74

204 9 0
                                    

alyssa liu's pov

nakapunta na rin ako sa bahay ni layla. at biruin mo, tinakbo ko lang mula sa bahay ko mula rito.

nagdoorbell ako.

di ako nakuntentong isang beses lang pindutin ang doorbell. pinaulit ulit ko ito at kumatok pa sa pinto.

binuksan naman nya ito.

"and who the hell is—— oh, hi alyssa. you missed me?" nagbibirong aniya.

"wag na wag mong ibubuking sa mga kaibigan ko ang katotohanan!"

tumawa muna ito bago sumagot.

"and why would i? ikaw ang nagsimula nito diba? intensyon mo talaga silang lokohin, paikutin, at utuin! tutulungan ko na nga lang sila para di sila mag mukhang tanga sa mga pinagsasasabi mo tas ikaw pa ang magrereklamo?" sarkastikong aniya.

medyo natawa pa ko sa narinig ko.

"tigil tigilan mo nga ko layla. hah, tutulungan? coming from you ah. hindi ka naman superhero para magpakadakila! at isa pa, wag mong ipilit baguhin ang iyong ugali. hindi na mababago yan. habang buhay na yang walang——"

natigil ako nang isang sampal ang naabot ko mula sa kanya.

lumingon ako sa kanya at ngumisi na para bang walang nangyari.

"sige lang sabihin mo kung ano ang gusto mo. hindi din naman ako magdadalawang isip na hindi ituloy ang pagbubunyag ng sikreto mo."

natigilan ulit ako.

"alam mo bang... inis na inis na ko sayo? pasalamat ka ngang pinagbibigyan pa kita eh, pero pag di nako nakapagtimpi.. edi sorry nalang."

"ah, inis na inis ka? sige lang. wala ka din namang magagawa eh. sige! ipakita mo! ano ang kaya mong gawin? wala diba? duwag. ka. kase." sabi nito habang lumalapit sa mukha ko at tumatalas ang mga mata.

ito ang kahinaan ko, at alam nya yon. ang mga kakaiba nyang titig. hindi ko talaga na mapigilan ang sarili ko, bukod sa nalalaswaan ako, kinikilabutan ako.

"sige, ngayon mo ipakita ang tapang mo! ano ba kaya mong gawin? ha?!"

pinagtututulak nya ko hanggang sa makalayo kami sa pinto ng bahay nya at dun ako na-corner sa gate nya.

onti onti nang tumutulo ang luha ko.

ang malas nga naman! bakit kung kelan hindi ko dapat ipakita na naduduwag ako tsaka ito lalabas?

aktong sasampalin na nya ko kaso napigilan ko ko ang kamay nya at diniinan ang pagkahawak nito.

"how dare you!"

akto namang sasampalin ako ni layla gamit naman ang kabilang kamay nito. hindi ko ito nahawakan kaya sasampalin na nya siguro talaga ako.

pero nagkamali ako. may pumigil sa kanya.

si ate valerie.

"tignan natin ang galing mo! subukan mong hawakan ang kapatid ko at ako ang makakaharap mo!" pagbabanta ni ate.

"a- ate valerie?"

halos mahulog ang panga ko. pano nya nakilala ang ate ko?

 𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭  ➴ liskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon