CLYDE POV
Ilang araw na rin nung magsimula ang klase, at consistent din ako sa pagsusuyo kay Mint my love ko. Tama ilang araw na rin akong nasasanay sa kakornihan ko, haaay naku buhay nga naman ng inlove. Totoo pa lang hindi biro ang mag mahal, yung tipong pag gising ko ng umaga siya agad yung pumapasok sa isip ko samantalang dati nakukuntento lang kami ng sa school lang nagkikita.
Ngayon hindi ako mapakali kapag hindi ko siya kasama, kapag hindi ako sure kung nakauwi na ba siya sa kanila. Bakit kasi hindi kami pareho ng oras ng pag-uwi eh, minsan naiisip ko kung normal pa tong nararamdaman ko sa kanya. Ang intense lang ng nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.
Nakakabahala lang kasi hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako sinasagot.
"Pre all set na para mamaya" sabi ni Jhommy. Buti nalang talaga andiyan tong mga kaibigan ko para tulungan ako sa surprise para kay Mint. Ngayon ko na kasi siya tatanungin kung pwede pa ba ulit maging kami, sana makamit ko na yung matamis niyang oo.
"Buti na lang nadaan sa pagpapacute ni Jhommy si Angela para payagan tayong gamitin yung court" dagdag ni Bogs. Si Angela ang head ng PE club dito sa University.
"That's good, thank you guys" nakangiting sambit ko sa kanila. Para kong gago daig ko pa babae kung kabahan.
Maya-maya ay dumating na sina Mile na dala yung pinabili kong bulaklak para kay Mint, maasahan talaga tong mga kaibigan ko. "Teka nasaan sila Nhikko?" tanong ko. Napaka-old school kasi netong pinaplano ko, harana ng pagmamahal. Ang baduy diba, pero ganun daw talaga kapag nagmamahal lahat ng kabaduyan alam.
"Ah kasama si Eann dun nalang daw tayo magkita mamaya sa court" sagot ni Mile na walang humpay ang ngiti. Nakakatuwa lang kasi pati sila ay naeexcite sa gagawin ko.
"Okay let's do this guys" hindi man ako sigurado dito sa gagawin ko, pero bahala na. Ano man maging resulta nito hind parin ako susuko.
Nakarating na kami dito sa court at agad agad nilang sinet-up para sa surprise ko kay Mint. Buti walang tao dito ngayon bukod sa amin, cancel din kasi ang basketball practice nila Jhommy dahil na din sa pakiusap ko.
Napupuno ngayon ng pink na baloons ang court at mga naka-spread na petals ng pink roses. Favorite color kasi ni Mint ang pink kaya ayan. Sana matuwa siya dito sa gagawin ko.
"Clyde be ready, nagtext si Bliss papunta na daw sila dito ni Mint" mas lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ni Mile. Pucha totoo ba to dinadaga ako, kaya ko to.
"Kaya mo yan pre wag kang kabahan" sigaw ni Bogs. Nakapwesto sila ngayon sa bench ng court, full support talaga lage ang barkada. This is it, pansit!
MINT POVKakasimula lang ng klase pero ang dami agad activities dagdag mo pa ang mga minor subject na nagpapaka major sa pagbibigay ng mga assesments. Myghaaaad! School works really sucks sometimes.
Tinignan ko yung cellphone ko para icheck kung may nagtext, uhm wala. Himala at walang text si Clyde, kadalasan kasi pag ganitong oras ay napupuno ang cellphone ko ng messages niya. Tulad ng mga tanong niya kung ano bang kinain ko nung breakfast, or kung nag lunch na ba ako, kung kamusta araw ko, kung nasaan ako at kung sino kasama ko.
Hindi ko pa siya sinasagot ulit ay nagpapaka-boyfriend na siya sa akin, na ni minsan ay hindi niya ginawa dati. Minsan nga naisip ko na baka sinapian lang siya ng nilalang na punong puno ng romantic bone sa katawan. Minsan baduy but I find it sweet, at oo inaamin ko kinikilig talaga ako.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Friends over matter
DiversosFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.