coby jjang's pov
papasok na ko sa kyung hee university.
hanggang ngayon iniisip ko ang sinasabi ni layla.
"alam ko lahat ng nangyari sa kanya. and guess what, buhay sya."
"tsk, imposible." biglang sabi ko sa sarili ko.
"kausap mu?" panggugulo ni andrei.
"wag ka na ngang mangialam! at tsaka, bat di mo kasama si mark?"
"tss, nag first move na. kinausap na din si bella. eh alangan namang magstay ako don? ano ako, third wheel? pft, may allison ako noh!"
natawa lamang ako.
"hey coby!" sabat ni layla na patungo saamin.
"psh, ayan nanaman! maiwan ko na nga kayo! hayst!" naiiritang sambit ni andrei.
pinanuod ko muna sya bago magsalita kay layla.
"ano nanaman kailangan mo?" panimula ko.
"hindi ako ang may kailangan sayo. ikaw. ang may kailangan saakin."
tinuro nya ako.
"what?"
"i confirmed it already. i know where's vivien." nakangising aniya.
"where? sabihin mo sakin!"
"oops. sorry, pero ako lang muna ang dapat makaalam. tsaka ayoko din kitang makitang masaktan. mas mabuti na to."
kunwari pa talagang nagaalala saakin si layla.
"fuck! sa tingin mo ba mas makakabuti na mambibitin ka lang? mas masasaktan ako kung malalaman ko na buhay sya at hindi ko man lang syang nagawang kausapin pagkatapos ng lahat!"
sa sobrang inis ko ay inalog ko ang balikat nya habang sinasabi ang mga yon.
"woah, coby. chill. calm down."
tinanggal nya ang mga kamay ko sa balikat nya.
"don't worry. di kita bibitinin. malalaman mo din. pero di muna ngayon." nakangisi ulit na aniya.
tumalikod na si layla at umalis.
———————
sana ol nakita si iu :( -jinyorayt
BINABASA MO ANG
𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 ➴ liskook
Fanfictionliskook fanfiction. blacktan series #2. "buksan mo naman ang puso mo, para makapasok naman ako doon." "kalokohan toh."