Mint POV
Naka-uwi na kami from a wonderful vacation, masaya talaga magkaroon ng barkada I’m thankful na kahit gaano kahigpit ang parents ko eh they let me have this kind of peers although nung highschool eh mejo hirap ako sa pagpapaalam para makasama sa mga bonding actually until now, ganun daw talaga kapag unica hija kaya minsan humihiling ako na sana magkaroon ako ng kapatid.
Pagpasok ko ng bahay ay sinalubong agad ako ni Mommy, “How’s the vacation hija? You didn’t tell me na 3 days pala kayo dun, buti nalang nakausap ko si Beatriz and she convinced me that you were in good hands there nako ka talagang bata ka” welcome sa pagrarants ni Mommy.I just sighed, “Hon hayaan mo ng makapagpahinga muna yan si Mint pagod yan sa byahe, I miss you baby” niyakap ko si Dad, thanks God I’m always been saved by Daddy.
“Kaya nasasanay yan si Mint eh spoiled sayo” inirapan ni Mommy si Daddy. “Mom akyat na po ako sa kwarto magpapahinga na po ako” I kissed mommy on her cheeks. “Kumain ka muna bago ka matulog” pahabol ni Mommy. “Sige Mom” tuluyan na akong umakyat sa kwarto. Oh I miss my pink room. Tumunog yung phone ko and I look kung sino yung nagtext, nag-GM pala si Mile:
Hi guys.Got home already? I know mejo bitin yung vacation bawi nalang next year. See you next week for the releasing of grades. Goodnight. J #vacationpamore
Hindi talaga nawawala yung smiley sa mga PM’s and GM’s ni Mile. I take a shower para fresh bago matulog. Bago pumasok sa cr nagplay muna ako ng music. Soundproof naman yung room ko kaya ayos lang kug magpatugtog ko kahit gabi na. I played Avril Lavigne songs then pumasok na ko sa CR para magshower. It takes 30mins to freshen up.
I looked my reflection on the mirror and I can see the trace of bikini lines ang sexy lang. Namamangha nanaman ako sa sexy body ko. Tumunog ulit yung phone ko, tinignan ko baka may part 2 ung GM ni Mile, hindi pala siya yung nagtext guess who It’s Clyde. After a month ngayon lang ulit ako nakarecieve ng message from him:
“Why didn’t take my calls? Nakauwi kana ba?” kelan pa siya ulit naging concern sa welfare ko. Tumatawag pala siya, I had 3 missed calls from him. Bakit bigla akong kinabahan.
“Sorry I just took a shower, kanina pa ako nakauwi, Why?” message sent. After 2 minutes nagreply siya, “Just wanna know if you got home safe” ah so concern ulit siya saken, ano ba tong iniisip ko malamang concern siya saken magkabarkada kami eh. Pero bakit ganun yung huling pag-uusap namin he confessed that he still likes me. Gusto ko lang naman mabreak yung wall kasi nagkakailangan kami, gusto ko lang maliwanagan kami pareho na about us is really over na magkaibigan nalang, pero ba’t lalong nagulo.
Feeling ko pag nagkita kami eh mas maiilang ako sa kanya, ano ba yan. Hindi na ako nagreply sa huling message niya kaya tumatawag siya. Teka sasagutin ko ba, I just hit the answer button. Ang bilis ko magdecide diba.
“he-hello?” nauutal pa ko niyan with matching matinding kabog sa dibdib. What I’m feeling right now is unexplainable.
“Hi, busy ka? Hindi ka na kasi nagreply” he said. “Uhm no kakatapos ko lang kasi magshower nagbibihis ako” pinipilit kong maging normal yung pag-uusap namin. “I miss this” oh my ghad there he is again confession part 2 ba ito? “Do you miss what Clyde?” patay malisya lang yung peg ko dito.
“I missed talking to you over the phone like a usual conversation” san ba patungo tong pinag-uusapan namin. Ang tagal magprocess sa utak ko yung mga sinasabi niya. Ano ba naman Clyde haaaaays. “Hey do you still there Mint?” Oh my gosh I’m spaced out. “Ah yeah, mejo inaantok na ko Clyde sleep na ko Goodnight” then I ended up the call. Di ko kinakaya yung mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong plano niya, and what’s with the conversation like this.
I stare at pink ceiling of my room, having a hundreds of unusual thoughts bakit kasi ginugulo pa ulit ni Clyde yung utak ko, or I must say pati ang puso ko. After a minute I got a text message from him:
”I know mejo nagugulo ko yung utak mo ngayon, I’m sorry but I just want you to know that I’m back, YOUR Clyde Jake Ruiz Is back”
ilang beses ko inulit ulit sa pag basa sa message niya, at lalo akong naguluhan. I admit malakas parin talaga ang impact saken ni Clyde. I know the relationship we had when we were highschool was really immature. Alam ko nagalit siya saken coz’ I don’t let him explain after seeing him talking to that flirt girl member of a cheerleading team, I just dump him. I better choose not to reply his texts. Honestly hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Is he really reconciling to me? Nako Mint huwag kang assuming baka ang ibig niyang sabihin eh andiyan siya ulit bilang kaibigan mo nalang. Yan ang sinasabi ng 2nd thoughts ko.
I am now listening to I’m with you by Avril Lavigne, eto yung unang song na pinakinggan ko nung time na nagdadrama ako sa nangyari samin ni Clyde. Napupuno ang utak ko ng kung ano anong bagay, yung tipong na free ang mga brain cells ko from academic aspects at eto occupied nanaman ng dahil sa mga litanya netong ex ko.
Lahat ng antok ko nawala, I really don’t know what to feel. I’m such a dumbass right now, what the heck is this. I’m lying in my bed pero feeling ko nasa rollercoaster ako. Okay naman si Clyde eh, hanep sa pagpapakilig and surprises kaya nainlove ako sa kanya. Siguro nasanay lang ako na nakukuha ko lahat ng gusto ko at yung bagay na wala akong kahati, kaya naging selosa ako, because for me what’s mine is mine. Ayun yung naging problema sa relationship namin.
I get my phone and start to type, type-bura, type-bura yung nangyayari sakin. Then I ended up with this:
“I don’t know what’s with you right now Clyde that give you the guts to tell me those but whatever it is, IT’S ANNOYING” then I turn off my phone.
Nakatulala lang ako after ng tawag niya, I admit I still like Clyde pero ang dami kong doubts and what ifs. Sa sobrang higpit ng parents ko mahihirapan ako magsabi sa kanila about having a boyfriend. Kelan kaya dadating yung panahong they let me stand on my own, yung buo na yung tiwala nila that I will not disappoint them.
Haay tama na nga sa pag-iisip ng mga ganitong bagay mas mabuti pang matulog nalang at tsaka na problemahin ang mga bagay bagay kapag andyan na, for now I will free my mind. I’ll try.
![](https://img.wattpad.com/cover/25656132-288-k330418.jpg)
YOU ARE READING
Friends over matter
RandomFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.