Bliss POV
Happy week end, break na muna sa mga school works pero unfortunately kailangan kong asikasuhin ang aking pagpapayaman. Kaya eto weekend na weekend eh nagpapakabusy ako dito sa harap ng amazing laptop ko.
Ang dami nanamang orders ng mga regular client ko, shoes, bags, perfumes and everything. Buti nalang ay madami din akong stocks today.
Maaga ding nagtext sina Mint para maghang-out at manuod ng movie, as usual I refused to be with them dahil sa dami ng orders ko.
Buong araw din akong nakatutok sa mga client ko, mejo sumasakit na yung mga mata ko dahil sa pagbabad sa harap ng computer.
After how many hours na-settle ko na din lahat ng mga orders sa akin kaya naman nag-facebook muna ako to update my latest status.
.
.
.
Ramdam ko ang biglang pag-init ng mukha ko nang Makita ko ang friend request ni Mr.Leymor, yung tipong kiniliti ka ng isang milyong tao sa sobrang kilig.
“Kyaaaaaaaaaah!” napatili na ako sa sobrang bugso ng feelings.
Naputol naman ang tili ko ng biglang bumukas ang pinto ng karto ko,
“maam Bliss anong nangyari?!” tarantang tanong ni manang Cristy, na nakasuot ng apron at may dalang sandok, tila naghahanda ng dinner.
“ahh manang wala po, may nakita lang akong ipis” pagsisinungaling ko.
“ipis ho maam? Nako talaga nag-spray na ako nung nakaraan bumalik nanaman” oh crap binigyan ko pa ata ng problema si manang.
“it’s okay manang, balik na po kayo sa kitchen” hindi pa kasi ako tapos kiligin kaya naman tinaboy ko na muna si manang. “sige po maam, mag-iispray nalang ho’ ulit ako” paalam ni manang.
Every weekend ay pinapadala si manang Cristy dito ni Lola Carmen para ipaghanda ako ng pagkain at linisin itong tinutuluyan ‘kong condo. Anyway omygosh totoo ba ‘to as in siya talaga nag-add saken, sabagay hindi ko naman siya masisisi ang hot ko kaya.
Okay mejo conceited, pero I can’t help it ilang araw din akong nagpaka-detective just to know his facebook or any social media account and now, this is so so amazing.
Agad ‘kong tinext si Mint para ibalita, pero siempre innaccept ko muna.
Binuksan ko ang ilang albums niya to confirm kung siya nga talaga ang nag-add sakin, and waaaaaaaaah! Siya nga talaga nga namang napaka-pogi niya and may mga super hot captures siya.
Okay guys say hello to my perverted mind
…..
Ganado akong kumain ng dinner dahil sa goodvibes na dala ni Mr. Leymer, akala ko tuluyan ng magiging walang saysay ang weekend ko.
Agad akong nagbukas ng facebook account via mobile just to see kung online siya, and yes he is so super online, ayan nanaman yung maharot kong thoughts at hindi ako nagdalawang isip na i-message siya.
“Good eve sir, thanks for adding me” oh diba mejo magalang ako.
…
…
…
Hindi naman mawala yung ngiti sa mga labi ko habang hinihintay yung reply niya,
”no problem, ” with smiling face pa yung reply. Talaga nga namang pinapakilig ako ng husto nito.
ESTÁS LEYENDO
Friends over matter
De TodoFriends for real. Mga masasayang moments ng isang barkadahan. Dito masusukat kung hanggang saan ba ang samahan inspite of problems and not so good happenings.