Chapter 13: A hint of jealousy

31 0 0
                                    

MILE POV

Message from: Panets.Eann

"Good morning panets, i'll be there in a minute" 


This is it bukas papasok na ulit kami sa school kaya naman mamimili kami ni Eann ng gamit ngayon elementary lang ang peg diba. Tinatamad pa ako bumangon kaya naman tamang unat lang ang ginagawa ko. Maya-maya dadating na yung bestfriend ko and ready na ko sa pagrarants niya saken dahil malamang paghihintayin ko nanaman siya.

Natigil ako sa pag-uunat ng marinig kong tumunog ang cellphone ko malamang si Eann na yan.

Message from: 0915xxxxxxx

GoodMorning :)

Napagtanto ko na mali yung inaasahan ko nung makita kong unknown number yung nagtext, hindi na akong nag-abalang nagreply pa siguro isa lang yun sa mga classmates ko and usually hindi talaga ako nagrereply sa unregistered number.

Bumangon na ako at dumirecho ng banyo para maligo dahil any moment eh nandto na yung bestfriend ko. 30 minutes din akong nagbabad ng banyo kadalasan ay isang oras talaga ang itinatagal ko sa loob ng cr. 

"ang tagaaaaal maligo" nagulat pa ako nung paglabas ko ng CR ay nasa loob na pala ng kwarto ko etong si Eann lagi talagang on time to kapag may usapan kami eh.

"Di naman masyado, excited ka naman mamili" sagot ko habang naghahanap ng susuotin ko sa closet. "nga pala kanina pa tumutunog yang cellphone mo" sabi niya habang naka-kumportableng nakahiga sa kama ko.

Agad agad kong tinignan yung cellphone ko para icheck kung sino yung nagtext. Still from unknown number at may ilang message din mula sa barkada. Tinignan ko yung message nung unknown number.

"keep smiling :) that makes you more pretty. Have a nice day beautiful"

Kahit wala akong idea kung kanino galing yung message, this somehow made me smile. "Uy sino ba yang nagtext at napapangiti ka pa jan" tanong ni Eann na himala hindi ako minamadali sa paggagayak.

"ah wala hindi ko nga alam kung sino yung nagtetext eh" binaba ko na yung cellphone ko para ituloy yung pag-aayos. "Patingin nga ng message" sabi niya at kinuha yung cellphone ko. Hindi naman ako kumontra sa pagkuha niya ng cellphone ko para basahin yung message ewan ko ba natural na ata samin dalawa ang pag-invade ng privacy ng isa't - isa.

"Hanep naman sa message to Panets, bongga sa pambobola ah" natatawang saad niya pagkatapos basahin yung message. I just smiled at tuloy tuloy lang sa pag-aayos. "tara na nga" pag-aaya ko sa kanya.

We took a cab hanggang makarating kami sa isang sikat na mall dito sa Quezon City. 

Pumasok kami sa isang book store para bumili ng ilang gamit namin para sa school. Pumunta ako sa books section habang busy pa sa pagpili si Eann ng binder na gusto niya. Grabe natatakam ako sa mga libro na nakikita ko bukod kasi sa kaadikan ko sa music eh sobrang book lover din ako.

"Hindi makapili?" napatingin ako ng marinig ko ang pamilyar na boses. "Uy Jigs, nandito ka anong ginagawa mo dito?" sabi ko. Ang pogi lang ng kaharap ko kahit ang simpleng white v-neck shirt at denim pants lang yung suot niya. 

"Bakit bawal na ba mamimili yung poging katulad ko dito?" mejo ang yabang ah. Ikaw na pogi Jigger.  "Grabe tinatanong ko lang, sino kasama mo?" tanong ko. "Si Red may binili lang susunod yun dito sa bookstore, grabe hindi man lang nag-aaya" nagtatampong saad ni Jigs.

"Kung hindi pa kami dumaan sa inyo hindi pa namin malalaman na nandito kayo" dagdag niya. Napangiti ako sa sinabi niya  haaay naku Jigs. "Hmm sorry na naaya lang din ako ni Eann" tugon ko then I smile.

Friends over matterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz