Mile POV
Tapos na ang Q&A portion ng pageant, ang ganda ng sagot ni Eann, kaya naman ang lakas ng tiwala naming siya na talaga ang mananalo. Sobra kaming kinakabahan, ayan na umakyat na si Dean para iannounce yung winner.
Grabe parang kami yung kasali sa pageant, magkahawak kami ng kamay nila Bliss and Mint at sabay sabay na nagdadasal na si Eann ang tawagin.
"Our Ms.Accounting2015 is from BSA-B, Ms.Elyana Louise Morris! Congratulations!" kasabay ng pag-announce ng dean ang tilian namin.
"Sabi sa inyo boi si Eann na mananalo eh!" sabi ni Bogs na tuwang tuwa sa pagkapanalo ni Eann. "Shot na ituuuuuuu!" sigaw naman ni Jhommy. Grabe worth it lahat ng pagod ni panets sa work shop niya with Mint, mga sinusumpa niyang diet at walang humpay na work out.
Mas lalo akong naging proud sa bestfriend ko, akalain niyong si Elyana na walang ka poise poise eh beauty queen na ngayon sa campus. Agad ko namang tinext si mama about sa results ng pageant, natatawa ako sa reaksyon ng bestfriend ko dahil maging siya hindi makapaniwala.
Kinabit na sa kanya ang korona, sash kasama ang trophy tumingin siya sa gawi namin at inangat ang hawak niyang trophy nagsigawan naman kaming lahat, at aba nag flying kiss pa.
Guess what, sinalo to ni Nhikko sana nakita ni Eann yun. Hehe
.........................
Natapos na ang event at my after party ang College of Accountancy, dahil tropa kami ni Eann kasali kami at may sarili pa kaming long table, astig lang."Ang daming chiks dito boi, yun oh si Contestant no.4 ang ganda niya sa malapitan talaga" bulong ni Bogs kay Jhommy naku puro talaga chiks to he. "Mas maganda pa sakin?" sabi naman ni Eann. "Hindi boi, siyempre mas maganda ka" bawi naman ni Bogs.
"Lol, gago makapang-asar ka jan kay Eann dati" hirit naman ni Jhommy habang umiinom ng cocktail. Nakipag-apir naman si Eann kay Jhommy, "tss dati yun" sagot ni Bogs na sinusundan ng tingin yung isang contestant na dumaan sa harap ng table.
Napailing nalang ako habang nakangiti, kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa para itext si mama:
To Mama:
Ma, malalate ako ng uwi I'm here at after party.
Although hindi naman mahigpit sakin si mama, I should atleast let her know para hindi siya mag-alala. Inabutan naman ako ni Jigs ng isang baso na may lamang cocktail, its color yellow so I guess its Pina Colada. "Busy sa katext?" tanong niya sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"No, tinext ko lang si mama na malalate ako ng uwi alam mo na para hindi mag-alala grabe ka naman busy agad" then I smile. "Ohw okay" sagot niya habang palinga-linga, "Ang daming magaganda nu? malay mo makahanap ka na jan" ang totoo niyan labag talaga sa kalooban ko yung sinabi ko. Eto nanaman yung crazy thoughts ko :)
Napatingin siya sakin na akala mo takang-taka siya sa sinabi ko, "Anong sinasabi mo jan Smiley, hindi ko na kailangan maghanap noh" sagot naman niya. So anong ibig niyang sabihin may nahanap na siya? siguro yung sexy at magandang client niya yun. Bigla naman akong nalungkot dun sa sinabi niya.
"So you mean merun na ?" tanong ko. "Uhm oo siguro? actualy hindi pa talaga ako sigurado so ayun, time will tell" sagot niya, kasabay nun ang pag-ubos sa iniinom ko. "talaga? eh bakit hindi ka naman sigurado?" tanong kong muli.
"Eh kasi baka mag-fail lang ako tapos mawala lahat ng meron kami ngayon" sagot niya. Napapaisip naman ako sa mga sinabi niya, si Irish nga siguro yun I think she found the one and take note kamukha pa ni Kristen Stewart na ultimate crush niya.
YOU ARE READING
Friends over matter
RandomFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.