Chapter 18 What this is I'm feeling?

41 0 0
                                    

MILE POV

Buti nalang madilim dito sa bar at hindi nahalata ni Jigs yung pamumula ng mukha ko, ang babaw lang ng kilig ko. "Ayan na pala yung order eh, minsan okay din talaga yung hindi kasama si Mint eh" sabi ni Eann na mukhang naexcite kainin lahat ng nilapag ng waiter sa mesa namin.

"Panets ano ka ba, sa saturday na yung pageant mo" pagpapaalala ko sa kanya. "Anooooo ba yan Mile, babawi nalang ako ng work out bukas" sabay subo ng french fries na hawak niya. Ilang araw din kasi siyang nagdiet kasabay nun ay ang matinding work out. "Hayaan mo na yang bestfriend mo, kayang kaya niya yan" bulong sakin ni Jigs sabay abot ng isang baso ng beer. Ngumiti lang ako, dahil sa magkatabi kami naamoy ko yung nakakainlove niyang bango.

"Pre tignan mo yung chic dun malapit sa counter oh, ang ganda" hirit ni Bogs. "Huwag ka nga magpanggap pre kunwari ka pa, yung waiter talaga tinitignan mo eh" natatawang banat ni Jhommy. "Ang gago naman neto eh, inlove na ata ako pre kamukha niya si Bella" sabi ni Bogs habang nakatingin parin dun sa babae.

"Sinong Bella boi?" tanong ni Eann na kumakain pa rin, baby back ribs naman yung kinakain niya ngayon, katakawan. "Yung sa twilight, Kristen Stewart ano ka ba boi di mo kilala yun, kumain ka nalang diyan" mayabang na sagot ni Bogs. Eann just shrugged hindi naman kasi siya mahilig sa romantic movies.

"Tol Kristen Stewart daw, ultimate crush mo yun diba?" sabi ni Red sa pinsan. Yeah ultimate crush ni Jigs si Kristen Stewart I remembered nung inopen ko yung iTouch niya si Bella Swan yung nasa wallpaper. Napatingin na din si Jigs dun sa babae na kanina ay busy lang siya sa pakikinig sa tumutugtog na banda sa stage.

"Madilim eh hindi ko masyadong makita" yun lang yung tanging naisagot ni Jigs at itinuon na ulit ang atensyon sa tumutugtog na banda.Maganda nga naman talaga yung girl, at yes may hawig siya kay Kristen Stewart.

I took a sip on my drink, it's pretty cold so it was just like I'm drinking a soda and it's a flavoured beer. Mabilis kong naubos yung isang baso, at napansin yun ni Jigs "Ang lakas talagang uminom" puna niya. "Baliw, malamig kasi yung beer tapos apple flavor pa kaya masarap" paliwanag ko.

"Kamusta back to school Jigs?" tanong ko. "Okay naman wala pa masyadong activities, kaya chill lang muna" sagot niya sabay inom sa baso ng beer na hawak niya. Nilagyan niya ulit yung baso ko, "Naku buti ka pa, kami ayun nagsisimula ng dumami ang mga assessments kaya nararamdaman ko na yung hell week" I pour ice on my glass, nilagyan ko din yung baso niya.

"Kayang kaya mo yan ikaw pa ngingitian mo lang yun eh" ayan na naman po siya. "Naman! Cheers!" sabay taas sa basong hawak ko. Agad niyang pinagtama ang mga basong hawak namin "Uy ang daya bakit kayo lang" sabi ni Red.

"Okay guys altogether, Cheeeeeers" tinaas ni Jigs ang hawak niyang baso kasabay nun ang pagtaas narin ng mga baso namin at pinagtama ito. "Alright!" masiglang sabi ni Red. "Hanep Ann, sa sobrang bilib namin sayo hindi na namin hinintay yung pageant nauna na yung victory party, ikaw na panalo dun boi!" sabi ni Bogs. "Onga,onga ! pucha ikaw na talaga" dagdag ni Jhommy na nag bottoms up pa.

"Hanep ah, parang nung nakaraan lang pinagtatawanan niyo pa ako ah, mananalo talaga ako dun noh!" mayabang na sagot ni Eann. Really Panets? parang kanina lang worried ka because of your flaws. "Yan ang fighting spirit!" sabi ko at tinaas ko ang kamay ko para umapir agad naman itong tinugon ni Eann.

Ilang sandali pa ay natapos na yung unang banda na tumutugtog at nakapwesto na rin sila Nhikko kasama ang mga kabanda niya.

"Goodevening Everyone, welcome to FOM Bar this is our first set for this evening enjoy guys" bungad ni Nhikko bilang vocalist ng banda nila.

Nagsimula na silang tumugtog and we never fail to cheer for Nhikko as he sings, ang galing niya at talaga nga namang nakakainlove. "Nice one Nhikko!" sigaw ni Eann, ayun hanep ang ngiti ni Nhikko nang marinig niya ang boses ni Eann.

Friends over matterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt