coby jjang's pov
oh shit. nagriring ang phone ko.
malamang sina andrei toh.
lumapit ako sa aking phone at tinignan kung sino ang tumawag.
mali pala ako.
si layla ito.
ayoko syang sagutin, pero pag di ko sya sinagot guguluhin nya lang ako.
"hi coby."
"what do you what?"
tumawa muna ito bago sumagot.
"didiretsuhin na kita ah."
"mabuti nga. para umikli na ang usapan, lalo na't hindi ito importante."
"miss mo na si vivien noh?" natatawa nitong tanong.
nagulat ako sa sinabi nya. pano nya nakilala si vivien?
"h- how did you——"
tumawa ito ng malakas.
"ofcourse, alam kilala ko sya. simula nung naging kayo tsaka ko nalaman. alam ko lahat ng nangyari sa kanya. and guess what? buhay sya."
naguguluhan ako sa sinabi nya. imposibleng buhay si vivien.
kasama ko pa sya nung nangyari ang aksidente.
"ingat ingat din kase, jjang. malay mo nasa paligid mo lang sya." kunwaring concerned na aniya.
"hindi ko alam ang sinasabi mo. stop this nonsense."
"tsk tsk, jjang naman eh. kung alam mo lang talaga ang nangyari."
binaba na nito ang call.
bakit nya yun sinabi?
trip nya lang, ganon?
imposible naman.
hindi ganun si layla. loka loka man yun, hindi yun nagiisip ng ganun para may mapagtrip-an lang.
pero pano? kung buhay nga si vivien,
sino sya at ano na ang pagkatao nya?
BINABASA MO ANG
𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 ➴ liskook
Fanficliskook fanfiction. blacktan series #2. "buksan mo naman ang puso mo, para makapasok naman ako doon." "kalokohan toh."