Maria:
Nag kulong ako sa loob ng kwarto ko, halos isang linggo na rin akong hindi pumapasok dahil hindi ko lubos maisip na magagawa ko iyon.
Na magagawa kong ilaglag ang sarili kong kaibigan.
"Ma'am maria kain na po"
Sabi ng maid sa labas ng kwarto ko habang kinakatok ang pintuan ko.
Tumingin ako sa labas, tanghali na pala hindi ko man lang namalayan ang oras sa pag kukulong ko sa kwarto.
"Busog ako"
Maikli kong sagot , akala ko maiintindihan niya ang sinabi ko pero mukhang hindi.
"Mam kain na kahapon pa po kayo walang kain"
Pangungulit nito, hindi ko siya pinansin at nagtalukbong na lamang.
Panay ang tunog ng cellphone ko. Tiningnan ko ang naka rehistrong pangalan doon.
Si claire.
Pinatay ko ang cellphone ko dahil hindi ko pa alam kung papaano ko siya haharapin.
Madaming text at tawag ang natanggap ko mula sa kaniya at hanggang ngayon ni isa sa nga ipinadala niyang mensahe ay hindi ko pa narereplyan. Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin o kakausapin. Papaano na lang kung malaman niya na ako ang dahilan ng pagkalat noon sa school?
Kung hindi lang sana ako nagpadala sa mga nasabi ni nathalie saakin noon. Sana hindi ko na lang ginawa yun.
Flashback
Dahil hindi ako sinamahan ni claire na pumunta sa bagong bukas na shop ay ako nalang mag isa ang pumunta.
"Good morning mam welcome to Qed cafe" sabi nung isang staff at magiliw na nakangiti saakin.
Tumango ako at dumiretso na sa counter umorder at naghanap ng mauupuan.
"May ikekwento pa naman ako sa kaniya, tsk" sabi ko dahil sa inaya ko si claire pero tumanggi siya sabi niya may pupuntahan daw siya kaya wala akong magawa kung hindi lumakad na lang mag isa.
Sabi nila kahit kakabukas lang ng Qed dito sa lugar namin ay patok na patok daw ang branch na ito sa ibat ibang bansa.
"Ito na po ang order niyo mam" sabi nung waitress sabay baba nung order ko.
Agad kong nilantakan ang inorder ko at halos makalimutan kong magnda ako sa sobrang sarap ng lasa.
"Excuse me?"
Napatunghay ako dahil may nagsalita sa tabi ko kaya naman napatingin ako.
"Alam mo bang masamang inaabala ako kapag nakain ako?" Inis na sabi ko sa taong ito.
Sino pa ba edi si nathalie ang bitchy girlfriend ng poging yummy na teacher namin.
"Hindi din naman ako magtatagal" sabi niya sabay upo sa harapan ko. Wow kapal.
"Ay talaga? Condolence na agad sa family mo" sabi ko parang hindi niya nagets bobo naman neto.
"Ano bang ipinunta mo dito? Kung autograph lang ang kailangan mo mamaya na please pagkatapos ko kumain" sabay irap ko sa kaniya.
Tumawa siya ng mahina bago sumeryoso ang mukha niya.
"Hindi ka naman kagandahan" sabi niya tinaasan ko siya ng kilay.
"Wow coming from you ha!" Sabay irap ko.
"Gaano mo kakilala ang kaibigan mo?" Seryosong sabi niya.
"Kilalang kilala bakit ba?" Inis na sabi ko.
"Well dederetsuhin na kita. Yung kaibigan mo itali mo ha. Sa sobrang desperada pati teacher nyo na boyfriend ko kinakabit niya. Opps. Hindi lang basta kabit ha, bumubukaka yang kaibigan mo sa bf ko. Kaya sabihin mo diyan sa malandi mong kaibigan umayos siya kung ayaw niyang ikalat ko ang kabahuan nya."
Naoatahimik ako, bakit ako maniniwala sa baliw na ito.
"Umalis kana. Bakit kita paniniwalaan if I know sinisiraan mo lang ang kaibigan ko"
Bigla siyang may inilabas na picture kung saan kitang kita ko ang halos wala ng pantaas na si claire at si sir. Halos hindi ako maniwala sa nakikita ko.
"Galing ng editor niyan ah kanino ka nag pa edit?" Sabi ko
"Ganyan ba niya nalason ang utak mo? Na nasaharapan mo na ang katotohanan ikinakaila mo pa. Nag sinungaling siya sayo, hindi siya nagtiwala sayo. Kung may tiwala siya sayo edi sana sinabi niya sayo pero ano? Itinago niya ang totoo sayo. Kung ako sayo bigyan mo siya ng isang problema na kung saan ikaw ang tatakbuhan niya. Pero doon mo naman siya iwanan sa ere. Gantihan mo, biruin mo sa haba haba ng pagkakaibigan nyo lalaki lang ang sisira sa inyo! Kaya kung ako sayo ipakalat mo ang baho niya para naman hindi ka laging maging alalay niya, para naman ikaw na ang maging queen sa school niyo." Hindi ako umimik.
"Pag isipan mong mabuti ang sinabi ko. Kung gusto mong maging number one kailangan mo munang siraan ang nangunguna which is si claire"
Sabay alis niya habang ako ay naiwan na nagiisip. Sa buong pagkakaibigan namin palagi akong second choice, number two saming dalawa .
May namuong demonyo sa utak ko. This time sisiguraduhin kong ako na ang magiging number one.
End of Flashback
Yun na nga ang ginawa ko pinakalat ko yung picture at gumawa ako ng article tapos pinost ko sa page ng school walang mag iisip na ako ang may kagagawan noon dahil madami kaming may hawak ng page na iyon.
"Mam kain na"
Langya hanggang ngayon ba naman andyan parin siya?
"Anong hindi mo maintindihan sa busog nga ako na ayoko nga kumain!" Sabi ko wala na akong narinig sa labas.
Pinilit kong matulog ay kalimutan ang lahat ginusto ko ang nangyare. Ipinag palit namin ang friendship namin sa kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Affair 1: My Hot Teacher [SPG]✔️
RomanceAs of December 23, 2019 Ranking #1 in Ugh #2 in Harder #17 in Hot Making you Horny and making you smile are my two favourite things. -- Claire Devon