alyssa's pov
pagkapasok ko ng classroom pumunta na ko sa upuan ko, binaba ang bag ko at umupo na sa silya.
iniisip kong mabuti kung pano sasabihin kay coby ang lahat ng hindi sya nasasaktan.
inshort, pinapractice ko sa utak ko ang sasabihin ko sa kanya.
"huy! lyssa!" tawag ni allison.
"huh? anoyon? sorry.."
"ano ba yang nasa isip mo at bakit parang napaka lalim ng iniisip mo, ha?" pagtatanong ni bella.
"ah, wala lang. inaantok lang ako.. ano ba yung pinaguusapan nyo?"
"well, baka gusto mong sumama samin ni bella na magshopping. sumama ka na! tutal, kakasabi mo lang sakin nung nakaraan na wala ka nang maisuot." pagaaya sakin ni alli.
"uhm.. sorry, m-may plano kasi ako mamaya." pagrarason ko.
"tsk, sayang!" sabi ni bella.
nagsimula na ang klase at para din namang walang klase dahil hindi ako nakikinig at patuloy parin ang pagsulat ko sa papel ng mga sasabihin kay coby. ayokong ma-misunderstood nya ang sasabihin ko kaya dapat tama lang ang pagkakasabi ko.
natapos ang klase nang hindi ko man lang namalayan. nag paalam na saakin si alli at bella at tinanong pa ko kung may ipapabili ako.
inayos ko muna ang mga gamit ko at saka tumayo at sinukbit ang bag ko.
napaswerte ako dahil nandun parin si coby, nagaayos ng gamit. actually kami nalang ang nasa loob ng room.
lumapit ako sa kanya.
"uhm.. coby, pwede ba tayong magusap sa rooftop?"
"s-sige, mauna ka na don. magaayos pa kasi ako ng gamit."
tumango na lamang ako. taena. ganun ba sya kabagal magayos ng gamit at kailangang mauna na talaga ako?
BINABASA MO ANG
𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 ➴ liskook
Fanficliskook fanfiction. blacktan series #2. "buksan mo naman ang puso mo, para makapasok naman ako doon." "kalokohan toh."