Mile POV
Di ko namalayan nakatulog pala ako habang nagbabasa. Napansin ni Jigs ang pag-unat ko. “Oh sarap ng tulog ah ang lakas mo pala maghilik Mile” bigla naman ako natigilan sa pag-uunat and I feel consciousness sa sinabi ni Jigs bago pa ko makapagreact eh nagsalita na siya agad. “Joke lang, yung libro mo tinabi ko jan sa compartment nalaglag kasi nung nakatulog ka” how sweet Jigs.
Hindi naman traffic kaya mabilis kaming nkabalik ng Manila. Yeah nasa Manila na ulit kami. Nagising na din ang iba nung makarating kami ng Munoz. “Jigs dito nalang ako bababa may sakayan na dito papunta sa amin” sabi ni Eann. “ako din dito na ako bababa may fx na dito papunta sa samin” for all I know gusto lang talaga sabayan netong si Nhikko si Eann. Torpe move ni Nhikko. Nagpark muna si Jigs para hind makaabala sa daan yung van. “Oh sige tara na Nhiks, una na kami guys ingat kayo Jigs thank you, Panets ingat ah tawagan moko pag nakauwi kana” tumango naman si Nhikko at bumaba na din ng van. Nagwave ako kay Eann and tinaas yung phone ko, sign na tatawagan ko siya when I got home.
Bago pa makaalis yung van sa Munoz eh nag-aya silang dito nalang din kami bumaba. “Jigs pare thanks ah, Mile thank you din dito na kami ni Jhommy tara na” .. “ sabay na ko sa inyo” dagdag ni Bogs. Bumaba na din sila ng sasakyan. Kaming tatlo nalang nila Bliss and Mint ang nasa sasakyan na naka-park parin dito sa labas ng isang grocery.
Maya-maya ay dumating na ang sundo ni Mint. “Ayan na pala yung sundo mo Mint, maghello kana ulit sa mga rants ni tita” pagbibiro sa kanya ni Bliss. Bumaba muna si Jigs at nagpaalam na bibili ng tubig. “Mile alis na din ako ha, since vacation is over back to work muna ako ichecheck ko pa yung orders ng client ko online pkisabi nalang kay Jigs". I smiled then tuluyan na silang umalis.
Haaaaaayy, grabe vacation is really over. Talaga nga namang nakakabitin.
Habang naghihintay kay Jigs, may lumapit saken na bata at namamalimos, bakit kaya may mga magulang na hinahayaan mamalimos yung mga anak nila, at yung iba pa nga ay hinahayaan nilang magnakaw at gumawa ng masama para lang magkaroon ng pera. Dumukot ako sa bulsa ng barya at binigay dun sa bata may natira din akong junkfoods sa bag ay binigay ko na din. "Salamat ate, ang ganda mo na ang bait mo pa" nakooooo nambola pa, sabagay hindi nga naman nagsisinungaling ang mga bata.
Dumating na din si Jigs at may dalang tubig. Binigay niya sakin yung isa, "Oh umalis nadin sila Bliss?" binuksan ko yung tubig at ininom "oo and yun dumating na din yung sundo ni Mint" bumalik na driver seat and ako as usual nasa shotgun seat parin.
"Sino yung katext mo?" kelan pa naging curious to si Jigs sa mga nakakatext ko?.. "Si mama tinanong kung nasan na daw tayo" .. "Ah okay, namimis kana ni tita tara hatid na kita sa inyo" inistart niya na yung engine ng van. "Nag-update lang, nasa restaurant pa yun eh mamaya pa daw siya uuwi" sagot ko. "Ah okay tara coffee muna tayo, alam ko adik ka sa frappe eh" sa tagal namin magkatropa ni Jigs eh alam niya na coffee lover ako. I just smiled. Bumaba na kami ng sasakyan at pumunta sa pinakamalapit na starbucks.
Umupo na ko and si Jigs na bahalang umorder. After 10 mins ay nasamin na yung order namin. "Here's your frappe mahal na prinsesa" said Jigs with matching bow pa. Oh my ghaaad he really looks like a prince this time. And oo kinilig ako dun. "Maraming salamat alipin" he just rolled his eyes and said, "Alipin talaga, sa gwapo kong to?" how conceited Jigger. Natawa lang ako and took a sip to my mocha frappe yes namis ko talaga to.
Napatingin ako kay Jigs at napansin ko yung sunburn niya sa braso, talaga nga namang inenjoy ang pagbabad sa araw eh. Matagal ko ng friend si Jigs pero ngayon ko lang narerealize that he is really an example of ideal man. "Uy salita ka naman jan, mis na mis mo yang frappe ah di mo na ko pinansin dito" may sinasabi pala siya at hindi ko napapansin. Ano ba to napupuno yung mga thoughts ko. What's wrong with me.
ESTÁS LEYENDO
Friends over matter
De TodoFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.