tinakasan ng dugo.
"Tara na hayaan na natin siya" sabay hila sa kamay ng kaibigan niya.
"Ano? Bakit naman tayo aalis? Huwag ka nga matakot, ngayon kapa matatakot kay claire ngayong lugmok na siya sa lupa."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Akala ko ba kaibigan ka? Mayaman sino? Siya? Mali ka ata ng nakalap na balita. She's just nothing but a trash bitch kung malandi o pokpok ako e ano png tawag sa kaibigan mong naghuhubad sa harap ng natatanda kapalit ng pera? Alam na alam mo ang dumi ko pero yung sa kaibigan mo hindi? Kaibigan kaba talaga?"
Pagkasabi ko non ay umalis na ako sa harap nila.
"Paging Ms. Devon please proceed to the principals office" narinig kong sabi nung speaker kaya naman imbis na sa room ako mag punta ay dumiretso na ako sa principal's office.
Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko ang isang teacher na kausap ng principal may sinabi pa muna ito bago nagpaalam umalis.
Lumapit na ako at umupo sa harap. "Ms. Devon, alam mo na kung bakit kita pinatawag dito." Mahinahon niyang sabi tumango muna ako bago nagbuntong hininga.
"Opo, huwag po kayong mag alala matapos po ang sem na ito ay aalis na ako dito sa school sorry po sa kahihiyan na naidulot ko sa school"
"Naipaalam ko na rin ito sa magulang mo-"
"Po!!"
Napatayo ako sa sinabi ng principal. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin ipinapaalam kina mom ay dad yung issue at nagpapasalamat ako na walang nagsasabi sa kanila.
Pero now, nalaman ko lang na ipinaalam ni principal sa magulang ko yun. Papano na? Alam ko uuwi sila agad agad.
"Yes, ipinaalam ko ito sa magulang mo. Kailangan nilang malaman ang ginawa mo. Hindi ito basta kamalian lang claire sobrang laking kasalanan ito hindi lang sa school rules pati narin sa sarili mo. Bakit ka nakipag relasyon sa teacher mo? Worse may nangyayare pa sa inyo?"
Hindi ako nag salita hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino ang nagpakalat noon. Dahil kami lang naman ni gavin ang nakakaalam ng nga nangyayare samin.
Isa lang ang pumasok sa isip ko noong iniisip ko kung sino ang nagpakalat ng mga iyon.
Si maria.
Pero papaano niya nalaman? Malalaman niya lang kung sinabi iyon ni gavin sa kanya pero hindi naman iyon gagawin ni gavin.
"Umuwi kana iha"
Napatingin ako kay principal tapos napakunot ako sa sinabi niya bakit naman niya ako papauwiin e may klase pa ako.
"May klase pa po ako"
Tumingin siya sakin at inalis niya ang salamin niya.
"Hindi mo ba naiintindihan iha? Sobrang kahihiyan ang idinulot mo sa school yet gusto mo parin pumasok?"
Napatahimik ako sa sinabi niya tama naman siya. Bakit pa ako papasok gayong may issue akong kinahaharap.
"Ang sinasabi ko lang iha, hindi mo na kailangang pumasok. Kung papers lang ang hinihintay mo para makalipat ng school gagawan kita agad hindi mo na kailangan tapusin pa ang sem. May mga visitors tayo ngayon at ang makita ka nila ay hindi magandang image ng school."
"May kasalanan po ako pero huwag niyo naman pong ipamukha sakin na kinahihiya niyo ako. Minsan narin ho akong nag bigay ng karangalan sa school. Salamat po aalis na ako"
Sabi ko at nag martsa papalabas. Wala na akong choice kung hindi umalis. Ayokong ibaba lalo ang sarili ko. Alam kong ako ang may kasalanan pero mali bang ipagtanggol parin ang sarili ko?
Hindi ko naksalubong si gavin. Wala akong narinig na anuman tungkol sa kaniya. Puro saakin lang bakit ako lang? Parehas kaming may mali pero parang ako lang yung gumawa ng kasiraa sa school.
Ni text o tawag mula sa kaniya wala akong natanggap. Wala naman akong pakialam don dahil nag sisisi akong nakilala ko siya. Ng dahil sa kaniya nasira ang maganda kong buhay. Pero kasalanan ba talaga niya iyon? Well kasalanan ko din dahil pinapasok ko siya sa buhay ko.
Gusto ko nalang matapos ang lahat ng ito. Sana maayos na itong lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Affair 1: My Hot Teacher [SPG]✔️
RomanceAs of December 23, 2019 Ranking #1 in Ugh #2 in Harder #17 in Hot Making you Horny and making you smile are my two favourite things. -- Claire Devon