Chapter 9 House Bonding

13 0 0
                                    

Jigs POV

Ilang days nalang back to school na naman, kaya eto sinusulit ng barkada ang bakasyon. Ako ngayon eto nililinis ang sasakyan ko ngayon lang ulit ako nag hands on sa paglilinis ng auto ko madalas kasi nagpapacar wash na lang ako.

Nakita kong palabas na ng bahay si Daddy papuntang office. "Dad pasok na? breakfast muna" pagpapaalala ko kay Dad. Minsan kasi nakakalimutan na niyang magbreakfast dahil sa pagiging workaholic niya. Masakit man isipin simula ng iwan kami ni Mommy eh puro trabaho na ang inatupag ni Dad.

"Nagcoffee na ako, yung pinsan mo tulog pa ba?" tanong ni Dad bago pumasok sa sasakyan niya. "Yes dad" sagot ko habang nagbubukas ng gate para makalabas na si Daddy. Tumango lang siya at tuluyan ng umalis. Napuyat ata si Red at hanggang ngayon ay tulog pa gumimik kasi kami kagabi kasama sina Bogs except kay Clyde na may mahalagang lakad daw.

Maya-maya ay bumaba na si Red na mukhang galing talaga sa mahabang tulog. "Last Night was a blast cous namis kong gumimik, iba talaga ang night life dito sa Pinas" sabi niya na tila may hangover pa sa saya namin kagabi. "Just look forward for more Red" sagot ko sa kanya habang nagkakape.

"Ang saya ng kasama ng barkada mo cous, ang kukulit" dagdag niya. "Part ka na rin ng barkada cous" sabi ko sabay abot ng toasted bread sa kanya. He just smiled, "Bakit pala all boys tayo last night?" tanong niya hindi kasi nakasama ang mga girls biglaan din kasi ang lakad kagabi. "tinext namin sila last night pero may mga sariling lakad eh, next time siguro" sagot ko.

"Sayang naman, yeah maybe next time" sagot niya. "Ang daming lumalapit na chics kagabi sayo cous iba na talaga yung genes natin" minsan mayabang din tong pinsan ko eh pero totoo naman talaga.  Naks parang mayabang na din ata ako. Natawa lang ako sa sinabi niya sabay iling.

"Pero wala ka bang girlfriend cous?" nagtatakang tanong niya. Umiling lang ako, tinanong din sakin ni Mile yan pagbalik namin from Bataan. I had girlfriends before yet it all turns out not so good so we end up. Hindi naman sa ayokong mag girlfriend maybe it takes time and besides hindi naman minamadali ang pagkakaroon ng lovelife. Like what they always say true love comes at the right moment of our life.

"Sa mga kabarkada mong girls cous, lahat sila maganda wala ka bang nagustuhan sa kanila?" curious naman masyado tong pinsan ko sa pagkakaroon ko ng girlfriend. "Gusto ko kasi pag nag girlriend ako cous yung tipong ready na ako magkaroon ng committment, nakakasawa kasi yung puro laro tulad mo naman ako sayo puro playtime sa babae ang alam" pagbibiro ko sa kanya.

"tsk that rude cous, I dont play with girls we are just having fun" mayabang na tugon netong pinsan ko. Ganun kasi ang nakalakihan niyang environment sa Canada, sabi nga nila compared here in Manila mas liberated ang mga babae dun. "Pareho lang yun eh" pareho kaming natawa sa naging sagot ko.

"Ano kayang masarap gawin ngayon tol?" tanong niya. "Xbox?" suggestion ko. Sumangayon naman siya, tinatamad din kasi kaming lumabas ng bahay kaya napagpasyahan nalang namin maglaro dito sa bahay.

"Set up mo na cous, text ko lang ang barkada para pumunta dito sa bahay mas madami mas good" sabi ko. Agad naman siyang umakyat ng entertainment room, para iayos ang lalaruin namin. Nagsend naman ako ng group message para sa barkada.

"Bonding today guys? Nandito lang kami sa bahay. Punta kayo. GM" nasend ko na sa lahat.

Umakyat narin ako ng entertainment room at nakita kong tapos narin sa pagseset-up tong si Red. "Natext ko na silang lahat, feeling ko nag-uunahan na silang pumunta dito ngayon" sabi ko habang kumportableng nakaupo sa sofa. "that's good, are the girls coming?" tanong niya. Napaisip ako sa tanong niya maybe may type tong si cousin sa isa sa mga kabarkada naming babae. 

Friends over matterWhere stories live. Discover now