Claire:
"Mam bawal pong abalahin si mam maria ngayon." sabi nung maid nina maria.
Kanina pa ako nagpupumilit pumasok pero kanina parin ako hinaharang ng maid nila at hindi ko maintindihan kay maria kung bakit kinakailangan niya pa iyong ipag utos sa yaya niya.
Dati dati naman ay hinahayaan nila akong pumasok pero ngayon para akong masamang elementong bawal makapasok sa bahay nila. Ni sa salas hindi man lang ako punapasok hanggang pintuan lang talaga. Pinagtaasan ko ng kilay ang yaya niya.
"Kilala mo ba ako?" kinakabahan siyang tumango.
"Oh, kilala mo naman pala ako bakit hinaharang mo pa ako?" sabi ko nag iwas siya ng tingin.
"Ipinag bilin po kasi ni Mam Maria na ayaw niya munang tumanggap ng sino mang panauhin ngayon." sabi nito.
Tinanggal ko ang pagkakaharang niya at itinulak ko siya ng marahan. Napaatras naman siya kaya naman agad akong nagkaroon ng pagkakataon para makapasok. Agad akong pumunt sa hagdan pero itong kutong lupa na yaya ni maria ay agad akong hinila kaya naman napa upo ako sa sahig. Sinamaan ko siya ng tingin. Agad niya akong nilapitan at humingi siya ng paumanhin.
"Nako mam! Pasensya na ang kulit niyo kasi!" sabi nito habang hinahawakan ako sa braso ko. Tinabig ko ang kamay niya at tumayong mag isa. Pinagpagan ko ang sarili ko pagkatapos ay tiningnan ko siya ng masama.
"Kasalanan ko pa? Tatanga tanga ka kasi. Sinabi ng gusto ko siyang makausap aling parte ng salitang yon ang hindi mo maintindihan?! Isa pang harang mo sakin sisiguraduhin kong buong angkan mo mawawalan ng trabaho ." magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na.
" Huwag mo akong sagadin baka gusto mong ipasok kita sa ilalim ng lupa. " pagbabanta ko. Hindi na siya nagsalita pa kaya umakyat na ako.
Walang katok katok ay pumasok ako sa kwarto niya. Nagulat siya ng makita ako.
"C-claire anong ginagawa mo dito!? Hindi ba sinabi ng katulong kong ayaw ko ng bisita ngayon?" sabi niya.
Umayos siya ng tayo. Lumapit ako sa kaniya halata sa mukha niya na parang may itinatago siya. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya.
" Ano namang kaartehan ito maria!? At talagang pati ako pinagbawalan mong puntahan ka? Ilang text at calls na ang ginawa ko pero ni isang tuldok na reply wala. Ano bang nangyayare sayo ha? Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sa kaniya agad siyang nag iwas ng tingin at para bang kinakabahan.
" Wala naman, umalis kana" sabi niya at humiga uli.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi ang problema mo."
"Wala akong problema" parang naiinis na niyang sabi. Kahit naman ako ay naiinis narin sa ganitong set up namin. Hindi naman kami ganito.
"Sakin may problema ka?" tanong ko sa kaniya agad siyang napatingin sakin.
"W-wala ano bang pinag sasasabi mo masama na bang umabsent? Masama na bang mamahinga?" sabi niya.
"Hindi. Hindi masamang umabsent at mamahinga. Ang masama ay yung halos mag dalawang linggo kana daw absent. Gusto mo ba talaga mamahinga? Halika mamahinga ka sa ilalim ng lupa gusto mo?" seryosong sabi ko.
"Ano bang pake alam mo? Ako naman ang absent at hindi ikaw hindi ba!?" galit na sabi niya tumayo na siya sa pagkakahiga niya.
"Hindi mo ba talaga sasabihin sakin? Akala ko ba kaibigan kita pero nagawa mo iyon?" halatang nagulat siya sa sinabi ko. Ako si claire devon at marami akong connections para malaman kung sino ang nagpasimuno ng pagkalat ng issue na iyon.
BINABASA MO ANG
Affair 1: My Hot Teacher [SPG]✔️
RomanceAs of December 23, 2019 Ranking #1 in Ugh #2 in Harder #17 in Hot Making you Horny and making you smile are my two favourite things. -- Claire Devon