chap.42 Lean on me

1.9K 51 1
                                    

1 month later...

          ALEX POV

Kanina ko pa hinihintay si love pero hindi parin siya dumadating...kahit text o tawag wala akong nakuha galing sakanya....ngayon lang sya lumiban sa klase ng hindi nagsasabi....tinanong ko si Layn pero baka daw dumaan pa sa company niya kaya na late....
Kumakain na kami sa Cafeteria pero hindi ko maiwasang hindi isipin si love...tinawagan ko siya pero cannot be reach...ano bang problema niya?...may problema ba?..dumating narin si Chan..teka bakit wala si Fara?
"Nasaan si Fara?" Tanong ko agad...
"Hindi siya pumasok.." Takang sagot ni Chan...teka bakit wala silang dalawa?
"Teka" singit ni Layn at parang malalim ang iniisip...
"Anong araw ngayon?" Parang kinakabahan ang boses ni Layn...pati tuloy ako natetense narin....
"14th of November" sagot ni Nath...nagulat kami ng mapatayo si Layn..teka ano bang problema....
"Shit...fuckshit" natatarantang mura ni Layn...
"Hey babe why?" Nagaalalang tanong ni Reighn...
"Its Sarah death aniversary" teka Sarah?sino yon...pati si Chan napatayo narin....gulong gulo na ako paki explain naman....
"Fara's twin sister...the only reason why Blad became cold and not wanting to go back here" nagulat kaming lahat sa sinabi ni Layn...bakit diko to alam? Marami pa nga akong hindi alam tungkol sakanya.....nagaalala ako sakanya....
"Puntahan natin sila " Reighn said...
"Sorry mukhang wala kaming maitutulong sainyo ni Nath...alam naman naming hindi showy si Blad pagdating sa mga boys kaya mabuting kayo nalang ang pumunta...." Malungkot na sabi ni Zy...kaya nagmadali na kaming pumunta sa mansion nila....
Pagdating namin sa tapat ng mansion nila ay napakatahimik ..
"Nandyan ba si Sam?" Tanong ko agad doon sa battler na nakabantay sa malaking pinto ng mansion nila....
"I'm sorry Miss Alex pero hindi pa po sila dumarating...pumunta po kasi sila sa puntod ni Lady Sara.." Malungkot nitong saad..
"Ahh ga-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may nagsidatingan na Sampung kotse..mukhang sila ang nasa  loob...nagmadali namang pumunta lahat ng battler nila sa kotse para pagbuksan....nararamdaman ko kung gaano katense ang atmosphere ngayon na pumapalibot dito...paglabas ng nasa pangalawang kotse ay si Fara at Aira makikita mo sa mga mukha nila ang lungkot at sakit pero ng makita nila kami ay pumilit silang ngumiti....alam kong nasasaktan sila ngayon....sa pangatlong sasakyan naman ay parents nila Fara...ngumiti naman sila ng makita kami nakauwi na pala sila....lumabas na lahat ng tao sa sasakyan pero hindi ko parin nakikita si love...nasaan na ba siya..nagaalala na ako sakanya....
"Hintayin nalang natin si bunso sa loob" kalmadong sabi ni Fara pero halata sa boses nito na kagagaling lang niya sa pagiyak....kaya pumasok na kaming lahat...wala masyadong nagsasalita....lahat pala ng kasama nila Fara ngayon ay mga kamaganak nila....lahat kami ay nakaupo lang sa dining area...nakilala ko rin yong parents ni Aira...
  Maya't maya ay bumukas ang pinto at lahat kami napatingin ..iniluwa nito ang babaeng kanina ko pa hinihintay..wala kang makita na anong expression sa mukha nito...pati ang mga mata niya ay napakacold....
"Bey!!" Sabay yakap kay Sam...
"Are you okay?sorry bey wala ako sa tabi mo ..I'm really sorry...okay lang kong magalit ka saakin bey...kahit sampalin mo ako" naiiyak na sabi ni Layn...ngayon ko lang siya nakitang umiyak....nagiguilt kasi siya dahil nakalimutan niya ang araw na to.....
"Shut up bey...don't blame your self...I'm okay...I just need to go in my room.." Walang expression niyang sabi kaya humiwalay naman si Layn sa yakap at umakyat na sa taas....kahit wala siyang pinapakitang emosyon alam kong nasasaktan siya ngayon....
"Mom..akyat lang po kami sa taas" paalam ni Fara...umakyat naman kami sa taas at pumasok sa kwarto ni Fara....kagaya ng kay love malapad din ang room ni Fara kaya lang mas malaki ang kay love....
"Bes...bakit dimo man lang ako tinawagan o di kaya tinext man lang eh di sana nasamahan kita" sabi ni Chan sabay yakap kay Fara...minsan mo lang makitang seryoso si Chan....
"Sorry bes.." Tanging sagot lang ni Fara....
"Sorry din kung nakalimutan ko" malungkot na sabi ni Chan....
"Okay lang Chan...muntik ko na nga ring makalimutan buti nalang ay sinabi ni bunso..." Malungkot nitong sabi....
"Nagalit ba siya sayo?" Nagaalalang tanong ni Chan...teka bat naman magagalit si Sam.?
"Hindi ...pero sa parents ko alam kong galit siya...kanina lang sila dumating ...kung hindi ko pa sila tinawagan ay makakalimutan na nila kung anong meron ngayon...hindi sila kinausap ni bunso mula pa pagdating nila.." Parang naiiyak na sabi ni Fara....alam ko ang pakiramdam ngayon ni Sam...tumayo ako at nagpaalam sakanila....
"Pupuntahan ko lang si Sam" sabi ko at hindi ko na sila hintay na magsalita....
Pumasok na ako dahil bukas naman ang pinto....at pagpasok ay nakarinig ako ng piano...teka music ba yan o totoo? Hinanap ko kung saan nagmumula....humakbang ako papunta sa may mini library niya at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko agad si Sam sa tabi ng veranda..may veranda pala siya dito? Ngayon lang din kasi ako nakapasok sa mini library ni Sam..alam ko lang na library niya ito...tatlong bookshelf ang makikita  mo dito lahat puno ng libro...pinagmasdan ko si Sam..hindi niya ata ako naramdaman kaya patuloy lang siya sa pagplay ng piano....marunong pala siyang magplay ng piano?....

hot N cold (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon