PROLOGO:

27.7K 310 13
                                    

Ang tunog ng mga kampana ay sumasabay sa kabog ng dibdib ni Avery. Ngayon ang araw na pinakahihintay nya. Ang araw na pinapangarap ng sinumang babae sa mundo. Wearing her long white wedding gown, Avery stood in front of a large door. Dahan dahan itong bumukas at nakita nya ang mga taong mahahalaga sa kanyang buhay, si Avelyn at si Rykko, ang kanyang mga magulang, si Carolina at Faustine, ang mga magulang ni Denver at ang ilang malalapit na kaibigan ng kanya-kanyang pamilya.

She started to walk on the long aisle showered with rose petals. Binalot ng isang magandang tugtugin ang buong paligid. Kita nya ang mga ngiti sa labi ng mga dumalo sa kanilang kasal. It was priceless!

Natuon naman ang mata nya sa taong naghihintay sa kanya sa dulo ng altar. It cannot be denied that he's really handsome wearing his black tuxedo. Happiness filled her heart. She's really happy. She's going to marry the person she loves more than her life. She's going to marry the person she wants to share her entire life with. She's going to marry Denver Montessori, the man of her dreams, the man who despise her a lot.

That thought choked her. Yes. The man she's marrying despise her, a lot. Para syang sinasaksak ng matatalim na titig ng binata. His cold blue eyes are still expressionless, emotionless. Wala kang makikitang excitement sa mata nya. Walang nakikitang kasiyahan. His eyes made her shiver.

Isn't it funny? Dapat babae ang umaatras sa isang arrange marriage pero baliktad ang nangyari. She's the one who likes to pursue the wedding ceremony. Denver is her best friend, she's also his best friend, just best friends. Hanggang doon lang ang kayang ibigay sa kanya ng taong pinakamamahal nya. Pinagkasundo lang sila ng mga magulang nila dahil malapit na magkaibigan ang mga ito at para na rin sa negosyo.

Habang papalapit sya ng papalapit sa dulo, nararamdaman nya na ang pagbigat ng sapatos na suot nya. Kahit ang sapatos ay pinipigilan sya sa pag usad. Her knees are trembling. Para na itong mawawalan ng lakas sa sobrang kabang nararamdaman nya.

Nakaabot sya sa dulo. Malapit sa taong gusto nyang makasama habang buhay. But, why does she feel that he's so far even though he's just a meter away from her. Pakiramdam nya ang layo ng agwat nilang dalawa. Hindi nya maabot.

Iginaya sya ni Denver sa upuan nila. The priest started the wedding ceremony. Hindi makatutok ng maayos si Avery sa mga sinasabi ng pari. She's very distracted by the man sitting next to her. This dazzling man and soon to be her husband in a while.

Natapos na ang sermon and it's time for exchanging vows and wearing of the rings. Hinarap ni Avery si Denver at sinalubong ang mga titig nito. It's still the same. His eyes are still emotionless, walang maaaninag na kahit anong reaksyon. It was really vague that no one can understand how he really feels.

"I, Denver Montessori promised to love you Avery Sanford for the rest of my life. To love and to hold, to cherish for better or for worse, in sickness and in health, for richer, for poorer till death do us part." sambit nito.

The coldness of his voice made Avery shiver. Kung nakakamatay lang iyon, kanina pa bumulagta si Avery. Napakalamig ng tinig nito. Ipinapakita talaga ng binata na wala syang amor sa dalagang nasa harapan. Isinuot ni Denver ang singsing sa daliri ni Avery. It's her time to say her vow. Lumunok muna sya ng ilang beses para maibsan ang kabang nararamdaman.

"I-I, Avery Sanford, take you Denver Montessori, to be my lawfully wedded husband, promised to cherish you with all my life, to love and to hold, for better and for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health 'till death do us part." mangiyak-ngiyak na sambit ni Avery.

"By the power vested in me, Avery and Denver, I now pronunce you, husband and wife. Denver, you may now kiss your bride." usal ng pari.

His gaze meets hers. Mas lalong nanglumo si Avery sa nakita. Kung ang kaninang walang emosyong mga mata, ngayon, meron na but all she see is a pure anger. His blue eyes were as cold as ice. It was curious and it was looking at her with disgust written on it.

Itinaas ni Denver ang belong nakaharang sa mukha ni Avery. Walang ano-ano'y sinakop nito ang kanyang labi. It was a rough, bitter and painful kiss. Avery can taste the anger and resentment of Denver through his lips and it's killing her.

Pinutol ni Denver ang halik at nagpalakpakan ang mga taong nakasaksi sa kanilang pag iisang dibdib ni Avery. He is smiling but his eyes tell what he really feels.

Avery surely knows that her decision isn't right. But she's very determined to prove that she's worthy of his name. She will do whatever it takes to make Denver fall for her.

'I will do everything for you Denver. I love you. I hope you feel it too.'

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon