KABANATA #1: His Wife

16K 245 10
                                    

Avery was preparing their breakfast. She's happy to do what a married woman should do. She's doing her job and her responsibility as HIS wife.
His wife. Napakasarap pakinggan ang mga katagang iyon. His wife really sounds great pero sana ganoon din ang trato sa kanya. Sana ganoon din ang nararamdaman nya kapag nandyan si Denver.

She set the table and prepare all the food. Isang simpleng agahan para sa taong minamahal nya. Just on a queue, pababa na ng hagdan si Denver. He's already wearing his uniform. He really looks handsome kahit uniporme lang ang suot nya. No one can deny it.

"Ah. Denver kain na tayo. Sakto dahil naayos ko na din ang mga pagkain. Halika na." pag aaya dito ni Avery.

Nakatingin lang ito sa kanya ng ilang segundo bago bumaba ng tuluyan. Avery puts another plate for Denver.

"Halika na Denver. Mag almusal ka na muna bago pumasok."

Denver said nothing. Imbes na umupo ito sa hapag at kumain, dumeretso ito sa labas at nilagpasan lang ang nag aayang si Avery. Hindi nagtagal ay narinig ni Avery ang pagstart ng kotse ni Denver. He's ready to leave, leaving Avery behind. She smiled bitterly. Bakit kasi umaasa pa sya na sasabayan sya ni Denver sa pagkain? Sinasaktan nya lang ang sarili nya sa ginagawa nya.

In three months of their marriage, never pa silang nagkasabay ng sila lang dalawa. Nagkakasama lang sila sa hapag kapag dumadalaw ang mga magulang nya o ang mga magulang nito. Denver usually eats his breakfast outside. Hindi nya din pinapansin si Avery. Para lang tau-tauhan o di kaya hangin ang asawa kapag sila lang dalawa ang nasa bahay. Avery is used to it, him treating her as nobody. Pero kahit gaano pa sya nasanay na ganon ang pakikitungo sa kanya ng lalaki, hindi nya pa rin maiwasan ang masaktan. Hindi nya pa rin maiwasan ang pagkirot ng puso nya sa tuwing ganoon sa kanya si Denver.

Madalas nyang kumbinsihin ang sarili na magbabago din ang asawa, na makikita din nito ang halaga nya, na mamahalin din sya nito kagaya ng pagmamahal nya dito. Pero hindi rin maalis sa isip nya na baka niloloko nya lang ang sarili nya. Pinapaniwala ang sarili sa isang ilusyon na kahit kailan hindi mangyayari.

Kagaya ng mga nagdaang buwan, kumain si Avery ng mag isa. That's already her usual routine. Kakain ng mag-isa, mag aayos ng gamit at papasok sa eskwelahan. Yes. They're both Senior high school students. Nag aaral pa sila ang they're just eighteen when they got married. At the young age, they became married couple but it was kept secret. Denver begged his father to keep it for a while. Pumayag naman si Faustine, ang ama ni Denver sa pakiusap ng anak but in one condition.

Kailangan nilang magsama sa iisang bubong at kailangan nya ding alagaan si Avery. He should be an ideal wedded husband to her which hindi naman nangyayari. They're marriage was kept secret. Avery is still using her father's surname, Sanford. Good thing that they got married in States kaya konti lang ang nakakaalam nito. Sila lang na pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Avery finished her food. Niligpit nya na din ang ibang natira at ang pinagkainan. She's already in a hurry dahil konting oras na lang ay male-late na sya. Dali dali syang naglakad papunta sa may labasan ng kanilang subdivision para maghintay ng sakayan. Maghihintay pa sya ng jeep na dadaan sa St. Bridgette Academy, ang paaralang pinapasukan nila. She hasn't learn how to drive kaya hindi pa sya binibilhan ng kotse ng ama. At ang buong akala din ng lahat ay sinasabay sya ni Denver papuntang paaralan.

It was nearly time when the Jeep arrives. Buti na lang at puno na ito kaya dere-deretso na ang byahe at hindi na tumitigil pa para sa ibang pasahero. She arrives at the school eight minutes before her first class. She has to run para hindi malate. Tagaktak na ang pawis nya dahil sa init sa jeep at ngayon ay tumatakbo pa sya para hindi maabutan ng oras.

Tumigil sya sa pagtakbo ng makita nya ang asawa sa may TVL Strand building. Ito kasi ang strand na kinuha ni Denver samantalang sya ay HUMSS. Kasama ni Denver ang mga kaibigan nito at masaya silang nag uusap usap.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon