Alex Pov
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti dahil sa paggising ko siya agad ang nakita ko...napagsilbihan siya...at ngayon makikita ko ang mga pinagpagodan niya.....sumama kasi ako papuntang company niya....
"We're here" huminto kami sa isang malaki at mataas na kompanya....ang taas naman...kung ako hindi ko talaga kaya ang magmanage ng kompanyang ganito...ang hirap kaya tapos sabay pa sa pagaaral mo....abah baka mabaliw na ako....(oa lang)
"Good morning Miss..."bati ng guards ng pumasok kami....wala lang pakialam si love....sanay na ako...wala ng bago....
Halos lahat ng madaanan namin ay yumuyuko sabay bati nila saamin,ako naman ngumingiti lang nakakahiya naman kasi ehh....ang lawak talaga ng company ni love...
" good morning Miss....dumeretso nalang po tayo sa conference Hall naghihintay na po ang lahat ng board members sa loob.."sabi ng magandang babae ...siya ata yong secretary ni love...infairness ah ang sexy niya....napatingin siya saakin at bumati din....kaya ngumiti lang ako...
"Okay...Alex ipapahatid nalang kita sa office ko..doon muna lang ako hintayin..." Tumango nalang ako at umalis na siya...lumapit naman saakin yong secretary niya...
"Miss Alex tara na po sa office ni Madam.." Nakangiting sabi niya...sumunod naman ako sakanya...napailing nalang ako dahil lahat ng madaanan namin napapatili saakin....sorry nalang loyal ako kay love....sakanya na puso ko....
"Hintayin niyo nalang po si Miss Samantha..ano po bang gusto niyo..coffee,tea or juice?" Magalang na tanong niya...
"Juice nalang..." Simpleng sagot ko...nagpaalam naman siya at lumabas....inikot ng mata ko ang palibot ng office at......nakakalula ang ganda.....mga mamahalin ang mga gamit at napakalaki pa ng space ..lumapit ako sa table ni love at Nakita ko ang pangalan niya....
Samantha Blad Nikolic
CEO
Grabe I can't believe it!!ang bata niya pa para magalaga ng ganitong business...kung ako siguro ay hindi ko kakayanin.....but I know Sam can do it....----------
Ilang oras na akong naghihintay dito sa office ni love pero wala parin siya....ang sakit na nga ng butt ko kakaupo ehh....labas nalang muna ako.....
Habang naglalakad ako ay maraming nagbubulungan,yong iba tumitili pa...tss sorry nalang boss niyo yong nagpapatibok ng puso ko....may tatlong babae pa ang lumapit saakin....simple lang naman at hindi makapal yong make up nila....
"Uhm....Miss Alexandra ..p-wede po bang magpaselfie sainyo?" Nahihiyang tanong ng medyo maikli ang buhok....mukhang mahiyain...
"Sure" sagot ko sabay ngiti.....nakita kong lumiwanag naman ang mga mukha nila....*click*
*click*
*click*"Maraming salamat po....idol po talaga namin kayo Miss..." Nakangiting sabi ng maputi....
"Really?and you know me?" Takang tanong ko....
"Syempre ...sikat po kasi kayo....lahat nga po nagulat ng makita kayo dito...." Sabi ng isa na naman....tumango nalang ako...
"Ang ganda niyo po talaga sa personal miss....sarap kurutin ng cheeks niyo....aiyy sorry po hehehe ang ganda nyo lang po kasi..." Paumanhin nito...kaya natawa naman ako....."Alex.." Napahinto ako sa pagtawa at napalingon sa may ari ng malamig na boses na yon...kahit naman boses niya lang alam kong sakanya yon......si Love ko....
Nakita kong natakot yong mga empleyado kay love.....kahit naman ako....black aura kasi siya ngayon....
"Excuse po...tara na..." Bulong nito sa mga kasama at umalis ...lumapit naman ako sa cold kong dyosa!yiehh kinilig ako don...
"Tss...your smiling like an idiot..." Masungit nitong sabi....kaya napasimangot naman ako....nakita kong napangiti naman siya.....mahilig talagang mantrip to...pero okay lang nakita ko naman siyang ngumiti ehh...."Teka ngumiti si Madam?"
"Ang ganda niya pag ngumiti"
"First time ko siyang nakitang ngumiti..."
"Laglag panty ang ngiti...shet"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko bulungan...
"Lets go sa office mo...." Aya ko sakanya sabay kapit sa braso niya at hinila papuntang office niya...baka kasi maginit naman ang ulo nito....
"Ang tagal naman ng meeting niyo love..." Reklamo ko pagpasok namin...pero hindi siya sumagot...anyare?lumapit naman ako sakanya na naka tayo sa tabi ng window glass na talagang nakikita ang ibang building ...sobrang taas kasi nitong building nila love....nakita kong malalim ata ang iniisip ni love...baka may nangyari sa meeting niya...
"May problema ba love ko?" Paglalambing ko sakanya sabay yakap patalikod..medyo napaigtad pa siya sa ginawa ko....
"Nothing" tipid nitong sagot....pero halata naman na may problema siya....pinaharap ko siya saakin at tiningnan siya sa mata....
"Love....kung may problema you can say it to me....just lean on me when you need...I am always right beside you kahit sobrang sungit at cold mo...I'm still here...." Sabay ngiti ko sakanya...pinalo niya naman ako sa braso...ang cute niya talaga....
"Love....I love you ..." Seryoso kong sabi sakanya....nakatingin lang siya saakin ng seryoso...bumaba naman ang tingin ko sa mapang akit niyang lips.....I wrap my arms around her waist ....
"Beautiful baby.." Mahina kong sabi at wala ng sinayang na oras at inangkin ko na ang malambot niyang labi....Matagal bago namin naisipang humiwalay sa isa't isa...
Nakita kong namula siya....kaya napangiti naman ako....tumalikod siya saakin kaya natawa ako...haha ang cute lang....may side pala na ganito ang isang cold na Samantha ...niyakap ko ulit siya patalikod....hinawi ko ang buhok niya sa balikat at nilipat sa kabila at nilagay ko ang chin ko sa expose niyang balikat......
"Love...gutom kana ba?" Tanong ko..tumango naman ito bilang sagot...
"Ako rin...ehhh pero iba yong gusto kong kainin..." Pilya kong sabi sabay bigay ng mumunting halik sa makinis at maputi nitong balikat papunta sa may leeg niya....
"Naughty Alex....lets go kain tayo sa resto malapit dito...." Sabay kalas nito sa yakap....pero hinila ko siya sabay hinalikan....kiss addict na talaga ako pagdating sakanya...
"Lets go" nakangiti kong sabi....
At ako na ang nanghila sakanya....------------------
Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko siya na maglakad lakad muna sa park....medyo hapon narin naman kaya hindi na masakit yong sikat ng araw.....tska kokonti lang din ang tao.....nakita ko yong nagbebenta ng fishball kaya hinila ko na siya papunta don....hindi naman siya nagreklamo....
"Manong dalawang kwek kwek po...." Sabi ko kay manong...
"Sige Miss ganda .." Nakangiti nitong sabi....napatingin naman ako kay love...na nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga pagkain...hindi naman pandidiri kundi pagtataka...mukhang hindi niya alam ang ganitong pagkain...kung sabagay ay rich kid..kahit ako noon....akala ko nga pangit ang lasa pero nung natikman ko masarap pala...
"Try this love...promise masarap yan..." Alok ko sakanya....tiningnan niya naman ako ng seryoso...hayyss
"Ganito nalang kapag hindi masarap halikan mo nalang ako.." Sabay kindat sakanya....
"Tss..." Yon lang ang sagot niya at kinuha yong fishball...kaya natawa naman ako...nakatingin lang ako kay love habang sinusubo yong pagkain....
"How is it?" Tanong ko...pero wala akong nakuhang sagot...napangiti nalang ako ng kumuha pa siya....mukhang nagustuhan niya naman...
"Wait is this chicken intestine?"tanong niya habang tinataas yong isaw...tumango naman ako...nakita kong kinain niya naman iyon at walang pagdududang nagustuhan niya dahil naparami siya ng kain...minsan ay sinusubuan ko pa siya...halos maubos nga namin lahat ehh ang takaw pala ni love sa mga Street foods...pero nakakabilib dahil kahit anak siya ng mayaman ay hindi maarte...." manong magkano po lahat..."tanong ako...napagdesisyonan na kasi naming pumunta sa amusement park....ayy ako lang pala gusto ko kasi siyang isurprise sigurado ako hindi pa siya nakakapunta don...
"225 iha...mukhang nagustuhan nitong magandang dilag na kasama mo at naparami kayo..." Nakangiti nitong sagot...
"Whats dilag?" Napalingon naman kami sa nagtatakang babae na ngayon ay magkahawak kamay kami....natawa naman si Manong ...
"Mukhang sanay sa engles itong kasama mo...halatang anak mayaman..." Sabi ulit ni Manong....
"Oo na po.." Sagot ko....
"Hey I'm asking you" malamig nitong sabi nakita kong natakot si manong sa tono ng pananalita ni love....I move close to her and cup her face....
"Dilag means gorgeous love..kaya wag kana mag cold voice dyan...hmm?" Paglalambing ko sakanya...nakita kong napangiti naman siya saakin...ang ganda niya shett...ngiti palang tunaw na ako....
"Okay.." Tipid niyang sagot...kinuha ko naman ang walet ko at kaya lang pinigilan niya ako....siya na daw magbabayad dahil siya ang maraming nakain..ayaw ko sana kaya lang sinamaan niya ako ng tingin...takot ko lang sakanya noh..
"Here Manong.." Sabay bigay ng 1k niya...
"Keep the change.." Nakita kong nabigla naman si Manong pero ngumiti lang ako...ang bait talaga ni love...nahihiyang.nagpasalamat naman si Manong ng paalis na kami...."Saan ba kasi tayo pupunta" pangungulit nya pero tanging ngiti lang ang sinagot ko...inirapan niya naman ako....
"Why are we here?" Tanong niya pero hinila ko na siya papasok ng gate..at nagsimula ng sumakay sa mga rides halos karamihan nga ang nasakyan namin ay extreme dahil gusto ni love ko kahit takot ako...ang lakas kasi ng loob ko mag aya no??..tapos mas takot pa pala ako.... pero kakayanin ko para kay love..💕💕
-------------
Naol 🙄🙄🙄
BINABASA MO ANG
hot N cold (gxg)
Randompaano kong magkatagpo ang dalawang babae na ubod ng kagandahan pero magkaiba ang ugali at pananaw sa buhay Ano kaya ang mangyayari 🤔🤔🤔 .....