Affair 10

24.9K 336 18
                                    


Claire:

Maganda ngayon ang mood ko dahil sa kasabay ko si Kuya Kurt na pumasok dito, actually sabi niya ay inaayos niya ang kanyang papers para lumipat dito sa school. Hindi ko man maisip kung papaano niya napilit sina tito at tita na dito siya mag patuloy ng pag aaral.

"Baka mawarak labi mo nyan sa ngiti mong yan!" Sabi ni maria na ngayon ay nakalapit na saakin. Hindi ko siya napansin dahil sa kasiyahan.

"Bakit ba? Basama na bang pumasok ang dyosa ng nakangiti?" Sabi ko tapos napa busangot naman siya ng mukha.

Nag deretso kami sa cafeteria dahil gusto kong bumili ng coffee. "Huy alam mo ba ang bagong issue dito sa school?" Seryosong sabi ni maria habang kinukuha ang order niya.

Nag lakad kami sa bakanteng upuan at doon pumwesto. Napatingin naman ako sa kaniya. "Really maria? Kelan ka pa naging chismosa?" Sabi ko tapos umiling iling at humigop sa kape ko.

"May multo daw sa may library nako! Nakakatakot!" Sabi nito na halatang natatakot. Bahadya kong naibuga ang iniinom ko at napa tingin sa kaniya.

"M-multo?" Tanong ko, hindi ako nautal dahil sa takot. Nautal ako dahil sa alam ko ang nangyare sa loob ng library.

"Oo! Nako, alam mo ba nung dumaan daw doon yung guard para sana tingnan kung may tao pa. May narinig daw siyang mga alulong ng multo" Sabi nito.

Gaga anong alulong ng multo, ungol namin yun.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga pinag iisip nila o matatakot dahil baka malaman nila na ako yung nasa loob noon. Tiyak ay ikakasira 'yon ng image ko at puri ko.

"Tara na nga! May pinapasagutan pa si sir e!" Sabi niya.

"My God Maria! Napasok ka ba para sa chicka at pati mga pinasasagutan ni sir hindi mo ginawa sa bahay niyo!?" Sabi ko napatawa na lamang siya.

"Wala naman si sir e" Maikli niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya habang nauunang maglakad.

"Bakit wala?" Sabi ko noong nakalapit na ako sa kaniya. Tiningnan niya ako nang naka taas ang kilay.

"Ikaw ha! Feeling may relasyon kay sir at hinahanap?" Sabi nito, inirapan ko siya.

"Stupid. Masama bang itanong kung bakit tutal estudyante niya tayo. Like duh maria where's your brain." Iritado kong sabi dahil sa kabobahan ng kaibigan ko.

"I dunno ang rinig ko sa faculty nag file ng rest day application si sir" Sabi nito, hindi na ako umimik pa dahil sa narating na namin yung room namin.

"Sandra! Nasan na ba yung project!? Naipasa mo na ba?" Hiyaw ni maria na akala mo ay malayo ang kausap niya.

"Oo! Makasigaw mag kalayo teh?" Pang aasar ni sandra. Inirapan siya ni maria at umupo na lamang sa upuan niya.

"Class! Wala daw tayong pasok mamayang hapon! Ipasa nyo na daw yung kailangan ipasa!" Sabi ni presy-sipsip.

Napasinghap kami dahil sa mga snabi niya. "Sino ba ang bumoto sa babaeng iyan para maging president?" Inis na sabi ni maria.

"Actually, wala siya lang mag isa nag volunteer na maging president" Sabi ko naman.

"Kung alam ko lang sana edi sana ako nalang nag pesinta para kahit papaano ay may maayos na presidente"

"Hini lang basta maayos ang kailangan noh! Dapat may utak din!" Sabi ko.

Inirapan niya ako. "At least kung ako may maganda kayong president" Sabi niya tapos bumungisngis. Ewan ko ba dito may utak naman hindi lang ginagamit.

"Bakit ba kasi hindi mo gamitin utak mo" Sabi ko.

"Hinahanda ko para sa next year" Sabi niya kaya naman napasapo na lamang ako sa ulo.

--

Maria:

"Maria!" Sigaw ng pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa likod.

Nakita ko si Sir Gavin na kakarating lang at maraming dalang mga folder. So, ako naman ang uutusan ganon?

"Bakit po sir?" Sabi ko nung makalapit ako sa kaniya.

"Si... Claire?" Tanong niya na kina dismaya ko, akala ko naman ako ang kailangan niya si claire pala.

"Nauna na pong umuwi dahil may kikitan daw po siya" Sabi ko, totoo naman na may kikitain siya hindi ko lang naitanong kung sino.

Nalandi na ang aking frenny kaya support lang. Nakita ko ang pag kunot ng makakapal na kilay ni sir. "Kikitain?" Bulong niya kaya tumango na lamang ako.

"Bakit po sir?" Sabi ko, bakit kaya niya hinahanap si claire.

"Itatanong ko lang kung nasan yung kanyabg folder wala kaso rito" Sabi niya, si claire talaga tamad mag pasa.

"Uulitin ko nalang po sa kaniya sir." Sabi ko tapos nag palam na kay sir.

--
Kimlyhane22

Affair 1: My Hot Teacher [SPG]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon