Affair 7

31.1K 497 25
                                    


Maria:

"Hoy!" Tawag saakin nung kaklase kong ginawang colorinh book ang mukha. Hindi niya ba alam ang pinag kaiba ng mukha sa papel? Well, hindi din naman katanggap tanggap ang pagmumukha niya.

"Bakit ganun? Akala ko ginawa ang make up para kahit papaano ay gumanda naman ang mukha. Pero bakit sayo parang hindi tumalab?" Sabi ko sabay irap, wala akong panahon para sa mga kagaya niyang makikisagap lang nang chismis.

"Bitch! Inggit ka lang sa face ko." Sabi niya tapos namewang sa harapan ko. Langya, wala ba silang mouthwash sa bahay nila? Umaalingasaw ang kabahuan ng bunganga niya. Tinaasan ko siya ng kilay sabay tayo.

"Duh! Kung yang mukha mo lang ang kaiinggitan ko 'wag na lang noh! Mas katanggap pa ang mukha ni pinipig kesa sayo, yung kay pinipig magagamot pa ng derma e yung sa mukha mo kahit ipa plastic surgery hindi tatablan!" Sabi ko sabay alis sa harapan niya. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase namin, dun naman sila magaling ang mag abang ng mga mag aaway tapos kung sino ang talo pagtatawanan nila.

Teka asan ba si claire, kanina pa nag checheck yun ah? Pumunta muna ako sa library para humiram ng libro tungkol sa accounting. Lintek kasi yung sir gabin na yun kung hindi lang gwapo tsk!

"Miss. Nauna ako dito" sabi nung babae na tinutukoy ay yung hawak kong libro. Tiningnan ko siya nang masama.

"Look, kung ikaw ang nauna sa libro bakit ako yung may hawak?" Sabi ko napatingin naman siya sa libro.

"Pero kanina ko p-"

"Kung sasabihin mong nauna kang nakakita well then fine ikaw ang naunang makakita pero ako ang naunang kumuha kaya babush!"

Sabay alis ko sa harapan niya, konti nalang talaga at sira na ang araw ko. Lumapit na ako dun sa librarian at binigay ang card ko para makita niya na hihiramin ko yung libro.

"Ito lang?"

Napakunot ako ng noo. Bakit ba ang daming mga parang pinaglihi sa kaulagaan ang mga tao ngayong araw na ito.

"May nakikita ka pa bang iba?" Sabi ko. Tiningnan niya ako ng masama. "Char. Opo yan lang po" sabay sabi ko baka mamaya isumbong ako niyan sa dean mapatalsik pa ako dito.

Nirecord na niya at umalis na din ako agad. "Maria!" Tawag saakin ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako sa likod.

"Oh?" Sabi ko nang makalapit saakin si sandra Bigla biglang susulpot 'tong bruhang 'to ah.

"Nakita mo ba kung nasaan si claire? Kanina ko pa kasi siya hinahanap e" sabi niya.

"Mukha ba akong hanapan ng mga taong nawawala. Baka naman ayaw talagang magpakita sayo." Sabi ko, hindi parin palagay ang loob ko sa kaniya dahil sa mga ginawa niya.

"Marie naman-"

"Alam mo kung trip mong manira ng araw, sarilinin mo nalang okay?" Sabi ko sabay alis sa harapan niya.

Si sandra ay isa sa mga bobang nag papanggap na bitch sa room namin. Alam nyo yun, yung feeling strong kasi marami silang mag kakabarkada. Kumbaga matapang lang kasi madaming back up. Tsk! As if naman na tatablan siya saakin. Kay claire palang taob na yang sandra na yan.

Naglakad na ako papasok sa cafeteria ng makita ko si claire. Speaking of the devil bitch. Agad ko siyang nilapitan, nakakunot ang noo niya habang tinotorture ang kinakain niyang spaghetti.

"Kung tao lang yan kanina pa yang patay" sabi ko nung nakalapit ako sa kanya.

"Sana nga tao nalang para patay na" sabi niya tapos inirapan ako.

Affair 1: My Hot Teacher [SPG]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon