alyssa liu's pov
"nagugutom na ko." sabi ko habang hinahawakan tiyan ko.
"edi kainin mo ko." biro ni coby pero seryoso ang mukha
"inamo" naaasar na sagot ko.
tinitigan ko si coby. simula nung sinigawan ko sya dahil ang lakas ng tulak nya sakin sa swing, parang may iniisip sya.
"ano ba yang iniisip mo?" tanong ko dito.
"ah, wala. gusto mo bang kumain?" pagiiba nito ng topic.
"oo, ikaw gusto mo din bang kumain?"
"sige."
"dyan ka lang ah, ako na bibili. treat ko na."
ngumiti na lamang ito.
naglakad na ko at pumunta sa bilihan ng cotton candy.
coby jjang's pov
ang tagal naman ni alyssa. gusto ko na kumain eh.
nakaupo lang ako sa swing at tinignan ang bag ni lyssa na nasa sahig.
"di pa talaga marunong magsara ng bag."
isasara ko na sana ang bag nito kaso na-interesado akong tignan ang nasa loob nito.
may pouch ito sa loob.
kinuha ko ito at tinignan ang nasa loob nito.
nanlaki ang mga mata ko.
nahulog ko ang pouch ni lyssa, nabasag pa ang salamin na nasa loob nito.
bakit andito yung id ni vivien?
"coby! bakit mo pinakikialaman ang gamit k——"
alyssa liu's pov
natigilan ako. hawak hawak ni coby ang id ni vivien.
"bakit andito ang id ni vivien?"
tumulo ang luha ko.
"sumagot ka."
"ayokong malaman mo."
"bakit? ano ba kasing nalalaman mo tungkol kay vivien?"
"marami. mas marami pa sa nalalaman mo tungkol sa kanya."
pinunasan ko ang luha ko.
inabot ko sa kanya yung cotton candy. ayaw nya itong kunin kaya kinuha ko nalang ang kamay nya at nilagay dito ang pagkain.
kinuha ko ang pouch ko at nilagay sa bag at binato ko ang nabasag kong salamin.
"im sorry." pabulong pero sigurado akong narinig ni coby ang sinabi ko.
tinignan ko muna sya at tsaka umalis.
a/n
happy new year !! goodluck sa 2020. huhu di pa nga ko ready mag 2020 eh HAHAHA pano kase ang daming memories na maiiwan na di na pwedeng balikan.
BINABASA MO ANG
𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 ➴ liskook
Fanfictionliskook fanfiction. blacktan series #2. "buksan mo naman ang puso mo, para makapasok naman ako doon." "kalokohan toh."