Eann POV
Last day na ngayon ng work shop ko na pinamumunuan ni Mint, kahit papano ay nasasanay na din ako mejo mahirap din palang magpakababae dagdag mo pa ang unlimited pang-aalaska nila Bogs saken. Grabe ano ba naman kasing klase ng nilalang na sumapi sa akin nung umagang yon at napapayag nila akong sumali sa contest ng kaartihan na ito.
"Very good Eann, let's do it again konting push pa" sabi ni Mint na may kasama pang palakpak na akala mo nagtagumpay siya sa plano niya. Nandito kami ngayon sa bahay nila panets, buti nalang may malawak silang space sa rooftop para pagpractisan ng tamang pagrampa woooh ang daming alam ni Mint.
Dahil sa sabado na ang contest at last day na ng work shop kumpleto ngayon ang barkada para asarin ako este suportahan pala. "1,2,3 walk straight chip up hands on waist and smile! nyaaaaaah Eann perfect!" tili ni Mint. Perfect ? ngiting aso nga ako eh paano ba naman kasi pagsuotin ba naman ako ng 6 inch na highheels and short shorts. Puro paltos na ako, limang araw ko na kaya itong suot, tamang work out din ako dahil sa my swimsuit portion pa.
"Oh guys mirienda muna" dumating si Mint na may dalang ilang pastries at ang paborito ng barkada, cheesecake. ''Okay take a break Ann" yun break na din, mas inuna kong umupo kesa sa kumain, "uy ano boi, kaya pa?" umupo sa tabi ko Nhikko. Tumango lang ako, sabay hubad sa suot kong heels "Boi ngiti naman jan nakukunsensya na ako dito eh, bakit kasi binully pa kitang sumali jan eh" dagdag niya.
Muntik na ako matawa sa facial expression niya eh, "Ayos lang boi, kering keri ko to dramo mo! tara baba na muna tayo para kumain" ngumiti na din ako at sumampa ako sa likod niya wala siyang nagawa kundi buhatin ako pababa.
"Nandito na ang soon to be beauty queen natin" sigaw ni Bliss nang makababa kami ni Nhikko. "tsss!" sagot ko sababy kuha ng slice ng cheesecake. "Giiiiiirl watch your diet" pagsaway ni Mint. Nalungkot ako ng maudlot ang pagsubo sa cheesecake, sinusumpa ko pagkatapos netong contest na to kakain ako ng isang kilong french fries, whole roll ng cheese cake at isang drum ng soda. siempre joke lang.
Hindi ko napigilan at sumubo ako ng isa, natawa ako sa evil look na binigay ni Mint "isang bite lang naman eh" hirit ko. "Guys diba may tsunami walk, tpos may cat walk ano yung sayo boi?" bumanat nanaman tong si Bogs. "Cobra boi, gusto mong cobrahin kita?!" sagot ko. Ang sarap talagang konyatan neto ni Bogs eh yung gumuguhit.
"Joke lang boi, ikaw naman uso kasi yung mga ganun" umilag siya nung kunwaring babatukan ko siya. "Bakit alam mo yung ganun pre? nagdududa na talaga kami sayo ah" sabi ni jhommy sabay hagis ng hawak niyang bola. "Baliw napanuod ko lang" paliwanag ni Bogs.
"Hanep pinanuod pa, tangena pre so gay" dagdag na pang-aasar ni Jigs. Tamang tawa lang kaming lahat eh, "Siguro kaya wala ka pang girlfriend no!" sabi ni Nhikko. "Red pare, friends tayo diba pagtanggol mo naman ako, nanchichiks nga tayo dun sa bar nung nakaraan diba,diba?" sabay kapit ni Bogs kay Red. Umiwas si Red sa pagkakahawak ni Bogs, "tsss don;t touch me" kunwaring nandidiri siya sa hawak ni Bogs.
Laughtrip yung mukha ni Bogs eh, mukhang nagmamakaawa. "hoy hoy hoy ang yayabang niyo ah pag walang girlfriend bading agad? mas bading yung ginawa ni Clyde'' agad siyang binatukan ni Mint. "Gago di kabadingan yun, pag mahal mo ginagawa mo lahat" sagot ni Clyde sabay yakap kay Mint, oo na sila na inlove ni Mint. ''ang sweeeeeeeeeet" sabi ko.
"Okay lang yan Bogs magkakagirlfriend ka din, tiwala lang" pag-aalo ni Mile sa kanya. "Buti pa si Mile mabait eh, eh kung tayo nalang kaya Mile" sabay akbay kay Panets "LOL, ASA!" nagduet pa yung magpinsan, yung totoo anong meron sa hirit ni Bogs. Pati si Panets nagulat sa sigaw ni Red at Jigs eh, "Duet pa? anong meron?" sabi ko.
"I mean asa naman tong si Bogs kay Mile, eh sira ulo yan eh'' paglilinaw ni Jigs. ''yeah yeah that's right" sagot naman ni Red. Hmmm if I know there's something beyond that reaction woooh ang ganda ng bestfriend ko.
"Ahhhhhhhhhhhh'' sagot naming lahat.
"Okay guys let's get back to work" sabi ni Mint. Ang bilis naman ng break "extend pa mga one hour" pagbibiro ko, parang computer shop lang eh nu. Wala akong nagawa kundi ang sumunod kailangan kong seryosohin to para naman manalo ako at matuwa sakin yung mga classmates ko pati narin si Ms.Nieves.
Rampa, rampa mooooooore rampa ang ginawa ko kasabay ni Mint, nakakaelib naman kasi talaga yung galing niya sa paglalakad at yung umaapaw niyang poise na wala ako, taeng yan.
After 3 hours natapos na din yung workshop ko with Mint the veteran, umuwi na ang iba mas pinili kong maiwan dito sa bahay nila Panets. "Woooh grabe nakakapagod, panets sa tingin mo mananalo ako?" tanong ko.
"Oo naman" sagot niya with a smile. "weehh talaga?" sabay patong ng paa ko sa sofa, parang bahay ko lang eh nu. "Ano ka ba, oo naman no! sigurado akong ikaw pinakamaganda sa lahat ng kasali dun no!" besfriend ko talaga to eh, hanep sa pagbibigay ng goodvibes. "kahit hindi mo pa nakita yung ibang kasali? kahit wala akong ka-poise poise? kahit para akong amazona?" tumabi siya sakin at pareho na kaming nakataas yung paa ngayon.
"Be positive nga Eann, tsaka sa galing ng mentor mong si Mint eh I'm sure nahawaan ka na nun ng beauty queen aura niya, panis lahat ng kalaban mo sayo. Kayang kaya mo yan!" napaka-positive talaga nitong bestfriend ko. "Baka naman pag hindi ako nanalo, maghahanap ka ng ibang bestfriend" ang emo ko na.
"Siraulo! Drama neto, hindi kita ipagpapalit noh baka nga pag ikaw na yung Ms. Accounting ng university makalimutan mo na ako" yung totoo pareho na kaming nag-eemo dito, mushy mushy moments lang.
"yan ang hindi mangyayari! ang drama na natin, tara panets labas tayo" matagal-tagal na din kasi nung gumimik kami, "sure sige, mamaya pa naman uwi ni mama pero teka saan?" tanong niya. "May tugtog sila Nhikko ngayon tara dun?" napapadalas na kasi yung gig nila Nhikko sa isang bar dito sa Quezon City, matagal niya na din kasi akong iniinvite para panuorin siya, maybe now is the right time. Take a break from any contest pressure.
Nakikinig lang ako ng music dito sa kwarto ni Mile habang hinihintay siyang matapos, after 1 hour natapos na din si Mile sa pag-aayos, napakatagal lang. "Ang tagal muntik na akong makatulog" sabi ko habang palabas kami ng gate nila. Ngumiti lang siya, lahat nalang dinadaan sa ngiti eh.
...
MILE POV
Nakarating na kami sa bar na tinutugtugan ni Nhikko, usual bar na madilim ang ambiance, ang daming makukulay na ilaw at may band set sa stage. Natanaw naman kami agad ni Nhikko ng makapasok kami sa loob, "sa wakas pinagbigyan din ako oh" bungad niya. Ngiting ngiti pa eh, "Oo naman kaya dapat galingan mo ah" sagot ko.
"Pag di mo gagalingan papababain kita diyan sa stage boi" sabi ni Eann. "baka naman mainlove ka pag napanuod mo ko" mayabang na tugon ni Nhikko, yung totoo Nhiks sino talaga yung naiinlove kanino. "Asa ka boi!" tinapik naman niya ng bahagya si Nhikko. ''Joke lang boi, nga pala tinext ko ang barkada sabi ko papunta kayo kaya ayun andiyan na sila maya-maya" sabi niya.
"ah okay, yun nga yung balak ko eh ang itext sila kaso naunahan mo na ako" sabi ko habang tumitingin ng pwede naming orderin. "Panets anong gusto mo? ay diet ka nga pala nu" sabi ko na may halong pang-aasar.
"Ako nag-aya kaya walang diet diet ngayon, akin na nga yan" sabay kuha sa menu na hawak ko. "Oh ayan na pala sila eh" napalingon ako, hanep f4 lang ang peg? yung tipong pagtapak nila ng bar ay napapalingon din ang ilang kababaihan sa loob with matching bulungan pa yun, feeling celebrity lang?.
"Oh kayo lang?" tanong ni Eann. "Oo boi, si Mint naman kasi alam niyo na hindi pinayagan kaya hindi na rin sumama si Clyde, si Bliss ayun may appointment daw siya sa client" paglalahad ni Jhommy. Ah kaya pala f4 yung peg nila, "mga pre punta na ako dun ha 15 mins nalang magsstart na kami enjoy enjoy" pagpapaalam ni Nhikko, tumango lang siya bilang sagot.
Naexcite naman ako sa pwede nilang kantahin, ako na music lover. "Uy!'' sabi ng katabi ko sabay kalabit sa tagiliran ko, "Oh bakit?" sagot ko, "Wala ang blooming mo" hanuuuuudaw yun? kinikilig ako. A compliment from Jigger,.
------------------------------
lame update po ba?, heheh bawi po next time thanks for reading. love you guys.
palike na din ng page ng FOM sa facebook.. :) friends over matter by: zheenzone
![](https://img.wattpad.com/cover/25656132-288-k330418.jpg)
YOU ARE READING
Friends over matter
RandomFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.