alyssa liu's pov
tinignan ko si ate na seryosong nagbabasa.
"ate natatakot ako." tugon ko.
"natatakot na ano? na malaman nila na may tinatago ka sa kanila?" sabi nito na wala man lang karea-reaksyon na hindi maalis ang mata sa binabasa.
"eh kase, di lang naman si coby ang masasaktan dito. pati na rin sila allison kasama dito."
"bakit ka ba kasi nagdesisyon na itago nalang ito?"
"kase ito ang makakabuti. kung magiging tahimik ako, hindi na ako pagkakaguluhan. at wala na ring issue."
"ah, so selfish ka pala. nakakabuti kasi ang desisyon mo para lang sayo. hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ng iba." simple pero may diin na aniya.
"hindi naman kasi yun ang gusto kong ipalabas, ate. wala nang oras para pagbintangan ako. tulungan mo nalang akong makuha ang wallet ko! di bale na ang pera don, basta yung id kailangan kong makuha!"
"ang masasabi ko lang, kuhanin mo kay layla. yun lang naman magagawa mo."
"ano?! hindi naman ganon kadali yon noh!"
"kung ayaw mo edi ibigay mo na si coby sa kanya. kapalit nang id na tinatago mo."
"di ko din yun kayang gawin ate!"
"akala ko ba wala ka nang nararamdaman para sa kanya? eh bakit hindi mo sya kayang sukuan?"
"kase hindi parin ako sigurado sa kung ano ang nararamdaman ko!"
natigilan kaming dalawa nang mabingi kami sa katahimikan.
"aalis na muna ako." pagpapaalam ko.
"uyy, teka! san ka pupunta?" pagpipigil nito saakin.
"pupuntahan ko si layla."
"hindi ka pa sigurado kung tama ang gagawin mo! dito ka lang!"
hinayaan ko na si ate, lumabas na ako at umalis.
+
jung somin as valerie liu
BINABASA MO ANG
𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 ➴ liskook
Fanficliskook fanfiction. blacktan series #2. "buksan mo naman ang puso mo, para makapasok naman ako doon." "kalokohan toh."