MINT POV
Ilang beses na akong paikot ikot sa higaan ko, pero kahit anong gawin ko si Clyde parin ang nasa isip ko, feeling ko kasi mali yung ginawa ko. Nangako kami sa isa't isa na magiging mas mature na kami ngayon, pero sa simpleng pagbabalik lang nung hindot na yun nagkagulo na agad kami.
Hindi ko man lang siya pinakinggan, nakita ko yung lubos na takot sa mata niya nung subukan niyang habulin yung sinasakyan ko kanina. Ayokong mauwi lang ulit sa wala 'tong bagong relasyon na sinisimulan namin.
I really love Clyde so much.
Buong araw ko siyang hindi nakita sa school and I miss him na, as in sobra sobra. Asan na ba si babe, ang tanga ko kasi hinayaan kong sirain nung malanding yun yung gabi namin ni Clyde.
Babe where are you na ba ? can we talk? :( text ko sa kanya.
Ilang minuto din akong nakatulala sa cellphone ko at hinihintay yung reply niya.
"hoooy girl, nakatulala ka na naman jan. Gaga ka naman kasi eh" sabi ni Bliss, oo na ako na gaga na nagpadalos dalos at basta basta na lang nag walk out sa event.
Tinignan ko lang siya at ibinalik muli ang atensyon sa pagtitig sa cellphone ko, mababaliw na ata ako kakaisip sa boyfriend ko. Buti nalang maagang nag dismiss si Mr. Leymor, na walang ibang ginawa kundi magpacute habang nag lelesson kaya naman sobrang active netong si Bliss.
Ilang sandali pa,
Babe Calling...
Napabulalas ako sa kinauupuan kong makita ko ang picture ni Clyde sa screen ng cellphone ko. Bahagya akong napatili bago ko sinagot yung tawag.
"omg babe, where are you. I'm sorry, I'm so..." bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay nagsalita na siya.
"Babe labas ka" sabi niya. Napaisip naman ako bigla kung bakit niya ako pinapalabas.
"Huh? bakit"
"Basta labas ka" muling sagot niya. Kaya naman kumaripas ako ng takbo palabas ng classroom namin, nagulat si Bliss kaya naman sinundan niya ako.
"Ow.my.ghaaaad" ang tanging naging reaction ni Bliss sa nakita.
Nagulat ako ng sobra sa nakita ko,may namumuo na ding luha sa mga mata ko. Si Clyde kasama sina Jhommy, Bogs, Red, Nhikko and Jigs nasa soccer field at may hawak na malaking malaking tarp saying:
YOU ARE THE ONE FOR ME BABE
IM SO SORRY, I LOVE YOU SO MUCH !
Parang sasabog yung puso ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Ibang-iba na talaga si Clyde ngayon, malayong malayo sa Clyde noon. Nabitawan ko yung hawak kong cellphone at napatakbo na sa field para puntahan si Clyde, wala na akong pakelam sa iphone kong nahulog coz' Im sure si Bliss na bahala dun.
Nang makalapit ako sa kanya ay bigla ko siyang niyakap, agad naman niyang tinugon ang yakap ko at mas hinigpitan niya pa ang pag yapos sa akin.
"Dapat ako yung mag sorry babe, kasi hindi man lang kita pinakinggan umalis nalang akong bigla, I'm really sorry" hindi ko naman mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang kayakap ko siya.
Hinahaplos niya yung likod ko dahil sa walang tigil na pag hikbi ko,
"No wala kang kasalanan, dapat hindi ko hinayaang sirain niya yung gabi natin. I love you so much babe, hindi ko na ulit hahayaang gawin niya yun" sabi niya habang nayakap parin sakin.
"I love you too" sabay ng paghalik ko sa mga labi niya.
-
Ang sarap gumising nga wala na yung bigat na nararamdaman ko, kaya naman ganadong akong pumasok para makita si babe.
Hinatid niya ako sa building namin, we walked in holding hands ang sweet lang. Mainggit na lahat ng maiinggit, pumasok na ako sa class room at aba mas maagang pumasok pala sakin tong si Bliss.
Tulad ko ay laging excited tong Bliss pumasok dahil sa bagong love interest niyang si Mr.Leymor. Agad akong nagbeso sa kanya kahit mejo busy siya sa paglalaptop, bilib din ako sa multi-tasking talent nitong kaibigan ko eh.
"busy lang friend?" tanong ko sabay upo sa tabi niya.
"Friend kanina pa kasi ako naloloka dito, hinahanap ko kasi si Sir Leymor sa kahit anong social media, fb, twitter, my space, instagram or kahit friendster nga eh wala siya" sagot niya.
"ganun? baka hindi lang siya mahilig sa mga ganyang bagay or naka private lang siya diba" sagot ko habang nagreretouch ng make up.
"Uhm sa bagay baka nga, hindi tuloy kumpleto pag sstalk ko sa kanya" sagot niya, naloka na ata tong kaibigan ko.
Ilang sandali pa ay dumating na si Mr.Leymor, kaya naman super active na ulit yung ibang classmates kong babae kanina ay inaantok. 1 hour and a half ang itinagal ng class ni Mr. Leymor which is supposed to be 2 hours.
"Okay class, I have to go my meeting kami pakidala nalang sa office ko ung mga reports niyo I know some of you is not yet finished" at tuluyan na siyang umalis sa klase.
Buti nalang at last week ko pa napasa yung hinihingi niyang report.
"Frieeeeend excited na akong magpasa" sabi ni Bliss with matching kilig-kilig pa.
"Hmm last week ka pa tapos diba?" nagtatakang tanong ko.
"Di ko pa pinapasa gusto ko kasi perfect eh" maarteng sagot niya.
"Hmm ikaw bahala, alis na ko friend magkikita muna kami ni Clyde" sagot ko at excited na umalis.
-
BLISS POV
Tama si Mint last week pa ako tapos sa project pero nirerevise ko pa gusto kasi smooth and perfect every details ko sa report na pinapagawa ni Sir. Leymor. He's really cute and ang ganda ng build ng katawan, haay grabe makalaglag panty talaga siya.
Here goes again to my malanding thoughts, pero hindi niyo naman ako masisisi kahit yung classmates ko eh siya rin ang pantasya pero siempre hindi ko sila hahayaang agawin ang hotlove ko. Yeah sa isip ko he's my hotlove.
After ng lunch break kasama ang barkada ay agad na akong nagpaalam para pumunta sa office ni Sir.Leymor at magpasa ng report project. Ilang kembot lang ay nakarating na ako sa office ng faculty of HRM.
Nag-ayos pa ako saglit ng buhok and perfect talaga tong uniform namin sa sexy kong body. Kumatok muna ako bago buksan yung pinto, napatingin siya sakin nang buksan ko yung pinto. Mag-isa lang siya ngayon dito sa office.
"Good afternoon Sir, I'm gonna pass my report" sabi ko habang nakasilip sa pintuan.
"Ohw please come in Ms. Perez, don't be shy masyado kang maganda para mahiya" sagot niya I can feel the heat on my face, did he say I'm pretty?. Ohw grabe pati yung speaking voice niya ang hot, and kelan pa ako naging perv.
Pumasok na ako at inabot sa kanya yung report ko, mejo nahihiya pa ako.
"Thank you Ms. Perez see you in class" muling sabi niya.
"Thank you sir, uhm sir hope you don't mind may facebook account po ba kayo?" seriously? natanong ko yun, saan ko kaya nahugot yung confidence ko.
"Uhm why are you interested to my facebook account? tanong niya. Ohmygosh na-invade ko ata ung privacy niya. "I'm sorry sir, nevermind" naglakad na ako papunta sa pinto.
He just smiled.
--------
A/N Slow update start na ulit ng training ko :) sorry guys

ESTÁS LEYENDO
Friends over matter
De TodoFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.