70

209 12 3
                                    

alyssa liu's pov

palabas na kami ni coby ng clinic. medyo nagiging okay na ang sitwasyon hindi na ito awkward tulad ng papunta kami ng clinic kanina.

"hindi ko alam na... ganun ka pala katapang.." bigla nalang aniya ni coby

"tss.. ayun ba? mas marami pa kong kayang gawin bukod don." mayabang na sambit ko

"weh? may kaya ka pang gawin? ano naman?"

"edi ang mahalin ka."

putangina. anong nasa isip ko? bakit bigla ko nalang yun nasabi? hayst, iniiwasan na nga yung tao pero ako din pala ang di makakaiwas.

"ano?"

"haha, uhm.. wala."

hindi na namin napansin na nadala na pala kami ng aming mga paa sa school garden.

uupo na sana kami sa bench nang may marinig kaming sumisigaw malapit sa pinaka main building ng campus.

hindi ko alam kung bakit pero tinakbo ko iyon para lang marinig ang sinasabi nung boses. sinundan ako ni coby.

nang matanaw ko, naghihisterical si layla doon. kuhang kuha na ni layla ang atensyon ng lahat ng tao.

"wag kayong magpapauto doon!"

yun lang ang naabutan kong sinasabi nya.

"ayan oh! ayan sya! ang nagiisang alyssa liu! porket naglalaslas yan, wag kayong magpapauuto dyan! nagpapaawa lang yan. gusto din kasi nyang makuha ang atensyon nyo. kaya sinasabihan ko lang kayo para alam nyo na."

nakakapikon na. ano bang problema nya at ginagawa nya to saakin?

sa sobrang galit nilapitan ko sya at muling sinampal.

"ano ba, layla?! kailan ka titigil? kapag bumaliktad na ang mga pinagsasasabi mo?! wag kang magalala kasi mangyayari na yon!"

"ah, sige nga. sabihin mo, pano maibabaliktad ang katotohanan?" pasigaw na tanong nito.

"kung akala mong panalo ka na dahil napaniwala mo na ang mga tao, edi sige. pagbibigyan kita. panalo ka na. pero tandaan mo, ikaw ang nagsimula ng larong ito. may round 2 pa. at... naguumpisa na ang round 2. kaya kabahan ka na." mahina pero rinig na rinig ng mga taong sambit ko.

"ako pa ang kakabahan? eh andito lang ang sikreto mo oh? kahit anong oras, pwede ko itong ilabas." nakangising sabi habang hawak hawak ang wallet ko na pinapakita nya pa saakin.

paano? hindi pwede! masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan ko! at tuluyan nang lalayo si coby saakin kung malalaman nya ang sikretong tinatago ko!

 𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭  ➴ liskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon