Eann POV
Message from: Panets :)
"panets, kita nalang tayo sa school ha. Dadaan pa kasi ako sa shop eh. See yeah"
Ayun mag-isa akong bumabyahe ngayon papuntang school, kadalasan kasi ay lagi kaming sabay ng bestfriend kong hobby ang pag ngiti. Ilang araw na din ang nakalipas nung magsimula na ulit ang pasukan. Buti na lang hindi pa masyadong harsh yung mga instructor sa pag bibigay ng mga assessments."Boi! Ang aga pumasok ah" bungad sakin ni Nhikko. "Ah oo hindi na ako dumaan kila Mile eh" sabay upo ko sa bakanteng upuan sa tabi niya. "ganun bakit naman?" tanong niya. "Dadaan daw siya sa shop kaya ayun, dameng tanong boi!" sagot ko. "Eto naman nagtatanong lang eh" ang aga-aga gitara na naman hawak netong taong to.
Nag soundtrip lang ako habang naghihintay ng instructor namin sa first subject, tulad ng bestfriend ko pareho kaming mahilig makinig ng music, yung tipong naka-full blast yung volume kahit naka headset. Nang maramdaman ko ang pagsiko ni Nhikko saken.
"Oh bakit ?" tinanggal ko muna yung isa sa mga nakaka-kabit sa tenga ko. "taeng yan kanina pa ko nagsasalita dito di ka pala nakikinig" malay ko ba, taeng to kitang may nakakabit sa tenga ko eh. "Ano ba yun boi?" tanong ko.
"Sabi ko, buti nalang naging successful yung surprise ni Clyde kay Mint kahapon" tuluyan ko ng tinanggal yung headset ko. "Ah oo nga eh, napakasweet nun tsaka pareho naman nilang gusto yung isa't isa eh kaya ayun" sagot ko sa kanya.
"Ikaw boi, pag may gumawa sayo ng ganun ano kayang mararamdaman mo?" ako pa talaga tinanung niya ng ganun ah, bahagya naman akong napa-isip sa tanong niya. "hmmm mejo baduy yung ganun pero effort yun boi kaya siguro matutuwa na din ako" hindi pa naman ako nagkakaboyfriend eh kaya siguro hindi ko rin talaga alam kung anong mararamdaman ko if ever.
"Kaso boi, matatakot yung mga manliligaw sayo baka hamunin mo ng suntukan eh" sira ulo tong si Nhikko, sabi nila mejo boyish daw kasi akong kumilos kaya ganun. "Loko magkakaboyfriend din ako noh!" ang agang mang asar netong mokong na to. "Ikaw nga tong laging busted eh, sablay ka kasi dumiskarte boi" ganting pang-aasar ko.
"Yabang mo naman boi, tsaka isang beses pa lang ako nabubusted noh tsaka hindi naman seryoso yun" sagot niya. May niligawan kasi tong si Nhikko nung highschool kami, hindi seryoso kasi parang naging dare lang nila Bogs yun. "Eh si Alyssa, diba ginawan mo pa ng kanta yun?" si Alyssa na first crush niya nung highschool kami.
"Baliw hindi naman para sa kanya yung song na yun" depensa niya. "Eh para kanino" inagaw ko yung gitarang hawak niya. "Basta, akin na nga yan dami mong tanong" sabay agaw niya sa gitara. Hindi talaga nagwawagi tong si Nhikko tuwing mag-aasaran kami eh. Pogi naman si Nhikko pero hindi siya mahilig manligaw dagdag mo pa ang talent niya sa pagigitara hindi ko nga alam bakit hindi pa to' nagkakagirlfriend eh.
Ilang sandali pa at dumating na si Ms. Nieves, "Good Morning everyone, seems like a good day huh" buti nalang talaga si Ms. Nieve yung first subject namin eh, bukod sa maaliwalas ang mukha eh nakaka-good vibes yung mga ngiti niya.
"I'm sure you are aware of the coming Accountancy week, I am expecting that all of you will be active in participating the contest, in line with that i will be giving huge incentives to those who will participate, at hindi ako papayag na hindi manggagaling sa class na 'to ang susunod na Ms. Accounting" ayan na yung mga activities ng University. Bakas sa mukha ni Ms. Nieves ang excitement sa darating na Accountancy Week.
"Okay class sa tingin niyo sino kaya ang pwedeng maging participant natin?" tanong niya habang inililibot ang mata sa buong klase. I'm sure hindi ako mapipili ni Miss alam kasi niyang minsan mas lalake pa ko kumilos sa class president namin na si Florentino na my identity crisis.
YOU ARE READING
Friends over matter
RandomFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.