alyssa's pov
"stop hurting yourself!" pagalit na sigaw nung pumigil saakin.
"why do you even care? who are you anyw——"
napatigil ako. paglingon ko si.. si coby pala.
"hayaan mo nalang ako!" sigaw ko.
"why would i let you! hindi mo ba alam na tuwing nakikita kitang nasasaktan o sinasaktan yang sarili mo, nasasaktan din ako?"
natigilan ako. hindi ko alam kung sino ba ang tama sa aming dalawa.
"nasaktan ako kasi ikaw ang dahilan."
kitang kita sa expression ng mukha nya na hindi nya alam kung anong sasabihin nya.
"wala kang karapatang pakialaman ako dahil wala lang ako sayo. at wala ka lang sakin." dagdag ko.
"pero walang dahilan para gawin mo yan."
"meron. meron coby. ikaw."
"i'm sorry."
"hindi mo na kailangan mag sorry. it was me. my fault. and wala ka na don. ako ang nagsabing iiwasan na kita. at hindi mo na kailangang magdusa."
"alyssa. oo, ikaw nag desisyon non. pero dahil lang don pati ako nagdudusa."
"at bakit ka naman nagdudusa?"
"kasi ayokong mawala sayo! ayokong hindi kita nakakausap at nakikita! mahirap ba para sayong maintindihan yon?"
narealize ko ang sinabi ni coby. tama sya. pati sya nagdudusa. naging selfish ako. hindi ko muna inintindi ang mararamdaman nya. ang pinaki alaman ko lang ang opinyon ng iba.
pero dahil inumpisahan ko na itong desisyon na ito, ipagpapatuloy ko ito.
then, natauhan ako nang makita ang dugo na tumutulo na sa palda ko.
"you're bleeding. dadalhin kita sa clinic." pormal na sabi ni coby
"wag na, kaya ko na to." pagtatanggi ko.
"come on, kahit ngayon lang. pagbigyan mo na ko."
tumango na lamang ako. ano naman kasing magagawa ko? maipilit din kasi eh.
naglakad kami papuntang clinic habang hawak hawak ko ang kabila kong braso.
BINABASA MO ANG
𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 ➴ liskook
Fanfictionliskook fanfiction. blacktan series #2. "buksan mo naman ang puso mo, para makapasok naman ako doon." "kalokohan toh."