𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄):

6.9K 137 5
                                    

𝐇𝐄𝐋𝐋𝐎 𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘𝐎𝐍𝐄. 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐔𝐇𝐈𝐍 𝐊𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐄𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘, 𝐊𝐀𝐘𝐀 𝐇𝐄𝐓𝐎 𝐀𝐊𝐎, 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑. 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐈'𝐌 𝐍𝐎𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐌𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐘𝐓𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐊𝐀𝐘𝐎 𝐌𝐀 𝐁𝐈𝐁𝐈𝐓𝐓𝐄𝐑 𝐔𝐋𝐈𝐓. 𝐈 𝐇𝐎𝐏𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐖𝐈𝐋𝐋 𝐋𝐈𝐊𝐄 𝐓𝐇𝐈𝐒. 𝐁𝐘 𝐓𝐇𝐄 𝐖𝐀𝐘, 𝐓𝐇𝐈𝐒 𝐖𝐈𝐋𝐋 𝐁𝐄 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐓𝐄𝐍 𝐎𝐍 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐏𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐕𝐈𝐄𝐖. 𝐈 𝐇𝐎𝐏𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐖𝐎𝐍'𝐓 𝐌𝐈𝐍𝐃.

𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆:

𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐇𝐄𝐀𝐃. 𝐑𝐄𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐎𝐖𝐍 𝐑𝐈𝐒𝐊.

𝐄𝐍𝐉𝐎𝐘 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆!!!!

************************************

WELCOME HOME PARTY FOR AVERY. (REFERING TO THE EPILOGUE.)

Denver was in pain. Seeing Avery with her daughter and Seb is really a torture. Yes. It's been ten years but he's still in love with her. Hindi naman nag bago ang nararamdaman nya. Now, he's really regretting everything he did.

'Kung naging mabuti lang sana ako sayo, mabuting asawa, mabuting tao, hindi tayo hahantong sa ganito. Kung na set aside ko sana ang galit ko, sana tayo pa rin, tayo pa rin ang magkasama, tayo ang masaya. I'm sorry Avery. I really am.'

Iyon ang tumatakbo sa isip ni Denver habang pinagmamasdan si Avery. Puro pagsisi sa nagawa nyang kamalian sa kanya.

Nagpatuloy ang party at hindi na muling makausap ni Denver si Avery. Nakatanaw lang sya sa malayo, umiinom mag isa habang ang babaeng mahal nya ay masayang nakikipag usap sa taong minamahal nya ngayon.

Lumalim na ang gabi kaya napag desisyunan na ni Denver na umuwi. Lumapit sya sa mga magulang ni Avery na minsan nya na ding naging magulang.

"Ah Tita, Tito, I have to go. Maaga pa po kasi ako bukas. Thank you for inviting me po. Avery, m-mauna na ako."

"Sige. Thanks for coming Denver. Drive safely."

"Salamat."

With that, Denver left the house. Dali dali syang sumakay sa kotse nya at pinaharurot papalayo sa bahay nila Avery. Bigla nyang kinabig ang manibela at basta na lang ipinarada sa gilid ng daan ang sasakyan. Hinampas nya ng ilang beses ang manebela at hinayaang lumabas ang sakit. He couldn't hold his tears anymore. It was really painful to watch the girl he loves loving another man. Bumuhos ang sakit kasabay ng kanyang mga luhang kanina nya pang pinipigilan.

Ilang minuto syang nanatili sa ganoong posisyon. Ninanamnam ang sakit, inaalala ang mga ngiti ni Avery kanina, ngiting hindi sya ang rason. Nang mahimasmasan ay pinaandar nya muli ang sasakyan papauwi sa kanyang bahay. Wala syang pakialam kung hindi maayos ang pagkakapark ng kanyang sasakyan. He goes directly to the fridge and get some bottles of beer.

Mag isa syang nagpakalasing. Nilunod ang sarili sa alak para makalimutan ang nararamdaman.

"Ang tanga mo Denver, ang tanga tanga mo. This is your karma. You deserve this. You deserve this! You're an asshole! You're a damn fool Denver! Bobo ka! Bobo ka!"

Hindi nya maiwasang sumbatan ang sarili. After all, it's his fault. Yeah. It's his fault. Nagpatuloy sya sa pag inom hanggang madaling araw. Hindi na nya nga namalayan na nakatulog na sya sa sahig sa sobrang kalasingan.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon