KABANATA #10: Be My Date

9.2K 163 3
                                    

"So, sinong date mo sa ball?"

Boses iyon ni Yumi. Kinukulit nya ang kaibigang si Avery na umattend ng Foundation Day Ball na gaganapin sa Friday at pumili ng makakaparega. However, Avery is not interested. Wala syang ganang dumalo sa nasabing okasyon.

"Ayoko ngang umattend dyan sa ball." sambit ni Avery.

"Eh. Bakit naman Ave? Sayang naman eh. Minsan lang ito mangyari. Sige na. Umattend ka na." pangungulit ni Yumi.

"Ayoko. Basta ayoko." Avery firmly said.

"Hello girl. Nahihiya ka pa din ba sa pagkatalo mo sa singing contest? Get over with it. Tapos na yun." Yumi said while rolling her eyes.

"Hindi. Wala naman akong pake sa result ng contest. Hindi ko lang talaga feel pumunta sa ball."

"Eh bakit nga? Don't tell me, wala pang nag aaya sayo."

Natahimik si Avery sa sinabi ng kaibigan. Tama ang kaibigan, wala pang nag aaya sa kanya sa ball but she's secretly hoping that Denver will ask her to be his date.

"Wala pa nga. Don't worry Ave. May may aaya sayo. Trust me." sambit muli ni Yumi sabay kindat kay Avery.

Nagpatuloy na sila sa have paglalakad at paguusap. When they were about to reach their building, Avery heard a voice calling her name. It was the voice of the person she really wants to see every day.

"Avery."

"Denver."

"Can we talk?" tanong nito sa kanya.

"Ah. Sige. Mauna na ako sayo Ave. Babye." pagpapaalam ni Yumi sabay takbo pataas ng building.

Naiwan sina Avery at Denver sa baba. Binalot sila ng isang mahabang katahimikan bago nagsalita ang dalaga.

"Anong gusto mong pag usapan?" tanong ni Avery.

"Be my date tomorrow." walang paligoy-ligoy at direktang sabi ni Denver.

"H-ha?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

'Nabibingi ba ako o nananaginip? I was really surprised. Totoo ba to? Iniisip ko lang to kanina and now it's happening. This must be a dream! Wake up Avery! Wake up!'

"Be my date sa Grand Foundation Ball bukas." paguulit ni Denver.

"A-ako?"

She still in cloudnine. She just can't believe that this is happening to her. It feels surreal!

"Nagtanong kasi si Mommy if pupunta ako sa Grand Foundation Ball and I said yes. Sabi ko rin ikaw ang partner ko." pagpapaliwanag ni Denver.

"Ah. S-sige."

After hearing those words, she feels a bit disappointed. It wasn't his own will.

'Dahil lang pala kay Mommy kaya nya ako inaya. It's just part of the act na masaya kaming dalawa. Pero kahit ganon, masaya pa rin ako. At least sya ang makakasama ko. Sya ang magiging date ko bukas. That's what matters the most.'

"Sige. Alis na ako." pagpapaalam ng binata.

Tumalikod na si Denver. Hindi man lang nito hinintay na makapag paalam si Avery sa kanya. Nagpatuloy na din ang dalaga sa pag akyat sa kanilang building.

'Inaya nya ako pero bakit parang ang bigat sa dibdib. Smile Avery. May date ka na bukas. Yung asawa ko pa. Cheer up.'

NAGLALAKAD si Denver papunta sa kanilang building na medyo mabigat ang dibdib. Alam nyang nnasaktan nya na naman ang dalaga sa sinabi nya kanina.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon