Mile POV
Last day na namin ngayon dito sa Bataan, haaaay napakabilis ng araw. Sabi nga nila ganun daw talaga pag nag-eenjoy ka sa mga nangyayari ang bilis lumilipas. Maaga kaming gumising ngayon para puntahan ang mga sikat na tourist spot dito sa Bataan bago bumalik sa Manila. Sa tingin ko nag-enjoy din naman ang buong barkada dito sa resthouse.
“haist grabe ayoko pang umalis dito” sabi ni Mint habang inaayos na yung gamit niya. “pwede naman maiwan ka muna dito, mauna na muna kami ganun” sagot ni Eann. Natawa naman kami pareho ni Bliss sa usapan nung dalawa. “naku,masyado mo naman inenjoy yung 3days freedom sa parents mo” I smiled. “yeah right, extend pa please” nagmamakaawang sabi ni Mint. “ano bang akala mo sa resthouse nila Mile, computer shop?” hindi talaga nauubusan sa pambabara tong si Eann.
“haaay ilang weeks nalang balik school nanaman tayo, hello hell week and hello work nanaman” tila bitin din tong si Bliss sa bakasyon namin. They are right 3 days is not enough para sa pagbobonding namin, we surely missed each other’s company. Dinig naman sa kabilang kwarto ang kulitan ng boys na inienjoy parin ang bakasyon namin. Maya-maya ay kumatok na si manang Lea.
“Mile bumaba na kayo at makakain na muna bago bumyahe” pag-aaya sa amin ni Manang na bakas ang lungkot dahil sa pag-alis namin. Sa tatlong araw ay tila nagkaroon ng kakaibang saya itong bahay ng dahil sa barkada, at sa pag-alis namin ay sila lang ulit ang nandito ni kuya Joe. “Sige po Manang sunod napo kami” .. “sige dalian niyo at masamang pag-antayin ang grasya” tumango lang ako kay manang at tuluyan na siyang bumababa ng hagdan.
Pumunta ako sa kabilang kwarto para tawagin ang mga lalake. Bukas naman yung pinto kaya tumuloy na ko, naabutan ko silang nag-aayos ng gamit except for Bogs na tulog pa. “tara na guys kaen na muna”.
“grabe kulang yung tatlong araw para sa bonding, pwede bang mag-extend Mile” sabi ni Clyde. Aba iwan ko kaya silang dalawa dito ni Mint pareho ng gusto eh. “osige Clyde samahan mo si Mint dito gusto din mag-extend nun eh” napangiti lang si Clyde. “Wow pre nagkakasundo sa gusto ah, meant to be” toinks natawa naman ako sa sinabi ni Jhommy nagkasundo lang meant to be agad.
“ahhh Mile sasamahan ba tayo ni Kuya Joe pagpunta sa Mt. Samat?” tanong ni Jigs. “oo, kasi kung hindi di tayo makakarating dun” mejo natawa naman ako sa sagot ko. Si kuya Joe kasi ang magiging tour guide namin. “Okay okay sige guys baba lang ako hah check ko lang yung sasakyan” naamoy ko yung pabango ni Jigs nung napadaan siya harap ko pag labas niya ng pinto, ohmygee at kelan pa ako nagkaron ng ganitong thoughts so perv.
“uy gisingin niyo na yan si Bogs ng makakain na” tumango naman sila at bumaba na ko.
Pagkatapos namin kumain ay isinakay na ang lahat ng gamit naming sa sasakyan at nagpaalam na k okay manang haaaay I really hate saying goodbye. Altough I’m thankful kasi dito sa Bataan yung napili naming place magbakasyon I got the chance para makita at makasama ulit sila Manang Lea. “Manang thankyou sa pag-aalaga samin ng tatlong araw mamimis ko kayo manang” I hugged Manang Lea and I can feel the sadness on her.
“Mamimis din kita Mile, sana sa susunod na pagbalik mo ay kasama mo na ang mama mo” she said while hugging me. “Sige po Manang mag-iingat ho kayo dito” .. “tara na Mile at baka magkaiyakan pa kayo ni Inang” pagbibiro ni Kuya Joe kumalas na ko sa pagkakayakap kay Manang at sumakay na ng sasakyan. Nagthankyou na din ang barkada kay Manang at tuluyan na kaming umalis. Kita ko mula sa salamin ang pagkaway samin ni Manang.
Til’ next time Bataan.
……….
![](https://img.wattpad.com/cover/25656132-288-k330418.jpg)
YOU ARE READING
Friends over matter
RandomFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.