Chapter 10: Crush Zone

20 0 0
                                    

Mile POV

Grabe sobrang dami ng pinamili nila Jigs yung totoo parang pang isang linggo na ata yung binili nila. Nakabalik na kami from convenient store. Puro beer and junk foods ang binili nila. Ang gentleman naman neto ni Red siya pa kasi ang nagbukas ng pinti ng sasakyan para makababa ako.

"Thanks" I said while smiling to him. Ngumiti lang din siya at kinuha  na nila ni Jigs ang mga binili. Nagtulungan na kaming tatlo para maiakyat na lahat ng pinamili tumulong narin ang kasambahay nila.

"wow ang dami, yung totoo pre ilang araw kami dito?" namamanghang sabi ni Eann nang makita niya yung mga pinamili namin.  "kay Bogs palang kulang na yan" tugon ni Jigs.
"parang sinabi mo namang matakaw ako pre" pagtutol ni Bogs.

Natawa lang kami sa sagot niya. Agad naman namin sinimulan ang inuman. Lahat kami ay may hawak na bote, buti nalang may flavored beer na binili tong sila Jigs. Nagkakantahan na din kami, ang sarap  lang makitang masaya kami kapag magkakasama.

Inabutan ako ng isa pang bote ng beer ni Red nung mapansin niyang ubos na yung iniinom ko. "Thanks Red, nag-eenjoy ka ba na kasama kami?" tanong ko sa kanya. I stared on his face magkamukha talaga sila ni Jigs parehong gwapo. "yes ofcourse, it's nice to be with you all" he answered then he drink his beer.

"Guys pakinggang niyo kakanta si Jigs" sigaw ni Jhommy.

Napatingin ako and nakitang hawak ni Jigs ang mic.
Ngiti by: Ronnie Liang, bihira kasing kumanta tong si Jigs sa videoke. Naghiyawan naman ang buong barkada nung simula ng kumanta si Jigs.

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Nakakatuwa lang kasi damang dama ni Jigs ang pagkanta may papikit-pikit pang nalalaman eh. Kaya naman di ko matanggal yung ngiti habang pinapanuod siyang kumanta. "Panets tignan mo parang ikaw yung kinakantahan ni Jigs" bulong sakin ni Eann. "Baliw" sagot ko sa pang-aasar niya. 

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin


"ahsus, kinikilig kana naman" dagdag na pang-aasar nitong besftriend ko. Pero infairness nakakakilig naman kasi talagang panuorin tong gwapong nilalang na kumakanta. Nakangiti lang ako hanggang sa matapos sa pagkanta etong si Jigger. Nagpalakpakan naman kaming lahat ng matapos na siyang kumanta.

"Hanep pre kakaumpisa lang natin, mukhang may tama ka na ah" banat ni Bogs kay Jigs. Tinawanan lang ni Jigs ang sinabi ni Bogs sabay inom sa bote ng beer na hawak niya. Tuloy tuloy lang ang kasiyahan ng barkada, sa dami ng beer na binili ni Jigs ay hindi namin alam kung paano uubusin.

Nag-eenjoy lang din akong panuorin silang kumakanta na pinapangunahan ng bestfriend ko at ni Nhikko, sa amin sila kasi ang may pinakatalent sa pagkanta.

Nasa tabi ko parin si Red na tila nag-eenjoy talaga sa company namin.

"Ang lagay eh kami lang ba ang kakanta dito at manunuod ka nalang jan Panets" ayan na naman si Eann. As usual ngumiti lang ako, "Yeah, kanta ka din Mile I wanna hear your voice" sagot naman netong katabi ko. "Oo nga, madaya ka Mile late ka na nga di ka pa kakanta" dagdag na panunuya ni Bogs. 

"May issue ka talaga sa pagiging late ko Bogs ah" sagot ko. "Kanta na kasi" sabay abot sa akin ni Jigs ng mic. Hindi naman kasi ako magaling kumanta eh, pero barkada ko naman yung mga kasama ko kaya go na.

Two become one by: Spice Girls

Candle light and soul forever
A dream of you and me together
Say you believe it, say you believe it

Free your mind of doubt and danger
Be for real, don't be a stranger
We can achieve it, we can achieve it

Come a little bit closer
Baby, get it on, get it on
'Cause tonight is the night when 2 become 1

 Natapos ko din yung kanta and ayun naghihiyawan din sila, matagal na kaming magkakaibigan pero nakaramdam ako bigla ng hiya. Mejo nararamdaman ko na rin ang tama ng beer.

"Wow nice voice" sabi ni Red pagkatapos kong kumanta. Lasing na ata tong katabi ko kaya akala niya maganda boses ko. "Uy grabe, nang-asar kapa alam ko namang pang CR lang tong boses ko" pagbibiro ko sa kanya. "No, honestly that's good"  nakangiting sabi niya.  "Hmm thanks anyway".

Maya-maya ay nag-aya ng maunang umuwi si Mint, siguro tinitext na siya ni Tita Gloria para umuwi. Hindi na bago sa amin na madalas nauunang umuwi si Mint dahil na din sa sobrang strict ng parents niya.

"Guys una na ako ha.. alam niyo na" pagpapaalam niya. "Oh teka hatid na kita" sagot ni Jigs since may auto siya na ang nagvolunteer para ihatid si Mint. "Ako na pre, sa tingin ko okay lang naman kay Mint na sumakay sa motor" singit naman ni Clyde. "ah,oh sige" pagsang-ayon ni Mint.

 Mukhang hindi na sila naiilang sa isa't-isa simula kasi nung nagbreak sila ay bihira na namin silang makitang mag-usap. Kanina habang umiinom ay kumportable na silang nagbibiruan.

Hinatid na sila ni Jigs hanggang sa makalabas ng bahay.

Naiwan naman kami sa loob ng entertainment room. Tuloy tuloy parin ang inuman at kantahan. Ngayon ay kumakanta na si Red duet pa sila ni Bogs, nakakatuwa silang panuorin sa kulit.

Agad namang nakabalik si Jigs ng ihatid niya sa labas sila Mint. Umupo siya sa tabi ko at sumandal sa couch na inuupuan namin, "Parang ang layo naman ng pinaghatidan mo at mukhang napagod ka jan" nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at tinitigan ako, nailang naman ako bigla sa ginagawa niya. Kaya naman ginantihan ko din siya ng tingin, "Oh bakit Jigger? May dumi ba ko sa mukha?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Grabe ang ganda talaga ng ngiti mo Mile" nakaramdam ako ng kakaibang kilig sa sinabi niya. Ano ka ba Mile binibiro ka lang niyan, sabi ng killjoy kong konsensya.

"Baliw, para namang first time mong nakita akong ngumiti" sagot ko habang tinatago yung kilig na nararamdaman ko. "Kung hindi mo lang ako kaibigan nainlove na ako jan sa mga ngiti mo" sagot niya. Ohmgosh lasing na to, pero bakit bigla akong nakaramdam ng panghihinayang sa sinabi niya. Lasing lang yan Mile.

"ang lakas ng tama mo Jigs, cheers" sabay angat ko sa boteng hawak ko. Agad naman niyang pinagtama ang mga boteng hawak namin at sabay namin itong ininom. Eto ang naisip kong paraan para maiba yung usapan, baka kasi tamaan din ako ng espiritu ng alak at kung ano lang din ang masabi ko. 

Alas onse na ng gabi ng mag-aya na akong umuwi, agad naman silang sumang-ayon sa pag-aaya ko. Marami pa naman kasing next time at mejo may tama na rin ng alak.

Tinulungan na muna namin sila Jigs na mag-ayos ng E-room nila bago kami tuluyang bumaba. 

"Oy guys, I know there's always a next time pero salamat ah" sabi ni Jigs habang pababa kami. "Yeah thanks guys" dagdag ni Red na tipsy na rin habang nakaakbay sa pinsan.

"Salamat pre, kita kits next week sa enrollment" paalam ni Jhommy. Sumabay na si Bogs kay Jhommy sa motor. Kahit kelan talaga laging si Bogs ang lasing.

Nagvolunteer si Jigs na ihatid kami pero ako na mismo ang tumanggi kasi alam kong mejo tipsy na din siya kaya naman pumara nalang kami ng taxi.

Nauna ng sumakay ng taxi si Eann and Nhikko, "Jigs alis na kami thankyou ha see you next week.. Ang kulit mong malasing" sabi ko na hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi niya kanina. "Bye Red, see you" nagpaalam na ko sa dalawang gwapong nilalang sa harap ko na kahit namumula dahil sa tama ng alak eh talaga namang pogi pa rin.

"Take care, Goodnight Crush" sabi ni Red bago ako tuluyang sumakay sa taxi. Ohemgee what did he just say? Crush?.. Ang lakas talaga ng tama ng alak.

Friends over matterDove le storie prendono vita. Scoprilo ora