————— alyssa liu's pov —————
naramdaman kong bumukas ang pinto. napatingin ako at nakita si coby. alalang alala ang mga mata nito.
"are you okay? what happened?" tanong nito.
"uhmm, maiwan muna namin kayo." sabi ni alli habang hinahatak si cassie.
"uhm, wala ito. siguro sa sobrang pagod lang."
"you need to rest. ingatan mo naman ang sarili mo."
tumayo ako sa kinauupuan ko.
"ano bang karapatan mo?!" naiinis kong tanong.
hindi na ako makapagtimpi. naiinis na ako sa inaasal nya.
tama naman yung tanong ko diba? ano namang karapatan nyang magalala eh wala naman kami?
parang natawa pa ito.
"sino ba namang hindi mababahala kung ma-"
"wala akong pake! sagutin mo nalang ako! bakit mo ba ginagawa saakin ito?! anong karapatan mo?!"
napatigil sya.
"a- alyssa,"
"please, layuan mo na ko."
tumulo ang mga luha ko habang sinasabi ang mga iyon.
"wag mo na kong lalapitan kahit kailan. ito na ang huli nating pagkikita."
tumingin ako sa kanya. may mga luha ang mata nya. halatang pinipigilan nya ang mga luha. napayuko nalang ako kasi mas naiiyak ako.
"lyssa, eh ikaw?"
napatingin ulit ako sa kanya.
"bakit mo din ginagawa saakin toh? alam mo ba na nagiging selfish ka na? hindi-"
"oo na! selfish ako. oh ano?! masaya ka na?! yun naman talaga ang gusto mong marinig sakin diba?!"
naiinis talaga ako. bakit ba kasi sya umiiyak? tsaka isa pa, hindi naman mangyayari to kung hindi nya ko binisita.
"hindi mo naman kasi ako naiintindihan!"
"sige nga! ano ang hindi ko naiintin-"
"mahal nga kita!"
gusto kong umiyak. mas lalo pa kong napaluha nung ngumiti sya ng mapait.
"please, wag mo na gawin sakin to. ako naman ang masasaktan kung pipigilan mo ako. mahal kita at gusto ko yon ipagsigawan sa buong mundo!"
ako naman ang ngumiti ng mapait.
nilapitan ko sya. gusto ko syang yakapin. gusto kong mapunta sya sakin. saakin lang.
pero kailangan ko parin gawin ang tama.
huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"na- naiintindihan naman kita,"
napangiti sya sa sinabi ko.
"kaso mali eh. hindi ito tama. kaya wag mo na kong kakausapin o lalapitan. gawin nalang natin ang makabubuti para saatin."
niyakap nya ako ng mahigpit.
"it will be always you. i love you, alyssa liu"
BINABASA MO ANG
𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐮𝐩 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 ➴ liskook
Fanficliskook fanfiction. blacktan series #2. "buksan mo naman ang puso mo, para makapasok naman ako doon." "kalokohan toh."